Tuwang-Tuwa ang Babae Nang Mapalayas ng Ina ang Ate Niyang Nabuntis ng Maaga; Utang Niya Pala Rito ang Kanyang Buhay

Bata pa lang ay malaki na ang ilang ni Celine sa panganay niyang kapatid na si Karyl. Palibhasa’y palagi siya nitong nilalait at pinagsasabihan. Lahat na lamang ng ginagawa niya ay pinupuna nito kaya naman habang lumalaki ay nakakapagtanim siya ng galit sa kaniyang ate.

Naroong sabihin nitong magpapayat na siya dahil lalong lumalapad ang kaniyang mukha. Sinabi rin nitong mag-aral siya ng mabuti dahil hindi siya kagandahan at kailangan niyang maging matalino upang hindi maliitin ng mga lalake.

Napakalayo rin ng itsura niya sa kaniyang ate. Kamukha siya ng kaniyang ama na moreno at bilugan ang ilong samantalang si Karyl ay carbon copy ng kaniyang inang mestisahin.

Kaya naman bata pa lamang si Karyl ay kumita na ito ng pera. Lumabas ito sa ilang mga commercials gaya ng shampoong pambata at candy.

Isa pang kinaiinis niya ay ang pagiging pala-away ng kaniyang ate. Halos lahat na yata ng kapitbahay ay naka-sigawan na nito, ultimo mga traysikel drayber sa kanilang lugar.

“Celine, ang ganda talaga ng Ate mo. Ang layo sa itsura mo!” Pang-aalasaka ng bestfriend nitong si Cleo.

“Naku, akala mo lang ‘yon. Ang itim-itim ng inangit at kilikili niyan!” Naiiritang saad ni Celine.

“Hala, grabe ka sa ate mo! Hahaha! Ano yung inangit?” Natatawang saad ni Cleo.

Advertisement

“Yung ulalim ng puwit niyan, pagkaitim-itim! Ewan ko na lang kung maligawan pa ‘yan pag nakita ng mga lalakeng nagkakandarapa sa kaniya ang maitim niyang lihim! HAHAHAHA! Daig pa ang nagbubuntis sa itim ng mga singit-singit.” Pang-iinsulto nito sa kapatid.

Napapansin naman ng kanilang kapatid na lalakeng si Benjamin ang pag-iiba ng kilos ng ni Karyl nitong mga nakaraang lingo. Tila wala itong ganang kumain, nagsusuka, at kadalasa’y nakahilata lang o di kaya’y tulog.

“Ma, check mo si Ate. Parang buntis e. Ang payat tapos ang laki ng tiyan.” Wika ni Benjamin sa ina.

“Baka naman magkakaroon lang, ganoon kaming mga babae pag malapit nang datnan, lumalaki ang puson.” Nag-aalala na ng husto si Aling Rosita ngunit pilit nitong itinatanggi sa anak at sa sarili ang isang bagay na halatang halata na.

Pinasadahan niya ng tingin ang cabinet na naglalaman ng kanilang mga supply gaya ng pasador at mga shampoo. Walang kabawas-bawas ang pasador na pirming ginagamit ng panganay na anak. Ang kay Cielo nama’y ubos na. Lalong kinabahan si Aling Rosing.

Maya-maya’y nagulat siya ng lapitan ng anak. “Ma, buntis po ako!” Saad nito habang tila namumutla at mangiyak-ngiyak na.

“Pananagutan naman daw po ako ni Dexter, ma.”

Hindi malaman ni Aling Rosita ang gagawin.

Advertisement

“Walanghiya kayo! Ang kapal ng mukha mo, Karyl! Nagkakanda kuba katratrabaho ang ama mo sa Saudi, tapos ikaw kay aga-aga mong lumandi! Ni hindi ko alam na syota mo na iyang Dexter na ‘yan! Puro porma, puro pa-pogi! Maipangkakain niyo ba yan? Maipangbibili niyo ng gatas at diaper ‘yan?” Takot na takot si Karyl sa ina, nito laman niya iyong nakitang magalit ng ganoon. Kadalasa’y malumanay itong magsalita at napakamaunawain nito.

Inawat naman kaagad ni Benjamin ang ina.

“Mag usap-usap tayong mag-iina! Matatanda na kayo! May mga bolbol na kayo! Pero yung mga utak ninyo, ewan ko na!” Nasanay ang ina sa kanilang patakaran sa bahay. Kung magkamali ang isa’y damay ang lahat. Ginawa niya iyon upang magtulungan ang mga anak sa mga suliraning kanilang hinaharap at haharapin pa lamang. Gusto ng kanilang mga magulang na hanggang sa paglaki ay magtulungan ang mga ito.

Nakatapos naman na ng pag-aaral si Karyl. Political Science ang kurso nito. Galit na galit ang amang si Mang Virgilio nang mabalitaan ang maagang pagbubuntis ng anak. Ang linaw ng kanilang usapang siya’y kukuha ng kursong abogasya ngunit tila naglaho na ang pangarap nito para sa anak.

“Ma, ano’ng kinalaman namin ni Kuya Benj sa pagbubuntis ni Ate? Kasama ba nila kami sa kuwarto noong binuo nila ‘yan?” Imbes maawa sa kapatid ay tila natutuwa pa si Celine sa kalagayan nito.

“Itigil mo nga muna ‘yang bibig mo, Celine! Palibhasa inggit na inggit ka kay Ate noon pa. Anong klaseng ugali ‘yan? Buntis si Ate, bawal siyang ma-stress!” Pananaway ni Benjamin sa bunsong kapatid.

“Hindi sa masama ugali ko. At hindi ako naiinggit kay Ate! Ano’ng kaiinggitan ko sa kanya? Tignan mo nga siya ngayon! Palibhasa’y maldita at laitera kaya nakakarma!” Wika ni Celine. Tila nilalakasan ng husto nito ang boses upang mapilitan si Karyl na siya’y sagutin ngunit sa halip ay nakayuko lamang ito at iyak ng iyak.

“Tumigil na kayo! Wala akong magagawa, Karyl. Doon ka manirahan sa pamilya ni Dexter! Bigyan niyo kami ng kahihiyan ng Papa ninyo!” Giit ni Aling Rosita.

Advertisement

Awang-awa ito sa anak ngunit kailangan niya itong tiisin. Kailangan ding mapatunayan ng nobyo nitong pananagutan nga niya ang bata at si Karyl.

Halos mapalundag naman si Celine nang pumasok ito sa kanilang silid. Sa wakas! May sarili na siyang kuwarto! Wala na siyang kahati, wala na ring magagalit kahit magkalat siya doon at magpapasok ng mga kaibigan.

Seryoso naman si Dexter sa nobya. Nang malamang buntis ito’y pumasok ito sa callcenter upang makapag-ipon. Kahit ang mga magulang ng lalake’y botong-boto kay Karyl kaya’t suportadong-suportado nila ito.

Lumipas ang ilang buwan at nabalitaan ni Aling Rosita na nanganak na ang kaniyang anak. Sabik na sabik itong pumasok ng bahay upang ibalita ito sa mga anak.

“Lola na ako! Samahan ninyo ako sa ospital! Gusto kong makita ang apo ko!”

Nakasimangot na naman si Celine. Malamang ay nakalimutan na ng ina ang lahat ng kahihiyang inabot. Wala itong ginawa kung hindi ipagmalaki ang kaniyang ate ngunit nabuntis lamang ito agad pagkagraduate.

“Sasama ko, ma! Gustong gusto ko ring makita ang pamangkin ko! Pinagpapawisan kamay ko. Di ako marunong humawak ng baby!” Excited na tugon ni Benjamin sa ina.

Agad na umalis ang mag-ina’t tumuloy ng ospital habang si Celine naman ay nagmatigas na hindi sasama.

Advertisement

Gulat na gulat si Karyl nang makita ang mga ina at kapatid sa ospital. Hanap ito ng hanap kay Celine. Hindi naman makasagot ang mga ito.

“Ang cute-cute ng apo ko!” Maluha-luhang saad ni Aling Rosita.

“Ate! Mahal na mahal mo nga si Celine! Tignan mo naman, kamukhang kamukha niya si baby!” Natatawang saad ni Benjamin.

“Oo nga, Benj! Siguro dahil malaki ang sakripisyo ng ate ninyo kay Celine kaya’t naging kamukha niya si Baby Lara. Inaaway pa niyan lahat ng kapitbahay at mga traysikel drayber na nagsasabing hindi raw gaya niyang napakaganda si Celine.” Sagot ni Dexter sa bayaw.

Nagulat ang lahat nang pumasok sa silid si Celine na nakataas pa ang kilay.

“Anong sabi mo, Dexter?

“Celine! Na-miss kita, bunso! Yakapin mo naman si ate!”

“Wow, okay ka lang ba? O epekto lang ‘yan ng panganganak mo?”

Advertisement

Maya-maya’y narinig niyang umiiyak ang pamangking si Baby Lara.

Nilapitan niya ito, grabe ang pagkakahawig niya dito. Natatawa pa si Celine nang makita ito. “Kamukhang-kamukha namin ni Papa! Hahahaha! Nilalait-lait mo kasi ako!”

“Celine, napaka-espesyal mo sa ate mo. Kaya nga overprotective siya sa ‘yo. Noong ipinanganak ka ay may butas ang puso mo. Walang-wala pa kami noon ni Papa mo. Ang ate mo, kahit mahiyain ay kinapalan ang mukha at nag-audition at nagpa-VTR. Gusto daw niyang kumita ng pera upang mapa-operahan ka! Awa ng Diyos, napakaraming kumuhang direktor sa kaniya at sobra-sobra pa ang kinita niyang pera pangpa-opera sa iyo.” Naluluhang kuwento ng ina.

Halos napatigil ang mundo ni Celine sa narinig. Ang ateng kinaiinisan at halos kamuhian niya mula pagkabata ay pinagkakautangan pala niya ng kaniyang buhay!

Agad niya itong niyakap ng mahigpit at humingi ng tawad.

“Ate! Bakit kasi hindi mo sinabi!?”

“Kailangan pa bang ipagmalaki ‘yon? Bunso ka naming kapatid! Mahal na mahal ka namin. Gagawin namin ang lahat para sa ‘yo. Ganiyan tayo pinalaki nila Mama at Papa!”

At nagyakapan ang mag-iina.

Advertisement

Humaling na humaling ang mag-iina kay Baby Lara. Akala mo’y bumalik sa pagka-baby si Celine, hulmang-hulma ang mukha niya sa pamangkin!

Anuman ang dumating na suliranin, ilang away man ang pagdaanan, hindi pa rin makakailang mahal na mahal natin ang ating mga kapatid! Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?