Inday Trending

Inday Trending

Nilapastangan ang Babae sa Ibang Bansa; Nang Makauwi sa Pinas ay Sarili Pa Nitong Ina ang Humamak sa Kaniya

Nilapastangan ang Babae sa Ibang Bansa; Nang Makauwi sa Pinas ay Sarili Pa Nitong Ina ang Humamak sa Kaniya
HeartbreakingStories

“Sinabi ko pong NO SIR, PLEASE DO NOT DO IT! I’M BEGGING YOU SIR! Pero sinarado niya ho ang banyo at doon niya ako unang ginahasa!” umiiyak na pahayag ni Susan sa korte.

“Kaya tinext ko ho agad yung agency namin na may ginagawang masama sa akin ang amo ko pero hindi ho sila naniwala at sinabi pa ho nilang luma na raw ang tugtugin ko para makakuha ng pera,”

“Birhen ho ako Attorney, Judge,” saad ni Susan habang tumutulo ang mga luha niya sa kaniyang mga pisngi at diretsong nakatingin sa abogadong nagtatanong sa kaniya.

“Kaya noong pangatlong beses na gagalawin akong muli ng amo ko ay nagdala na ako ng telepono para marecord ko ho ang mga pangyayari at maipadala ko sa agency namin para tulungan ako,” at nagplay ang record ng dalaga sa korte, boses lamang ito at hindi nakuhanan ang pangyayari ngunit sapat na para suportahan ang akusasyon ng babae.

Image courtesy of www.google.com

At ilang pagdinig pa ang dumaan sa dalaga ay napasakanya rin ang hustisya, hindi man niya nakasuhan ang amo ngunit napanagot naman niya ang agency at nagbayad ito sa kaniya ng danyos na kalahating milyon.

“Oh Susan, ano nang gagawin mo ngayon diyan sa pera? Malaking halaga iyan kaya ingatan mo,” wika ng kaniyang abogado.

“Atty., salamat nga po pala sa pagtulong sa akin. Uuwi na lang ho ako sa probinsya namin at doon magsisimulang muli, mukhang hindi ko pa ho kayang mangibang bansa dahil sa nangyari sa akin,” saad ni Susan sa abogado.

Image courtesy of www.google.com

Wala pang dalawang taong nagtratrabaho si Susan sa Saudi ngunit umuwi ito agad na hindi alam ng kaniyang mga magulang. Dumiretso kasi ito sa Maynila para magsampa ng kaso, nanirahan siya sa isa sa mga nakilala niyang kasambahay sa Saudi na parehas ang dinanas katulad niya.

Panglima si Susan sa sampung magkakapatid at wala nang trabaho ang kaniyang ina dahil umaasa na lamang ito sa pensyon ng yumao nilang ama. Sumugal ang dalaga sa pagiging katulong sa ibang bansa dahil nais niyang mapag-aral ang iba niyang mga kapatid. Ang mga nakakatanda kasi niyang kapatid ay nagsipag pamilya na at ayaw niyang magaya ang mga nakababatang kapatid niya roon kaya nais niyang suportahan ang pag-aaral ng mga iyon.

Sa edad na 25 anyos ay wala pang nagiging nobyo ang babae dahil puro trabaho ang inatupag niya sa Pilipinas simula bata hanggang sa kasalukuyan. Labis din ang galit niya sa ina dahil pabaya ito sa mga anak at sarili niya lang lagi ang inaatupag. Napakahilig rin nito sa lalaki kaya nga kahit wala pang isang taon na nawawala ang kanilang ama ay may bago na agad itong kinakasama.

“Ma! Si ate paparating! Si Ate Susan!” sigaw ni Miguel, ang walong taong gulang na kapatid ng babae.

“Susan ba’t napauwi ka? May nangyari bang masama?! Naku, anak! Kailangang-kailangan pa naman natin ng pera ngayon,” salubong ni Aling Remedios sa anak.

“Mano ho inay, sa loob na ho ako magkwekwento,” baling ng babae sa ina.

Image courtesy of www.google.com

“Ate, ate! May mga tsokolate ka ba sa maleta? May mga sapatos at bag para sa amin?” tanong ng mga kapatid ng dalaga.

“Marami! Pumasok muna tayo at kwentuhan niyo ako kung nag-aral ba kayong mabuti!” sagot ng dalaga at niyakap ang mga ito.

Ngunit laking gulat niya nang makita ang isang di kilalang lalaki sa bahay nila, tinignan siya ng lalaki at nakipagtitigan rin ng masama ang dalaga.

“Ay Susan! Nga pala siya ang bago kong asawa, ang Tiyong Kulas mo! Dito na sila tumira kasama ng mga anak niya, parehas na kaming walang asawa kaya wag kang mag-alala anak, wala kaming sabit,” mabilis na wika ng ale sa kaniya.

Hindi na nagsalita pa si Susan dahil wala pa siya sa hilatsang makipagtalo sa ina. Ngunit sa unang tingin ay nakita niyang agad na pati ang pamilya ng lalaki ay nakikinabang sa mga padala niya na dapat ay sa mga kapatid lamang niya.

“Oh anak! Magkwento ka na! Ano’ng nangyari bakit umuwi ka na agad e di ba limang taon ang kontrato mo doon sa Arabo? Tsaka ang dami mo namang pasalubong anak! Mukhang maagang pa bonus ba ito?” tanong muli ni Aling Remedios sa anak habang kinakalaykay ang mga dalang pasalubong ng babae. Namili na rin kasi si Susan sa nakuha niyang pera sa kaso.

“Hindi ho iyan galing sa arabo, galing ho iyan sa korte,” matabang na sagot ni Susan.

“Korte? Anong korte, anak?” tanong ng ina habang sinusukat ang ilang damit.

“Nagahasa ho ako inay at halos pitong buwan na ako sa Maynila dahil doon ako nagsampa ng kaso para mapanagutan nila ang nagawa sa akin. Awa ng Diyos naman ho ay pumanig sa akin ang hustisya at binigyan nila ako ng bayad na danyos,” saad ni Susan at nagtakip ng mukha tsaka umiyak.

Nakatulala ang mga kapatid niya sa kaniya ngunit tila walang narinig ang ina.

“E nabayaran ka naman pala, magkano ang nabigay nila sayo?” tanong pa ng ale.

“Kalahating milyon ho, kaya nga may mga pasalubong ako sa inyo at sa mga kapatid ko,” saad muli ng dalaga at inangat niya ang kaniya ulo para tignan ang reaksyon ng ina.

“Bongga naman pala anak! Hindi ka na lugi sa kalahating milyon! Baka ‘pag bumalik ka ulit e susunod naman ay isang milyon na!” tumatawang baling ng ale sa anak.

“GINAHASA HO AKO INAY! GINAPANG AKO! MINOLESTIYA AKO! NAWALA HO ANG PAGKABABAE KO! Tapos sasabihin niyo na hindi na lugi?! Anong klaseng ina kayo!?” sigaw ni Susan at tumayo ito.

“Hoy ikaw, kakarating mo lang sinisigawan mo na ang nanay mo!” singit ni Mang Kulas.

Image courtesy of www.google.com

“Wag ho kayong sumabad sa usapang pamilya! Wala ho kayong alam!” sigaw ni Susan dito,

“Ang arte mo naman! Yung iba nga diyang ginagahasa ay iniiwan lang sa tabi, ikaw nga ay nabayaran pa! Huwag kang umarte dahil wala ka nang maipagmamalaki,” sigaw ni Mang Kulas at mabilis na lumanding ang mga kamay ni Aling Remedios sa mukha ng lalaki.

“Lumayas ka! Lumayas kayo ng mga palamuning anak mo!” sigaw ng ale na labis na ikinagulat ni Susan.

Mabilis na nakaalis ang pamilya ng lalaki at nasa kusina naman si Aling Remedios at nakita ni Susan na umiinom ito ng tubig.

“Nay..” bulong ng dalaga,

“Anak, pasensya ka na. Nabulag ako sa pera at mga padala mo, nabingi ako sa iyak mo at hindi ko narinig ang pinagdaanan mo. Ngunit hindi ko kayang insultuhin ka ng ibang tao katulad ng ginawa ng hayop na Kulas na iyon. Patawarin mo ako anak kung pera lang ang naging mas mahalaga sa akin, patawad Susan,” baling ng ale at niyakap ang anak.

“Hindi mo na kailangan pang bumalik doon sa ibang bansa. Magtitiis tayo dito sa hirap pero may dignidad ka, wag mong isiping isa kang madumi babae, Susan. Gawin mo itong lakas para makabangon sa buhay, anak. Wag kang panghihinaan ng loob,” bulong sa kaniya ng ale.

“Akala ko wala kayong pakialam sa akin,” bulong ng dalaga habang umiiyak sa braso ng ina.

“Hindi totoo yan anak, pabaya man ako sa inyo at mahilig ako sa lalaki ngunit hindi ko hahayaan na may mangbastos sa inyo. Kung nalaman ko lang na ganoon ang pinagdaanan mo baka lumuwas pa ako kaagad ng Maynila para nasamahan kita, mahal kita Susan. Mahal ko kayong lahat at patawarin niyo ako!” baling muli ng ale.

Simula noon ay hinid na nagkaroon pa ng ibang kinakasama ang nanay ni Susan dahil naging abala na ito sa negosyong itinayo ng dalaga sa kanilang probinsya. Hindi na rin siya bumalik pa sa abraod at ginamit na lang ang perang nakuha para bumangon sa buhay.

Hindi man maibabalik ang puring nawala sa dalaga ay mas naging matalino naman siya sa buhay.

More Stories