Pinakilala ng Bata ang Kaniyang Kalaro sa Kaniyang Mga Magulang, Kinilabutan ang Mag-asawa nang Matuklasan ang Tunay na Katauhan ng Matalik na Kaibigan ng Anak

Hindi sukat akalain ni Eric na magugustuhan niya si Ella. Bakit? Para sa kanya’y napakabata pa ni Ella para ligawan.

Si Eric ay 26 anyos na noon at si Ella naman ay 19 pa lamang. Ngunit para sa binata ay mayroong espesyal sa dalaga na nagpapangiti sa kanya tuwing nakikita niya ito.

“Good morning, Eric!” bati ng dalaga habang nasa kantina ng kanilang opisina.

“Ano na naman?” pagsusuplado ng binata.

“Eto naman! Ang ganda ganda ng umaga, sinisira mo,” inis na sagot ni Ella.

“Oo nga, maganda nga ang umaga ko pero sinira mo,” sabay alis ng binata.

Palaging ganoon ang asaran ng dalawa.

Ngunit para kay Eric, kaya niya laging binabara ang dalaga ay dahil iniiwasan niyang magkagusto siya sa kanya.

Advertisement

Pero ang totoo niyan ay gusto na talaga niya ang dalaga at pilit lamang itinatago ito.

Hindi rin nagtagal at nagkaroon na rin ng lakas ng loob si Eric na aminin ang kanyang nararamdaman kay Ella.

Laking tuwa niya nang malaman na gusto rin pala siya ng dalaga.

Inaalala noon ng mga kaibigan ng binata na baka masyadong bata si Ella para sa kanya. Ngunit hindi naging problema sa kanila ang edad. Sa katunayan pa nga ay halos lahat ng gusto ng isa’t isa ay natutunan nilang pagkasunduan.

Dalawang taon ang lumipas nang magpasya si Eric na alukin ng kasal ang dalaga.

“Yes! Yes! Of course, yes!” pasigaw na sagot ng dalaga.

Naging maayos ang kanilang kasal at sila’y nakatira ng bukod sa kanilang mga pamilya.

Kaya naman sa init ng kanilang mga batang katawan ay wala pang isang buwan nang malaman nilang buntis si Ella.

Advertisement

“Magiging tatay na ako! Yes!” sigaw ni Eric na halos marinig ng kanilang mga kapitbahay.

“Shhh! Hinaan mo naman ang boses mo,” natatawang sagot ni Ella.

Halos walang naging problema si Ella sa buong pagbubuntis niya. Lahat ng payo ng doktor ay kanilang sinunod. Walang gamot na nireseta ang hindi niya ininom. Sinigurado ng mag-asawa na magiging malusog ang kanilang anak.

Nang dumating na ang takdang araw ng panganganak ay wala ring naging problema dahil mas handa pa ang mag-asawa kaysa siguro sa isang sundalo.

Isang sanggol na babae ang kanilang naging anak at pinangalanan nila siyang Alex.

“Mama, Papa, pwede ba akong maglaro sa labas?” nakangiting pamimilit ng kanilang anak, para siguradong papayagan siya.

“Hindi na pwede anak, mag-gagabi na oh,” sagot ng kanyang nag-aalalang nanay.

“Please ma, please, uuwi rin naman po ako agad, nangako po kasi ako kay Alex na maglalaro kami ngayon,” pamimilit pa ng kanilang anak.

Advertisement

“Oh, Alex din ang pangalan ng kaibigan mo?” tanong ng kanyang tatay.

“Opo pa, pero lalaki po siya. Alexander po ang totoo niyang pangalan,” nakangiting sagot ng bata.

Nagkatinginan ang mag-asawa. “O siya, sige, pero umuwi ka agad bago magdilim, Alex ha?” bilin ng kanyang tatay.

Hindi na nakapagpasalamat ang bata dahil agad siyang tumakbo palabas ng pinto.

Halos araw-araw ay palaging nakikipaglaro si Alex sa kanyang kaibigan.

“Oh kumusta naman kayo ng kaibigan mo?” tanong ng kanyang tatay.

“Okay lang pa, nagkwentuhan lang po kami kanina. Tinanong ko kasi siya bakit hindi siya nagsschool,” banggit ng bata.

“Sabi niya po kasi yung magulang niya hindi siya pinag-aral,” malungkot na dagdag ni Alex.

Advertisement

“Kawawa naman. Eh saan daw ba siya nakatira?” nag-aalalang tanong ng kanyang nanay.

“Banda dito lang din daw po siya ma eh,” sagot naman ng bata.

“Ah ganun ba? Oh minsan yakagin mo siyang pumunta dito sa atin ha, tapos ipagluluto ko kayo ng paborito mo,” sagot ng kanyang nanay.

“Naku baka hindi po yun pumayag, kasi nasabi ko na dati na maglaro kami dito sa bahay, pero ang sabi niya baka ayaw niyo daw po sa kanya,” nakayukong sagot ng bata.

“Huh? Syempre hindi, sabihin mo welcome siya dito ha,” nakangiting sagot ng kanyang nanay.

Kinabukasan, napansin ni Eric na oras na ng paguwi ng kanilang anak ngunit wala pa rin siya sa kanilang bahay. Minabuti ng mag-asawa na lumabas na at hanapin ang kanilang anak.

Nakita nila ang bata na nasa may park lamang at nasa swing mag-isa.

“Alex!” tawag ng kanyang nanay habang nasa malayo pa lamang.

Advertisement

“Alex! Let’s go na, uwi na tayo, gabi na,” tawag naman ng kanyang tatay.

Hindi nila inaasahan ang sagot ng kanilang anak.

“Ma, pa, totoo ba na kapatid ko si Alexander?” inosenteng tanong ni Alex sa mga magulang.

Napatigil sa paglalakad ang mag-asawa.

“Sinong nagsabi sayo niyan, halika nga rito!” natatakot na sambit ng kanyang nanay.

Tumayo at naglakad palapit si Alex sa kanyang mga magulang sabay itinuro ang isa pang bakanteng swing na katabi niya, “Si Alexander po mismo.”

Nanlaki ang mata ng mag-asawa nang marinig ang sagot ng kanilang anak. Binuhat na ni Eric ang kanyang anak at nagmadali silang naglakad pauwi.

Pagdating nila sa kanilang bahay ay kinausap nilang muli si Alex.

Advertisement

“Ano pa ang sabi ng kaibigan mo sa’yo?” tanong ng kanyang tatay na nanginginig pa ang boses.

“Sabi niya po kuya ko daw siya. Pero ayaw niyo po sa kanya, kaya iniwan niyo lang daw po siya doon. Pero ma, pa, gusto niya na daw pong umuwi,” sabi ng bata.

Nagulat si Alex dahil umiiyak ang kanyang mga magulang. Pero dahil bata pa siya’y hindi na muna sinabi ng mag-asawa ang katotohanan.

Noong sila’y hindi pa mag-asawa ay nabuntis si Ella sa kanilang una sanang anak. Tatlong buwan na siyang buntis noon nang malaman niya ang kanyang kalagayan. Dahil hindi pa handang magka-anak ang dalaga sa kanyang batang edad, ay nagdesisyon sila noon na ipalaglag muna ang bata.

Ang pagsisisi sa kanilang nagawa ay nangyari nang matapos na ang pagpapalaglag. Sising-sisi sila noon kaya binigyan nila ng maayos na burol ang kanilang unang anak. Pinangalanan pa nila itong Alexander.

Ngayon, hindi malaman ng mag-asawa kung aaminin pa ba nila ang katotohanang ito kay Alex.

Nagpasya ang mag-anak na lumipat ng ibang subdivision sa malayong probinsya para hindi na makita pa ni Alex ang multo ng kanyang kapatid.

Isang araw pagkagaling ni Alex sa eskwelahan, “Ma! Pa! Ang galing! Nakasalubong ko si Alexander sa school, baka maging kaklase ko siya!”

Advertisement

Hindi nakagalaw ang mag-asawa sa kanilang kinauupuan.