Hinamak ng Dalaga ang Estudyanteng Biktima ng Pananamantala, Inggit ang Lalo Niyang Naramdaman Paglipas ng Panahon

Hinamak ng Dalaga ang Estudyanteng Biktima ng Pananamantala, Inggit ang Lalo Niyang Naramdaman Paglipas ng Panahon

InspiringMiracleStories

“Hindi ka ba nahihiya sa mga tao, Maricel? Alam nang lahat na ang dinadala mong bata ay bunga nang pananamantala sa’yo ng tiyuhin mo. Saan mo nakukuha ang lakas ng loob para pumasok pa rin sa paaralan sa kabila ng nangyari sa’yo?” taas kilay na tanong ni Dianne sa estudyanteng nagdadalang tao na kumakaing mag-isa sa kanilang kantin. 

“Wala naman kasi akong kasalanan sa nangyaring ito, Dianne. Hindi ko naman ito ginusto. Saka, alam kong nilalaban na ng mga magulang ko ang kasong ito kaya, bakit ako mahihiya?” mahinanong tugon nito na ikinatawa niya. 

“Hindi mo ginusto? Eh, kung magsuot ka ng damit, halos luwa na ‘yang dibdib mo at halos makita na ang kuyukot mo! Tingin ko, dapat lang ‘yon sa’yo!” sambit niya pa rito habang tinitingnan ito mula ulo hanggang paa nang may panghuhusga. 

“Bakit ba parang galit na galit ka sa akin? Ano bang ginawa ko sa’yo?” pang-uusisa nito. 

“Wala naman, naiirita lang ako sa’yo! Ang dumi-dumi mo na kasi, ang kapal pa ng mukha mong lumantad sa paaralang ito!” sigaw niya rito, bago pa man sumagot ang naturang dalaga, dumating na ang kaibigan niya at agad siyang hinila palabas ng kantin.  

“Dianne! Tama na! Nalingat lang ako saglit, nakikipag-away ka na agad! Halika na nga!” sigaw nito habang tinatakpan ang bibig niyang ayaw pang magpapigil sa pangmamaliit sa dalagang iyon na mangiyakngiyak na. 

Nang pumutok ang balitang may nabiktima ng isang kaharasan sa kanilang paaralan at nagbunga pa ito ng isang sanggol, ganoon na lang nag-alala ang dalagang si Dianne. Ngunit nang malaman niyang ang biktimang iyon ay ang dalagang kinaiinisan niya, halos magparaos siya ng isang pagdiriwang para rito. 

Ang dalagang iyon kasi ang laging nagpapataas ng dugo niya sa tuwing makikita niya ito sa labas ng kanilang paaralan. Bukod sa lagi niya itong nakikitang kasama ang mga basketbolistang pinapantasya niya sa kanilang paaralan, palagi niya pa itong nakikitang masaya kasama ang mga sikat na barkada nito sa social media na labis niyang ikinaiinggit. 

Naiinggit pa siya sa lakas ng loob nitong magsuot ng mga sexy na damit na hindi niya magawa dahil siya’y hindi komportable sa ganoong kasuotan kahit gustong-gusto niya. 

Kaya naman, ganoon na lang siya natuwa nang malamang nagbunga ng sanggol ang kadilimang naranasan nito. Hindi lang ang araw na ‘yon ang huling beses na minaliit at pinahiya niya ang dalagang iyon. Sinasabi niya pang, “Hindi niyo maipapakulong ang tiyuhin mo dahil sigurong inakit mo siya kaya nangyari sa’yo ‘yan!” 

Hanggang sa isang araw, bigla na lang hindi pumasok sa paaralan ang dalagang iyon. Kahit saan niya hanapin o ipagtanong sa kanilang paaralan, walang may alam kung anong nangyari rito na lalo niyang ikinatuwa. “Salamat naman, wala nang mang-iinis sa akin dito!” wika niya. 

Simula noon, naging tahimik ang buhay niya bilang isang mag-aaral. Ngunit isang taon lang ang lumipas bigla na lang siyang nagtaka nang malamang may dadaluhang engrandeng padiriwang ang halos lahat ng estudyante sa kanilang paaralan. 

“Anong mayroon?” pang-uusisa niya sa kaibigan niyang nakikigulo sa mga kumpulan ng estudyante. 

“Kaarawan ng anak ni Maricel, inimbita kami! Ikaw rin ba? Halos lahat daw ng estudyanteng ka-batch natin, nakatanggap ng imbitasyon!” masayang sambit nito. 

“Wala akong natanggap, eh,” tangi niyang sagot. 

“Ay, naku, sayang! Sa Palawan daw ito gaganapin at lahat, libre! Tumama kasi sa lotto kamakailan lang ‘yong tatay ni Dianne, kasabay nang pagkapanalo ng kaso niya sa tiyuhin niya!” balita pa nito na labis niyang ikinagulat.

Sa pagkakataong iyon, muling bumalik ang inggit na nararamdaman niya. Lalo pa nang makita niya ang resort na pupuntahan ng kaniyang mga ka-batch para sa kaarawan ng batang hinahamak niya noong nasa sinapupunan pa lang ng naturang dalaga. 

Ilang araw pa ang lumipas, tuluyan na ngang nagpunta sa Palawan ang kaniyang mga kaklase. Sandamakmak na larawan ng mga ito ang nagkalat sa social media na naging rason nang kaniyang pagkainggit at pagsisisi. 

Wika niya, “Sana pala, hindi ko na lang hinusgahan si Dianne. Sana, tinulungan ko na lang siya at hinangaan sa tapang niya.” 

Sa labis na pagkalungkot na naramdaman niya, naisip niyang humingi ng tawad sa dalagang iyon. Pinadalhan niya ito ng mensahe at halos lumuwa ang mata niya nang sabihin nitong, “Matagal ko na ‘yang hinihintay mula sa’yo! Halika, sumunod ka rito! Ibu-book na kita agad ng flight!” 

Doon niya labis na napagtanto kung bakit sa kabila ng dinanas na kadiliman ng dalagang ito, labis pa rin itong pinagpapala. 

“Napakabuti mo, Dianne! Pagpalain ka pa sana ng Maykapal!” huli niyang mensahe rito bago siya umalis papuntang airport. 

More Stories