Nanggalaiti ang OFW nang Hindi Payagan ng Among Makauwi sa Pinas Matapos Yumao ang Ama; Isang Puting Paru-Paro ang Nagpabago sa Kaniyang Pananaw

Apat na taon nang kasal sina Rene at Irene. Biniyayaan sila ng isang anak na lalaki.

Hindi nakatapos ng pag-aaral si Rene dala ng kahirapan sa buhay. Hindi naging hadlang sa kanya ang antas ng edukasyon. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasukan niya; construction worker, drayber, pahinante at factory worker.

Lahat ng ito ay pulos contractual lamang. Sinuwerte siya nang maging regular sa pinapasukang pabrika ngunit naging mapagbiro ang tadhana sa kanilang mag-asawa.

Dahil masipag at matiyaga ito sa kanyang trabaho, naging paborito siya ng kanyang amo. At dahil dito’y pinagkaisahan siya ng mga naiinggit na kasamahan at natanggal ito sa trabaho.

“Mahal, patawarin mo ako. Wala na akong trabaho. Hindi ko ito kasalanan. Napagkaisahan lamang ako ng mga kasamahan ko,” mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kanyang asawa pagkauwi galing trabaho.

“Kailangan kong maghanap agad ng trabaho. Mag-aaral na si Andrei sa susunod na taon. Kahit anong klaseng trabaho ay papasukin ko para sa inyong mag-ina ko,” dugtong pa nito habang yakap ang kanyang asawa.

Dahil dito, napilitan ang mag-asawa na umalis sa inuupahan nitong malaking bahay.

Malugod naman silang tinanggap ng mga magulang ni Rene sa kanilang tahanan at nang maubos ang kanilang ipon ay sinuportahan na rin ng mga magulang ang kanilang pangangailangan.

Advertisement

Hindi sanay si Rene sa ganitong sitwasyon kaya araw-araw ay umaalis ito upang maghanap ng trabaho.

Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang siya ay mawalan ng trabaho at hindi pa rin ito dinadalaw ng suwerte sa kabila ng labis niyang pagpupursige.

Hanggang may nagpayo kay Rene na subukang pumunta sa Saudi at doon maghanap ng trabaho. Marami na daw sa lugar nila ang nakipagsapalaran doon at sa awa ng Diyos ay naging matagumpay.

“Mahal, kinakabahan ako. Paano kung hindi ka makahanap ng trabaho agad?” nag-aalalang tanong ni Irene sa asawa.

“May awa ang Diyos. Makakakuha ako agad ng trabaho,” sagot nito.

Ipinangutang ng nanay at tatay ni Rene ang gastusin sa pag-aayos ng papeles nito. Nakakuha si Rene ng single entry visa sa Saudi Arabia.

Agad itong umalis dala ang pag-asang makakahanap ng magandang trabaho para sa maginhawang buhay ng kanyang pamilya.

Ngunit hindi naging kagaya ng inaasahan niya ang lahat.

Advertisement

Dalawang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa din itong makuhang trabaho. Malapit nang maubos ang perang dala nito nang makilala niya ang kapwa Pilipinong si Raul.

Tinulungan nitong ipasok si Rene sa pinagtatrabahuhang pabrika at sa wakas ay natanggap naman ito.

“Mahal, sabi ko sa’yo hindi tayo pababayaan ng Diyos. May trabaho na ako dito,” tuwang-tuwang wika ni Rene sa kanyang asawa habang kausap ito sa cellphone.

Dalawang taon ang kontrata ni Rene sa pabrika. Libre ang kanyang tirahan. Hindi na siya gagastos ng pamasahe sapagkat ang tinutuluyan niyang kuwarto ay sa loob din ng pabrika.

Ang kanyang sahod ay dalawampu’t limang libong piso kada buwan at may dagdag pa tuwing siya ay nag-oovertime.

Sa kagustuhang mabayaran agad ang inutang sa pagpapaayos ng papeles at makapagbigay ng magandang buhay sa pamilya, halos buong suweldo ay pinapadala niya sa kanyang asawa. Balewala sa kanya ang hirap at gutom para sa kanyang minamahal na pamilya sa Pilipinas.

Dagdag pa dito ang sobrang kalungkutan dahil sa pagkalayo sa mga minamahal.

Hindi naman sinayang ni Irene ang paghihirap ng kanyang mahal na asawa sa Saudi. Nabayaran niya agad ang kanilang pagkakautang, napapakain ng maayos ang kaniyang anak, tinutulungan ang mga magulang at mga biyenan at nakakapagtabi ng kaunti para sa kanilang kinabukasan.

Advertisement

Makalipas ang isang taon ay isang tawag ang kanyang natanggap mula sa kanyang ina…..

“Rene, anak. Ang inay mo ito. Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko. Wala na ang itay mo. Inatake siya sa puso,” humahagulgol ang kanyang ina sa kabilang linya ng telepono.

Hindi makapaniwala si Rene sa balitang kanyang nadinig. Agad-agad itong nagpaalam sa kanyang amo.

Nais nitong umuwi sa Pilipinas kahit isang linggo lamang upang masilayan ang yumaong ama at maihatid ito sa kanyang huling hantungan.

Hindi ito pinayagang umuwi ng Pilipinas sapagkat hindi pa daw tapos ang kanyang kontrata. Parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa matapos madinig ang sinabi ng kanyang amo. Napasuntok pa siya sa dingding sa sobrang sama ng loob. Para sa kaniya’y hindi makatao ang desisyon ng amo na hindi siya hayaang makapagluksa man lamang.

Dahil dito, nawalan siya ng gana sa pagtatrabaho. Hindi ito pumasok ng sumunod na araw. Wala itong ginawa kundi ang umiyak at maglasing. Dinamayan naman siya ng mga kasamahang Pinoy ngunit kahit anong gawin ng mga ito ay hindi napapawi ang kanyang kalungkutan.

“Anak, naiintindihan ka ng itay kung hindi ka makakauwi. Huwag kang mag-alala. Masaya na ako ngayon sapagkat matagumpay mong naitataguyod ang iyong pamilya. Ipagpatuloy mo ‘yan. Pagbutihin mo ang iyong trabaho. Palagi ko kayong babantayan saan man kayo naroroon. Mahal na mahal ko kayong lahat. Masaya at maluwag ang pakiramdam ko dito sa paraiso,” ito ang mga salitang sinabi ng kanyang itay.

Sasagot na sana siya at mahigpit na yayakapin ang ama nang bigla siyang magising at may nakitang puting paru-paro na nakadapo sa kanyang daliri.

Advertisement

Bigla siyang naiyak nang mapagtanto niya na dinalaw siya ng kanyang ama sa panaginip.

“Tama si itay. Pagpapatuloy ko ang pagiging masipag sa trabaho para sa aking pamilya. Maraming salamat, ‘tay. Mahal na mahal ko din po kayo,” wika ni Rene na wari’y kausap ang kanyang ama.

Walang sinayang na sandali si Rene. Tumayo ito sa kanyang kinahihigaan at tumungo sa pabrika. Ginugol nito ang mga oras sa pagtatrabaho. Kaysa sayangin niya ang oras sa pag-iyak at pagmukmok, hindi din naman nito mabubuhay ang kanyang ama.

Kahit oras na ng uwian ay hindi pa ito tumutungo sa kuwarto upang magpahinga. Lalo lamang siyang malulungkot at maaalala ang ama kapag bumalik sa silid kaya’t pirme itong nago-overtime.

Maiiwasan na niya ang pag-iisip tungkol sa yumaong ama, dagdag na kita pa ito na maipapadala sa pamilya sa Pilipinas.

Kinabukasan ay napansin siya ng kanyang among Arabo. Ipinatawag ito sa kanilang opisina. Humanga sa kanya ang amo sa ipinakitang dedikasyon sa trabaho na kahit na nagluluksa at hindi pinayagang makauwi ng Pilipinas ay pinagsumikapang ipagpatuloy ang pagkayod.

Dahil dito, pinayagan siyang umuwi sa kanyang pamilya. Libre ang tiket pauwing Pilipinas at pabalik ng Saudi. Binigyan pa ito ng bonus na isandaang libong piso.

Nakauwi sa wakas ng Pilipinas si Rene. Nakaabot siya sa huling lamay ng kanyang ama.

Advertisement

Gulat na gulat siya sa laki ng pagbabago ng bahay ng kanyang mga magulang na tinutuluyan ng kanyang mag-ina. Ang kanyang anak naman na si Andrei ay malusog ang pangangatawan. Ipinakita din sa kanyani Irene ang libreta sa bangko na naglalaman ng malaking halaga. Dahil dito, lalo niyang minahal ang kanyang asawa at nangako siya sa sariling pag-iigihan lalo ang pagtatrabaho sapagkat may magandang pinatutunguhan naman ang kanyang pagtitiis sa Saudi.

Pagkatapos ng libing ay nagawa pa niyang ipasyal ang kanyang mag-ina at nanay.

Pagbalik niya sa Saudi ay agad siyang tumungo sa opisina ng kanyang amo upang mag-abot ng pasalubong at magpasalamat.

Mabilis na dumaan ang mga araw at natapos na ang kontrata ni Rene. Bago siya umuwi ng Pilipinas ay pinapirma na siya ng kanyang amo ng bago niyang kontrata.

Namangha siya sa nilalaman nito. Pagkatapos niyang magbakasyon ng dalawang buwan sa Pilipinas na may sweldo, sa Dubai na siya babalik upang pamahalaan ang bagong tayong pabrika doon.

( )

Bukod dito, kasama pa niya ang kanyang inay at mag-ina. Katulad ng dati, libreng pabahay at may napakalaking dagdag sa kanyang suweldo. Pag-aaralin na din ng kanyang amo si Andrei sa isa sa pinakaprestihiyosong paaralan sa Dubai.

Pagbaba ni Rene ng eroplano ay may dumapong puting paru-paro sa kanyang kanang balikat.

Bigla siyang napangiti at kinausap ang paru-paro na tila ba ito ay ang kanyang yumaong ama.

Advertisement

“Maraming salamat, itay… Ang aking anghel sa langit… Mahal na mahal kita! Ako na ang bahala kay inay… Hindi namin siya pababayaan…”