Matapos ang ilang buntong hininga ay nilagok na ni Charles ang natitirang champagne sa baso niya. Masyadong maraming ganap nitong nakaraang Linggo. Umuwi ang mommy niya mula sa States at kinukulit na siyang mag-asawa dahil gusto na raw ng apo, nagde-demand na si Trisha ng kasal kahit pa wala pang isang buwan niya itong kilala, ipinamana ng daddy sa kanya ang kumpanya… sabay-sabay!
Ni hindi niya nga alam kung paano niya kinayang dalhin ang matinding pressure. Diyos ko, halos ma-tuliro siya sa araw-araw na pagtawag ni Trisha at ibinabalitang may nakausap na raw itong wedding organizer. Akala naman nito ay hindi niya alam na kaya lang siya gustung-gustong mabingwit ng babae ay dahil siya na ang nagpapatakbo ng negosyo ng kanyang pamilya. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na kung sinu-sinong lalaki ang kasama nito sa mga bar kada gabi.
Kaya heto siya, para panandaliang makatakas sa mundo ay nakasakay sa kanyang yate. Naglalayag sa karagatan habang sinasamyo ang masarap na simoy ng hangin. Kung sana ganito lang ka-payapa ang mundo niya… hay.
Medyo napailing pa siya nang matanaw ang isa pang yate sa di kalayuan pero kabaligtaran ng kanya, maingay roon at parang nagpa-party ang mga tao. May nakita pa nga siyang mga nag iinuman sa gilid at sumasayaw na magkaka-pareha.
Maya-maya pa ay nagring ang kanyang telepono, “Hello? Mom, yes. Nagre-relax lang ako… what?!”
Samantala, nangangatog si Geneva habang naghihintay sa isang maliit na kwarto. Maganda naman roon, aircon pa nga eh. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakatungtong sa ganitong ka-sosyal na yate. Hanggang bangka lang kasi siya noon eh, kapag sumasama siya sa tatay niyang manghuli ng isda.
Malungkot tuloy siyang napangiti nang maalala ang ama. Kung nabubuhay lang ito, tiyak na di hahayaan ng lalaki na mapunta siya sa ganitong sitwasyon. Pero wala eh.. mapaglaro ang buhay. Ibinenta ng tiyahin niya ang lupa ng tatay niya sa tabing dagat. Akala niya iyon na ang pinakamalupit na pwedeng gawin nito pero mali pala. Kasi pati siya ay ibinenta!
Nagkautang ng malaki ang babae sa isang matandang mayamang hayok sa laman at siya ang ipinambayad. Kaya heto siya, parang naghihintay ng bitay.
“Ready ka na ba darling ko?”
Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Rodolfo, ang matandang nakatakdang gumalaw sa kanya ngayong gabi. Hindi niya ito sinagot, sa halip ay yumupyop siya sa pinakadulo ng kama.
Lumapit ito sa kanya, hinimas ang kanyang maamong mukha tapos ay inamoy-amoy ang buhok niya.
“Hmm. Bangu-bango talaga. Fresh na fresh, this is my lucky night!” masayang sabi nito. Tumawa pa nang pagkalakas-lakas. Sa sobrang lakas ay nabilaukan pa ito at naubo. Dinalahit tapos nilunok rin ang marami-raming plema.
Diyos ko.. ito ba ang aangkin sa kanya? Ano ba namang parusa ito?
Sabik na sabik ang matanda. Pinaghuhubad agad ang damit niya.. sinampal pa siya nito nang malakas.
“Pampagana lang yan baby girl. Sandali lang ha?” sabi nito.
Nagtago sa kumot ang dalaga, gustung-gusto nang humagulgol.
Naghubad na si Rodolfo sa harap niya. Hirap na hirap itong tanggalin ang T-shirt dahil sa katabaan. Nang hilahin nito ang sinturon ay kita niya pa ang bakat noon sa malaking tiyan ng lalaki. Ipinulupot nito ang sinturon sa kamay at akma pang ihahampas kay Geneva iyon.
“Para may thrill. Iyon bang katulad sa Fifty Shades of Grey,” nakangising sabi nito. Mala-demonyo.
Nang halikan nito ang talampakan ni Geneva ay napapikit siya.. naisip ang mukha ng kanyang ama.
Hindi.
Hindi ito ang nais ng tatay niya para sa kanya, hindi siya bayad utang. Hindi siya mababang uri ng babae.
Dahil sa na-realize ay lumakas ang loob ng babae. Inipon niya ang enerhiya at todo niyang sinipa ang pagkalalaki ni Rodolfo. Dahilan para mamilipit ito sa sakit.
Sinamantala iyon ni Geneva para magtatakbo palabas. Wala siyang pakialam sa mga makakakita sa kanyang kahubdan. Ang mahalaga ay makatakas siya.
“Get that b*tch!” narinig niyang utos ni Rodolfo sa mga bodyguard. Ang mga taong nagpa-party ay nawindang rin.
Wala nang matataguan si Geneva, at malapit na ang mga guard sa kanya. Pabalik-balik niyang tiningnan ito at ang dagat.
Sanay naman siyang manisid ng talaba noon… bahala na.
Bumwelo lang siya at buong lakas na tumalon sa tubig.
Papasok na sana sa loob si Charles. Katatapos niya lang kausapin ang ina.. ayon dito ay may sakit ito. My God, alam niya kung gaano ka-gusto ng mommy niya na magkapamilya na siya pero alam niya rin naman di ito magbibiro ng ganoon. Kaya siguradong nagsasabi ito ng totoo, may taning na nga ang buhay ng babae.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makarinig ng ilang kalabog. Parang may pumupukpok sa ilalim ng yate niya. Mas lalo siyang nasindak nang makita ang nakakapit sa rehas sa gilid noon.. may kamay!
“What the f*ck?!”
Masyado na yata siyang maraming champagne na naiinom!
Pigil ang hininga niyang minasdan ang kamay. Kumapit ang isa pa at buong lakas na umangat ang nagmamay ari noon.
Sh*t. Totoo nga.. magaganda ang mga sirena. Kung totoo man ang kwento ng yaya niya noon.
“T-Tulong…” sabi nito.
Sabi ng puso niya ay tumulong siya pero ayaw ng kanyang utak. Paano kung totoo pala na kunwaring manghihikayat ang magandang nilalang tapos ay lulunurin na siya at dadalhin sa pinaka-ilalim? Imposibleng tao ito, ang lalim na sa parteng ito ng dagat!
“Tulungan mo ako!” sabi ulit ng babae.
Hindi naman niya ito matiis. Kasi ang ganda eh! Nagmamadali niya itong hinagisan ng lubid at hinila iyon. Napanganga siya nang makita ang kabuuan ng dalaga, wala itong saplot.
Diyos ko pong mahabagin, ito na yata ang pinaka-maswerteng gabi niya.
“Thank God.” usal niya.
“H-Ha? Tulungan mo ako, ang lamig-lamig.” sabi nito at nangangatog pa.
Doon lang tila natauhan si Charles. T*ngina. Hindi nga sirena. Baka.. baka bayaran. Posibleng mula ito sa yate sa di kalayuan, kadalasan ay kumukuha ng mga taga-aliw ang nagpa-party ng ganoon.
Hinubad ni Charles ang damit at iyon ang ipinasuot sa dalaga. Dinampot niya rin ang towel na nakasabit sa gilid upang ipangpunas nito sa damit.
Si Geneva naman ang natulala. Kung nasa ibang sitwasyon lang ay baka kiligin siya. Ang gwapo ng binatang ito! Halos mapanganga pa nga siya nang makita ang abs nito eh. Pero syempre, hindi niya iyon ipapahalata.
Kanina pa ito nakatayo at minamasdan siya habang siya naman ay di magkandaugaga sa pag upo.
“Don’t worry, hindi kita sinisilipan.” nakangising sabi nito. Di naman siya sumagot.
“K-Kung tatanungin mo kung saan ako nanggaling, mahabang kwento. Hindi rin ako komportableng sabihin.”
Umiling ito. “I’m not really interested. However, I have an offer.” nagningning pa ang mata nito nang sabihin iyon.
Nayakap ni Geneva ang sarili. “Ayoko! Hindi ko ibibigay ang katawan ko sayo!”
Lalong natawa si Charles, “Maganda yang naisip mo. Pero sa totoo lang ay hindi naman yan ang offer ko. You.. you just have to pretend to be my fiancee. Two weeks, then I’ll let you go.”
Hindi sumagot ang dalaga. Sa palabas lang ang ganoon diba?
Muling nagsalita si Charles.”Think about it. Babayaran kita ng malaking halaga. Enough na to start anew. Sa itsura mong iyan, I am pretty sure na wala kang uuwian sa Manila.”
Napatingin naman si Geneva. Tama ito.. nagbabalak na nga siyang magmakaawa sa simbahan para ampunin siya eh. Iniisip niya na rin kung saan siya maghahanapbuhay.
“Walang.. walang mangyayari sa atin?” paniniguro niya.
“Wala. Pero kung gusto mo naman-“
“Utot mo!” bigla niyang sigaw, kita niyang na-amuse ang binata. “Sige. Pero.. pero 2 weeks lang ha?”
Halos mapasigaw sa tuwa si Charles nang marinig iyon. Solved na ang problema niya! It’s like hitting two birds in one stone, mapapaligaya niya na ang mama niya.. maitataboy niya pa si Trisha!
Sigurado naman siyang hindi siya mahuhulog sa babaeng ito dahil hindi niya ito kilala. Basta matapos lang ang misyon, mawawala nalang itong parang bula. At siya? Magtutuloy sa kanyang buhay.
Laglag ang panga ni Geneva nang iuwi siya ng binata. Di niya naman akalaing ganito kalaki ang bahay nito!
Di niya rin akalain na sa maiksing panahon ay mahuhulog ang loob niya rito. Kung panaginip lang ang lahat.. ayaw niya nang magising.
Hinalikan siya nito sa harap ni Trisha at aminin niya man o hindi ay para namang hindi lang si Trisha ang nililinlang niya, pati sarili niya. Kasi pati siya mismo ay nais nang maniwala sa kanilang palabas.
Napakabait ng ina ng binata, nadudurog nga ang puso niya tuwing naaalala na niloloko lang nila ito.
“Ang ganda mo, alam mo ba iyon?” nakangiting sabi nito sa kanya isang gabi.
“Alam ko.” taas ang kilay na sabi niya bagamat nangingiti rin.
Mag-iisang buwan na siya rito. Hindi naman nasunod ang dalawang Linggo kasi sabi ng binata, malulungkot ang mama nito pag bigla siyang nawala. Siya lang raw ang nagustuhan ng ginang sa lahat ng mga naging ‘girlfriends’ nito.
“May sasabihin sana ako,” pagkasabi noon ay umilap ang mata ni Charles. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya itong tila nahihiya.
Tumingin naman siya, nagtatanong ang mga mata.
Bumuntong hininga ang binata. Pero bago pa man ito makapagsalita ay nagring na ang cellphone nito.
“Si Nanay Fe?” kunot ang noong sabi nito, ang tinutukoy ay ang kasambahay sa tahanan ng ina. “Hello Nay..ho?!”
Isinugod raw sa ospital ang nanay ni Charles, bigla na lamang tumumba. Pagdating nila sa emergency room ay naghihingalo na ang ale.
“A-Anak.. don’t let her go. Stop pretending…” huling salita nito bago nalagutan ng hininga.
Nanlalambot na napaupo si Charles sa ospital, hinawakan ni Geneva ang balikat nito. Sabay nilang iniyakan ang paglisan ng ginang sa mundo.
Makalipas ang isang Linggo ay inilibing na rin ang ina ng binata. Sa totoo lang ay di malaman ni Geneva kung saan siya lulugar. Tapos na naman kasi ang misyon niya. Bukod doon, di na siya masyadong kinakausap ng lalaki.
Kaysa masaktan ay nagkusa na lamang siya. Inampake niya na ang mga gamit at sinadya niyang madaling araw umalis para hindi niya na kailangan pang magpaliwanag rito. Hindi niya na kukunin ang bayad, wala naman siyang pakialam roon.
“Long time no see!” gumapang ang kilabot sa katawan ni Geneva nang marinig ang boses na iyon. Kalalabas niya lamang ng gate ni Charles.
“R-Rodolfo?” gulat na wika niya.
Humihithit pa ng tobacco ang matanda, may panganib sa mga mata nito.
“Ang tagal kitang hindi nakita Geneva. Maliit lang ang mundo. Alam mo bang kumpadre ko ang nakatira dyan sa tapat? Pasakay na ako ng kotse nang matanaw kita sa gate. Sabi ko na nga ba, ikaw iyan.” pagkasabi noon ay hinablot nito ang braso niya.
“Bitiwan mo nga ako-“
“Hindi ka pa bayad ng utang Geneva! Hindi pa kita natitikman-“
“Bitawan mo ang asawa ko.”
Pareho silang napalingon sa baritonong boses na iyon. Maging si Geneva ay nagulat.
“Charles!”
Halatang kagigising lang ng lalaki, masama ang timpla nito. Nagngangalit ang panga, halatang pinipigil ang sumabog.
“Wow! Ang anak ni Castro dela Merced, ang nag iisang tagapagmana ng lahat. Nabingwit mo ito Geneva? Ang sarap siguro talaga ng pussy-” hindi na nito natapos ang sasabihin dahil kinuwelyuhan ito ni Charles.
“Sa susunod na magsalita ka pa tungkol sa kanya, papa-imbestigahan ko lahat ng negosyo mo at ipapasara ko. Alam mong kayang-kaya kong gawin yan.” may pagbabanta sa tinig nito.
Namutla si Rodolfo at nagmamadaling sumakay sa kotse nito.
Habang si Geneva ay walang nagawa nang buhatin siya ng lalaki at patuwad na isampa sa balikat nito.
“Ano ba! Ibaba mo ako!”
Pero wala itong pakialam. Dire-diretso lang hanggang makapasok sila sa bahay. Inilapag siya nito sa sofa.
“Now talk, lady. Bakit ka aalis?” seryosong sabi nito.
Humugot muna si Geneva ng lakas ng loob, “Dahil tapos na ang kasunduan natin. Dahil hindi ko na kayang magpanggap-“
“Bakit?”
“Dahil hindi nalang ibang tao ang niloloko ko! Pati ako! Dahil mahal na kita totoo na-“
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil sinibasib na siya nito ng halik. Nang matapos iyon ay kapwa sila humihingal.
“Mahal rin kita. Matagal na, nauna pa nga si Mommy na makaalam kaysa sayo baby. Alam niyang nagpapanggap lang tayo, pero alam niya rin na may damdamin ako para sayo.” taos pusong wika nito.
Gulat na gulat naman si Geneva, “Ibig sabihin…”
Tumango ang lalaki habang nakangiti, “Di ko lang sinasabi. Para di ka umalis kasi di ko na alam ang gagawin ko pag nawala ka.”
Masayang niyakap ng dalaga si Charles. Makalipas ang isang buwan ay nagpakasal ang dalawa.
Hindi iyon enggrande, sa kahilingan na rin ni Geneva. Pinag-aral siya ng mister at nang maka-graduate siya ay tumulong rin siya sa negosyo. Makalipas ang ilang panahon ay biniyayaan rin sila ng anak.. triplets pa!
Ang pag-ibig ay dumarating sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon. Wag natin itong pakawalan dahil minsan lang iyon.