Minaliit Nila ang Bagong Katrabaho na Probinsyana; Sila ang Napahiya nang Makilala Ito nang Lubos
“Siya si Karen, ang bagong miyembro ng team niyo. Kayo na ang bahala na magturo sa kaniya ng lahat ng dapat niyang malaman ha,” anang kanilang boss nang umagang iyon.
Tumaas ang kilay ni Belle nang makita ang tatak ng bag na bitbit ng bagong salta. Mamahalin kasi iyon.
Ngunit agad niyang napagtanto na peke ang bag nito dahil sa sunod na sinabi ng kanilang boss.
“Kalilipat lang ni Karen sa Maynila, kaya hindi pa siya sanay rito. Sa probinsya siya lumaki, kaya umaasa ako na tutulungan niyo rin siya na masanay rito,” sabi pa ng boss nila bago ito lumabas ng departamento nila.
Naramdaman niya ang pagsiko ng kaibigan niya na si Cherry.
“Sis, probinsyana pala…” bulong nito na may kasamang hagikhik.
Hindi niya tuloy maiwasan na mapahagikhik din.
“Naku, malamang walang kaalam-alam ‘yan dito sa Maynila…” bulong niya pabalik sa kaibigan, naiiling.
AdvertisementNakangising minasdan nila ang bagong salta na kasalukuyang isa-isang pinapatong ang mga dala nitong picture frames sa ibabaw ng sarili nitong mesa.
Nang bandang tanghali na ay nilapitan niya ang dalaga.
“Karen, gusto mo ba na sumabay sa amin ni Cherry na mag-lunch?” nakangiting yaya niya sa bagong kaopisina.
Malawak itong napangiti.
“Oo naman. Thank you ha. Iniisip ko nga kung sino ang kasabay kong kumain,” anito.
“Hindi kami sa cafeteria kakain, ayos lang ba?” tanong niya.
Maagap itong sumagot.
“Oo, sige, ayos lang. Tara na,” sagot naman nito bago tumayo mula sa pwesto nito.
AdvertisementAgad siyang nag-book ng sasakyan papunta sa isang restawran na may kamahalan.
Habang nasa sasakyan ay pigil nilang matawa sa pagiging ignorante ng dalaga.
“Alam niyo, ngayon lang ako nakaikot dito sa Maynila. Salamat sa inyo, kahit paano ay may mapupuntahan ako na mga kainan…” anang babae.
Agad siyang humirit.
“May kamahalan nga lang sa kakainan natin, ayos lang ba?” kunwari ay usisa niya.
Tumango ito.
“Sige, walang problema…” anito.
Humantong sila sa isang mamahaling restawran.
Advertisement“Ang ganda rito. Hindi matao,” komento ng dalaga.
Tahimik na inobserbahan ni Belle ang bagong katrabaho. Pino ito kung kumilos, mahinhin.
“Oo nga, may kamahalan,” maya-maya ay komento ng babae.
“Oo, masarap at sosyal kasi ang mga pagkain dito. Wala bang mga ganitong restawran sa probinsya?” sagot naman ni Cherry.
“Mayroon naman. Pero mas mura, hindi gaya rito na ang mamahal ng bilihin. Ganito pala talaga sa Maynila…” naiiling na komento nito.
Nagkatinginan sila ni Cherry. Sa isip nila ay pareho nilang hinuhusgahan ang promding dalaga.
Habang kumakain ay hindi nila naiwasang mag-usisa.
“So, Karen, paano ka napadpad dito sa Maynila?” tanong niya.
AdvertisementPinunasan nito ang sulok ng bibig bago sumagot.
“Matagal ko na gustong sumubok na magtrabaho sa Maynila. Natatakot lang ako kasi baka hindi ako masanay. Pero sa ngayon ay ayos naman, kahit paano ay nakakapag-adjust naman ako…” sagot nito.
“Naku, mabuti naman at natanggap ka sa kompanya natin. Maayos ang pa-sweldo. At least makakapagpadala ka na sa pamilya mo ng pera,” tugon ni Cherry.
Napakunot noo ito.
“Hindi, hindi naman ako kailangan na magpadala sa amin. May pera naman sina Mama at Papa…”
Tumaas ang kilay ni Belle sa narinig.
“Bakit naman hindi? Ayaw mo bang tulungan ang pamilya mo na makaahon sa hirap?” iritang tanong niya sa katrabaho.
Nagulat siya nang matawa ang babae.
Advertisement“Naku, mali ang iniisip niyo sa akin. Ang totoo ay maayos ang buhay ng pamilya ko. Hindi ako nagtrabaho sa Maynila para sa pamilya ko. Ayaw nga nila na umalis ako, ako lang ang mapilit…” anito.
Napasimangot si Belle. Hindi siya kumbinsido sa sinasabi ng probinsyana.
“Baka nagkakamali ka, Karen. Ang komportable ang pamumuhay sa probinsya ay iba sa komportable na pamumuhay sa Maynila,” giit niya.
Nagkibit balikat lamang ito, bagay na mas lalo niyang ikinainis.
Mas lalo siyang nainis nang magboluntaryo ang babae na ito na ang magbabayad sa lahat ng kinain nila.
Masyado itong mayabang!
“Gaano ba kaayos ang buhay nila at umaasta siya nang ganyan?” iritableng bulong niya sa kaibigan.
Bago pa ito makasagot ay isang magarang sasakyan ang huminto sa tapat nila. Sumungaw roon ang isang unipormadong drayber.
Advertisement“May taxi na kaming hinihintay,” mataray na saad niya.
Nagulat sila nang magsalita si Karen.
“Driver ko siya, si Celso. Halika na, sa kaniya na tayo sumakay. Nag-text ako sa kaniya na sunduin tayo…” anang dalaga.
Napanganga ang magkaibigan. Noon nila napagtanto na hindi nga basta-basta ang promdi nilang katrabaho.
“S-saan ka pala nakatira ngayon, K-karen?” naaasiwang usisa niya sa dalaga habang pabalik sila ng opisina.
Isang pangalan ng mamahaling condo ang binanggit nito.
“Wow, bigatin!” hindi maiwasang komento ni Cherry.
“Kayo kasi, eh. Kapag probinsyana, iniisip niyo kaagad, mahirap at ignorante. Hindi lahat ganoon. Sa totoo nga lang ay mas komportableng mamuhay sa probinsya. Wala namang kakaiba rito sa Maynila kundi ang mabigat na trapiko…” tila naaaliw na komento ni Karen.
AdvertisementNanatili na lang na nakapinid ang labi ni Belle habang nakapako ang tingin sa mamahalin nitong bag. Dahil sa pangmamaliit nila sa katrabaho ay sila tuloy ang labis na napahiya!