Hindi Naniniwala ang Babaeng Ito na Nakapagpapagaling ng mga May Sakit ang Tiyahin; Mapatunayan Kaya Niya Ito?

Hindi Naniniwala ang Babaeng Ito na Nakapagpapagaling ng mga May Sakit ang Tiyahin; Mapatunayan Kaya Niya Ito?

MiracleMysteryStories

Hindi naniniwala si Krizette na kayang makagamot ng kaniyang tiyahin na si Aling Caridad, na isang faith healer.

Kahit nakalakihan na ni Krizette ang kasikatan nito, hindi siya naniniwala at sumusuporta sa mga ipinalalabas nitong siya ay sugo mula sa Diyos, na pinagkalooban siya ng isang kakaibang katangian upang pagalingin ang lahat ng uri ng sakit sa mundo.

Kung hindi nagkataong nakalakad sa harap mismo ng maraming tao ang isang pilantod na matandang lalaki noon, hindi umano makikilala nang ganito ang kaniyang tiyahin, kuwento ng kaniyang inang si Aling Fe.

“Magaling talagang magpagaling ng sakit si Fe. Mga bata pa lamang kami, magaling na siya sa larangan ng paghihilot. Kapag sumasakit ang likod ko noon, talagang nawawala at gumiginhawa kapag hinilot na niya.”

Noong una raw ay hindi tumatanggap ng bayad ang tiyahin subalit habang tumatagal na nagiging tanyag ito, may mga ‘mananampalataya’ na hindi rin pumapayag na ‘Salamat Po’ ang maibigay kay Aling Caridad.

Nauso ang terminong ‘handog.’ Hindi man nagpapabayad si Aling Caridad ay tila may hindi naisusulat na obligasyon ang sinumang nagpapagamot sa kaniya na magbigay ng anumang uri ng alay para sa kaniya—magmula sa mga mamahaling bato gaya ng pilak at ginto, mga mahahalagang kagamitan, ari-arian, pera, serbisyo, special treatment, at marami pang iba.

Subalit para kay Krizette, huwad ang kaniyang tiyahin at nanloloko lamang ito ng mga tao para kumita ng pera.

“Ganyan ang mga nababasa at napapanood ko. Huwag nga ako, Tita Krizette.”

Upang maipahiya ang kaniyang Tiya Krizette, kinausap niya ang kaniyang kaibigang si Sheena.

“Magpapanggap ka ha. Bukas, pupunta ka sa healing center ni Tita Krizette. Sasabihin mo may malubhang sakit ka, at tinaningan ka na ng doktor. Gusto kong mapatunayang huwad siya. Kapag sinabi niyang may sakit ka at napagaling ka niya, manloloko nga siya,” bilin niya sa kaibigan.

“Paano kapag ganoon? Ibubuko ko ba na wala naman talaga akong sakit?”

“Oo. Sabihin mo na sinusubok mo lang kung totoo siya o hindi. Huwag na huwag mo akong mababanggit, okay? Tatampalin kita. Hindi niya dapat malaman na magkakilala tayo.”

Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang iskedyul ng gamutan ni Aling Caridad sa ipinatayo nitong healing center. Tuwing Biyernes, mas dagsa ang mga tao. Doon nagpunta si Sheena upang isakaturaparan ang ‘pambubuking’ na iniutos sa kaniya ni Krizette. Ang naisip niyang karamdaman, kunwari ay may colon c*ncer siya.

Upang mas maging kapani-paniwala pa ang kuwento, nag-make up pa siya na para bang namumutla at nanghihina siya, anyo ng isang kaawa-awang babaeng iginugupo ng isang malubhang karamdaman.

Hinipo-hipo ni Aling Caridad ang bahaging tiyan ni Sheena. Pumikit ito. Kumibot-kibot ang mga labi, na hindi mabasa ni Sheena kung ano ang mga sinasabi, kung Tagalog ba, o iba pang wikang lokal sa Pilipinas, o wikang banyaga,

Maya-maya…

“Iha… makakaalis ka na…” matiim na sabi ni Aling Caridad.

“Magaling na ho ba ako? Pinagaling na ninyo ako?”

Saglit na tinitigan siya ni Aling Caridad.

“Paano gagaling ang isang taong wala namang karamdaman? Kaya’t humayo ka na. Huwag mo akong subukin.”

Kaya gulat na gulat si Sheena sa kaniyang kuwento kay Krizette.

“Girl, kahit ako nagulat at kinilabutan nang sabihin sa akin ng tiyahin mo na wala naman talaga akong colon canc*r. Ako na lang napahiya. Bumilib ako sa kaniya…”

“Baka naman kakilala mo ang tiyahin ko ha? Baka naman binayaran ka niya para baligtarin ang resulta?”

“Ay grabe ka naman girl, ano ba ito, teleserye?”

At hindi nagtagumpay si Krizette sa kaniyang ginawang pagpapahiya sana sa kaniyang tiyahin.

Iyon ang unang pagkakataon na mamangha nang bahagya kay Aling Caridad si Krizette.

Naisip niya, bata pa lamang siya ay nanggagamot na ito. Hindi ito nagpapatawag na albularyo, bagkus, ang lagi nitong binabanggit, ay may espesyal siyang kakayahan mula sa langit.

Hindi rin naman nito sinasabi na isa siyang Mesiyas o Tagapagligtas.

Minsan, sa kauna-unahang pagkakataon ay kinausap niya nang tuwiran ang kaniyang tiyahin.

“Paano po kayo nakagagamot?”

Napatingin sa kaniya si Aling Caridad.

“Krizette, naniniwala ka ba sa langit? Naniniwala ka bang may langit at impyerno? Na sa pagwawakas ng buhay ng tao sa lupa, may kahahantungan ang kaniyang kaluluwa batay sa kaniyang mga ginawa?” tanong nito.

“O-Opo… naniniwala naman po ako…”

“Ganoon din ang panggagamot ko, Krizette. Nakabatay ito sa iyong paniniwala kung gagaling ka ba o hindi. Kapag pinagsama ang pananampalataya at malakas na pananalig ng isip na gagaling ka, gagaling ka. Anuman ang ibato mo sa kalawakan ng kalangitan ay mangyayari,” paliwanag nito.

“May kakayahan kang maging masaya o malungkot. May kakayahan kang magalit o magpatawad. Nasa isipan iyan. Makapangyarihan ang utak ng tao. May kakayahang bumuo at magwasak. Kayang magpagaling ng isang sakit. Maniwala ka…”

At sa kauna-unahang pagkakataon ay humanga si Krizette sa karunungang taglay ng kaniyang tiyahing faith healer.

Alam na niya kung bakit ito nakagagamot ng mga taong may sakit.

Iba ang karismang taglay nito para hikayatin ang sinuman na gagaling ka sa isang karamdaman, kung mananalig at maniniwala ka.

Hindi pa 100 porsyentong naniniwala si Krizette, subalit ngayon, nagkaroon siya ng isang bagay na noon ay wala siya para sa tiyahing faith healer—paggalang.

More Stories