Akala ng Babaeng Ito ay Alam na Niya ang Lahat Patungkol sa Kanyang Nobyo, Isang Mensahe Galing sa ‘Di Kilalang Babae Lang Ba ang Sisira ng Kanilang Relasyon?

Ang limang taong relasyon ni Jess at ni Manuel ay ang klase ng relasyon na pinapangarap mismo ng kanilang mga kaibigan.

Isang araw habang hinihintay ng dalaga na sunduin siya ng nobyo sa labas ng kanyang opisina, nagpasya ang kanyang mga kaibigan na makiantay na rin sa kanya.

“Girl! Kailan ko kaya makikilala ang Manuel ng buhay ko ‘no?” ani ng isang babaeng kaibigan ni Jess.

“Sana nga yung jowa ko mala-Manuel ‘di ba!” naiinis na sabi ng isa.

“Basta beh, paminsan-minsan, pahiram naman ng jowa mo ha!” pang-aasar ng isa pang kaibigan niya.

“Mga baliw! Ano ba kayo? Syempre ipagdasal niyo lang din dahil ibibigay naman yun sa inyo ng Diyos. Relaks lang kayo mga beh, intay-intay lang din,” natatawang sagot ni Jess.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na rin si Manuel.

“Ayan na ang best jowa oh, naglalakad na papalapit sayo, Jess!” kinikilig na sambit ng isa sa kanyang mga kaibigan.

Advertisement

Natatawa na lamang si Jess habang nakatitig sa kanyang nobyo. At noong mga panahon na iyon iniisip niya rin kung gaano siya kaswerte kay Manuel.

Isang lalaking walang bisyo. Hindi marunong mambabae. Matapat. Mapagmahal sa pamilya. Masipag. At gustong-gusto rin siya ng pamilya ni Jess. Ano pa nga ba ang hihilingin niya sa isang lalaki?

“Babe, sorry ha kasi natagalan ako. Nag pameeting pa kasi saglit si boss. Kanina ka pa ba nag-iintay dito?” ani Manuel sabay halik sa noo ng kanyang nobya.

“Hindi, babe. Kalalabas ko lang din halos. Mga 5 minutes lang naman ako nag-intay kaya ayos lang,” nakangiting sagot ni Jess.

“Naku, limang minuto pa rin yun. Pasensya ka na ang tagal mong nakatayo,” malungkot na sabi ni Manuel habang hawak ang dalawang pisngi ng kanyang nobya.

“Grabe naman! Sobrang nakakakilig naman na! Tama na nga yan! Ihatid mo na yan pauwi Manuel at napakarami na naming kagat ng langgam dito!” biro ng isa sa mga kaibigan ni Jess.

Matapos ang tawanan ay umalis na rin ang magnobyo. Habang nasa byahe pauwi, nagpasya ang mag nobyo na magsine kinabukasan dahil parehas naman silang walang pasok. Dahil din sa trabaho ay matagal na rin ang huli nilang paglabas.

At pagdating nila sa bahay ni Jess, “Tara, pasok ka na muna sa loob,” pag-aya ng dalaga.

Advertisement

“Sige babe, pero ‘di na ako magtatagal ha. Para makapahinga muna ako,” sagot ng binata.

Tumango lamang ang dalaga. Matapos ang kanilang hapunan ay umuwi na rin ang binata.

Noong gabing iyon, habang natutulog na ang binata, si Jess naman ay gising na gising pa. Kaya nagpasya muna siyang mag Facebook muna habang nagpapaantok.

Habang siya’y nanonood ng kung ano-anong bidyong nakakatawa ay bigla na lamang may sumulpot na mensahe sa taong ‘di niya kilala na ang pangalan ay Marie.

Nakaramdam ng kakaibang kaba si Jess habang inaantay na bumukas ang mensahe.

“Hello Jess. Ako si Marie, at alam kong hindi mo ako kilala. Patawarin mo ako kung ikaw ang pinadalhan ko ng mensahe na ito. Hindi ka naman talaga dapat madamay pa sa problemang ito, pero hindi kasi sumasagot sa mga mensahe ko si Manuel. Tatay ng anak ko ang nobyo mo. Ako ang dating nobya ni Manuel bago pa naging kayo. Wala akong balak guluhin ang relasyon niyo, pero ang gusto ko lang ay masustentuhan ni Manuel ang anak niya.”

Nanlumo si Jess ng mabasa ito. Sinubukan niyang basahin muli ng mga dalawang beses pa dahil parang ayaw itong tanggapin ng puso at isip niya.

“May anak na si Manuel?” sambit niya sa kanyang sarili.

Advertisement

Gustong-gusto na niyang makipag-usap sa nobyo noong gabing iyon. Hindi niya alam kung anong emosyon ba ang dapat niyang maramdaman. Inis? Galit? Tampo? Ngunit mayroon paring parte sa kanyaang isip ang nagsasabi na baka hindi ito totoo. Kaya naman lahat ng kanyang emosyon ay isinantabi muna at ipinagpabukas tutal sila’y magkikita naman ni Manuel.

Doon, sila’y makakapag-usap ng maayos.

Hanggang sa kanyang paggising ay umaasa siyang sana hindi totoo ang lahat.

Pero, nasira ang pag-asang ito nang umamin si Manuel.

“Gusto ko na talagang sabihin sayo ang lahat babe, pero hindi ko alam paano sasabihin. Pero sana maniwala ka sa akin na ayoko lang talagang masaktan ka,” naiiyak na pagmamakaawa ni Manuel.

“Sayo ba talaga ang bata?” nakayukong tanong ni Jess at nagpipigil ng luha.

“Ang totoo niyang babe, oo naging nobya ko si Marie. At oo, may nangyari sa amin. Pero hindi ako nakasisiguro na ako ang ama ng bata kaya hindi ako nagbibigay ng sustento.” Sagot ni Manuel.

Kahit punong puno ng galit ang isip ni Jess sa narinig ay nagawa pa rin niyang sabihin, “Mali ka Manuel! Kung sinasabi ng babae na ikaw ang tatay, dapat magsustento ka. Maging responsable kang ama!”

Advertisement

“Pero paano tayo?” naiiyak na sagot ni Manuel.

Hindi nakapagsalita ang umiiyak na si Jess.

“Sana hayaan mo akong maayos ito, sana mapatawad mo ako, at sana wag mo akong iwan,” sambit ni Manuel.

Hindi parin makaimik si Jess, ngunit wala rin sa plano niya ang iwan si Manuel, dahil hindi pa rin naman sila nakakasiguro na siya ang ama ng bata. Ang tanong lang niya sa sarili ay ano ang gagawin kung si Manuel pala talaga ang ama?

Nagpasya ang lahat na magkaroon ng DNA test ang bata at si Manuel, para masagot na ang kanilang tanong.

Habang nag-aantay ng resulta, mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal ni Jess sa nobyo kaya naman sinusuportahan niya ito.

Ilang araw lamang ang kanilang inantay, nang malaman nilang… si Manuel nga ang tunay na ama.

Humagulgol ang binata ng mabasa ang resulta, dahil alam niyang malaking posibilidad na iwan siya ni Jess. At sa kanyang pag-iyak, buong akala niya’y umalis na si Jess, nang biglang isang mahigpit na yakap ang binigay sa kanya ng dalaga.

Advertisement

“Huwag kang mag-alala. Malalagpasan natin ang lahat. Hinding-hindi kita iiwan basta ipangako mo na magiging maayos kang tatay sa anak mo,” bulong ni Jess sa nobyo.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Manuel nang marinig ang sinabi ni Jess. Hindi niya sukat akalain na pipiliin pa rin ng dalaga ang tanggapin siya ng buong puso kahit siya’y may anak na.

Ilang buwan lamang ang lumipas at nagpasyang magpakasal ang dalawa. Mula noon ay nangakong magiging mabuting asawa para kay Jess si Manuel, at magiging mabuting tatay siya sa kanyang anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!