Nairita ang Boss ng Lalaking Ito Dahil Parang Utu-Uto Siyang Namimigay sa Mga Pulubi, Pero Natahimik Ito Nang Marinig ang Dahilan ng Binata

(Photo for illustration purposes only.)

Nagtatrabaho si Kristian sa isang company sa Pasay, kahit bagong graduate ay malaki na agad ang tiwala ng boss sa lalaki dahil maaasahan ito at talaga namang dedicated sa trabaho. Kahit anong ipagawa rito ay naipapasa nito on time, minsan nga ay mas maaga pang natatapos ito.

Isang hapon, pauwi na si Kristian pero may iniutos pa ang boss sa kanya. Kaya lang ay naiwan ang mga papeles na kakailanganin sa laptop nito, na nasa bahay.

Image courtesy of www.google.com

“Tian, diba sa coastal terminal ka sumasakay? Tutal ay madadaanan naman ang bahay ko papunta doon, sumabay ka na sa akin. Hintayin moko saglit sa sasakyan kukunin ko lang yung files na kailangan tapos kahit ihatid na lang kita sa terminal, how’s that sound?” tanong nito. Wala namang kaso iyon sa binata.

(Photo for illustration purposes only.)

“Pagkakuha ng boss niya sa mga papeles ay nagdrive na sila papuntang terminal, bagamat mabait sa kanya ang boss ay aaminin niyang may napansin siyang masamang ugali nito, mahilig itong mangmata ng kapwa.

“Eh ano bang pakialam ko diyan sa mga cashier sa mall, ayoko sa lahat ay babagal bagal at wag nila akong tatarayan dahil kaya ko silang ipatanggal sa trabaho,” kwento nito habang nagdadrive. Tahimik lang namang nakikinig si Kristian.

Kumatok sa bintana ng kotse ang isang matandang bulag, akay-akay ito ng babae at namamalimos ang dalawa.

(Photo for illustration purposes only.)

Kahit mas malaki ang sahod ng boss, mas malaki naman ang puso ni Kristian dahil agad siyang dumukot ng pera sa wallet. Ibinaba ang bintana ng kotse at iniabot ang 50 pesos sa dalawa. Pinagsabihan naman siya ng kanyang boss.

(Photo for illustration purposes only.)

“Mga sindikato yan. Dapat hindi binibigyan para matutong maghanapbuhay, minsan isinisugal lang yan o ipinangbibisyo. Bakit binigyan mo pa?” tanong nito sa binata.

Advertisement

Maganda naman ang isinagot ni Kristian at tila napahiya ang boss.

“Wala na po akong pakialam kung saan nila dalhin, bahala na ang Diyos doon. Ang mahalaga po sa akin ay yung intensyon ko pong tumulong.”

Anong aral ang napulot mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.