Akin Ka, Akin Ka Lang!

Sa edad na 14 anyos ay agad na tumibok ang puso ng batang si Fatima sa kanilang kapitbahay na si Alvin. Napakagwapo ng binata at sikat pa sa kanilang lugar, paano’y magaling kasi kumanta ang lalaki at palaging nagtatanghal sa kanilang lugar kaya naman normal na lang na maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

“Alvin! Sandali lang, may sasabihin sana ako sayo,” wika ni Fatima sa lalaki.

“Ikaw pala iyan Fatima, balita ko ay aalis na daw kayo ng bansa. Babalik ka pa ba dito? Ano nga pala yung sasabihin mo?” saad ni Alvin sa babae.

“Pagbalik ko, papakasalan kita,” diretsong wika ni Fatima kay Alvin.

“Naku, ikaw talaga kung ano-ano na lang pumapasok diyan sa isip mo! Pagbalik mo dito may asawa’t anak na ako,” natatawang sagot ng lalaki at niyakap niya si Fatima para magpagpaalam dito.

Sampong taon ang agwat ng dalawa, 24 anyos na noon si Alvin ngunit gayun pa man ay sigurado na si Fatima na ito daw ang lalaking gusto niyang makasama.

Nag-aral siyang mabuti sa ibang bansa, nagdalaga at nakakilala ng ibang lalaki.

“Anak, uuwi na tayo sa Pilipinas kapag nakapagtapos ka na ng kolehiyo, magbabakasyon muna tayo doon sa probinsya. Okay lang ba sa iyo yun?” tanong ni Aling Fely, ang nanay ng dalaga.

Advertisement

“Walang problema sa akin mama, kahit nga doon pa po tayo tumira,” nakangising sagot ng dalaga sa kaniyang ina.

Lumipas man ang mahabang panahon at alam ni Fatima na maraming nang nagbago pero hindi pa rin nababago ang laman ng kaniyang puso. Gusto pa rin niya si Alvin.

Nang makauwi sila ng bansa ay agad na hinanap ng dalaga ang kaniyang iniirog.

“Pwede po bang malaman kung dito pa rin nakatira si Alvin, yung sikat na singer po dati, yung gwapo,” tanong ni Fatima sa isang babae na nagwawalis malapit sa kanilang lugar.

“Ah si Alvin ba kamo, oo dito pa rin siya nakatira. Propesor na siya ngayon sa bayan, ako nga pala ang asawa niya, Imelda,” saad ng babae sabay abot sa kamay nito.

“Nag-asawa na po si Alvin? Asawa niya kayo? Kailan pa?” sunod-sunod na tanong ng dalaga.

Nagtataka at natatawa naman si Imelda sa reaksyon ng babae, sa isip-isip niya’y isa na naman siguro ito sa nahumaling sa kaniyang asawa.

“Naku, kayong mga kabataan talaga ngayon. May asawa na si Sir Alvin niyo at ako iyon. Dalawang taon na kaming kasal at mahal namin ang isa’t-isa,” nakangiting sagot ng babae.

Advertisement

Hindi nakasagot si Fatima at mabilis itong umuwi sa kanilang bahay, nag-iiyak ito buong araw dahil hindi siya makapaniwala na nakatali na ang lalaking matagal na niyang pinapangarap.

“Hindi, hindi pwedeng matalo si Fatima. Lahat ng gusto ko nakukuha ko!” sigaw ng dalaga sa kaniyang kwarto.

Kinaumagahan ay nagmanman ang dalaga malapit sa tinitirhan ni Alvin, nakita rin siya sa wakas ang lalaki.

“F*ck, siya pa rin ang Alvin ko,” isip-isip ng dalaga.

Sinundan ito ng babae at pinag-aralan ang buong araw ng lalaki, nakita niyang napakaraming magandang babaeng umaaligid sa lalaki na siya namang kinakausap nito.

“May pag-asa pa. Magiging akin ka, akin ka lang Alvin!” isip-isip niya.

Kinaumagahan ay nagpakilala na si Fatima sa lalaki nang makita niyang wala itong kasama sa silid aklatan.

“Alvin, nandito na ako,” saad ng dalaga.

Advertisement

“Fatima? Ikaw ba iyan? Ang laki-laki mo na!” bati ng lalaki sa kaniya.

“Oo, nandito na ako. Umuwi ako kasi nangako akong tutuparin ko ang pangako ko sayo at yun ay ang pakasalan ka,” diretsong pahayag ni Fatima.

Saglit na natawa si Alvin at inilibot ang kaniyang paningin sa silid aklatan upang kompermahin na walang ibang tao.

“Fatima, propesor ako dito. May asawa na rin ako, isa pa hindi mo kailangan tuparin iyon dahil bata ka pa noon. Nagdalaga ka man ngayon pero hindi pa rin nagbabago ang katotohanan na ‘di hamak na mas matanda ako sa’yo,” bulong ng lalaki.

“Wala akong pakialam, akin ka lang Alvin. Akin lang! Ang dami-dami nang ganitong relasyon ngayon, mas matanda yung isa o mas mayaman o ano pa mang mas pero tanggap nila ang isa’t-isa. Handa akong maging kabit mo, kerida, babae, mistress basta maging tayo lang,” saad ng dalaga saka nito hinawakan ang kamay ng lalaki.

“Papayag ka sa ganon?” tanong ni Alvin.

“Oo, maraming ganun sa ibang bansa. Normal lang yun basta hindi ka mawawalan ng oras sa akin, mas maganda ako, mas bata kaysa asawa mo. Alam kong gusto mo rin ako Alvin, maraming may gusto sa akin pero ikaw at ikaw lang ang gusto ko,” pahayag pang muli ng babae.

Saglit na tinitigan ni Alvin ang dalaga, inilapit niya ang kaniyang mukha dito hanggang sa magkadikit ang kanilang mga ilong.

Advertisement

“Anong nararamdaman mo?” tanong ng lalaki.

“Malakas ang kabog ng dibdib ko, naeexcite ako Alvin. You can kiss me. Please, kiss me,” wika ng dalaga saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata.

Ngunit hindi gumalaw ang lalaki at nanatili sa ganoong posisyon.

“Napakaganda mo,” pahayag ni Alvin.

Dumilat ang dalaga dahil walang halik na nangyari sa kanila.

“Tama ka, napakaganda mo at marami pang darating na lalaking mas mahuhumaling sayo. Pero hindi ako, Fatima,” wika nito.

“Walang sino mang babae ang pinangarap na maging kabit o pangalawa lamang sa buhay ng isang lalaki. Karangalan sa akin na magkagusto ang isang tulad mo, pero hindi ko ipaparanas sayo iyon. Hindi ganoong klase ng relasyon ang nararapat sa isang tulad mo,” paliwanag pa nito.

“Pero ikaw ang gusto ko Alvin, simula bata pa lang ako. Alam ko na sa sarili ko na ikaw ang mamahalin ko at ikaw papakasalan ko,” pilit pang muli ni Fatima dito.

Advertisement

“Alam mo, marami ka pang makikilala. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa akin, hindi mali na magkagusto ka sa kin pero mali kapag pinatulan kita at pinalalim pa natin ito. Kahit saan tingnan anggulo mali ang gusto mo at kahit gaano pa natin kagusto ang isang bagay kung may maapakan o masasaktan tayong ibang tao, ibig sabihin lang noon ay dapat itong itigil,” nakangiting paliwanag ng lalaki.

“Marami pang darating Fatima, huwag kang magmadali at huwag mong ipilit ang gusto mo dahil may mas magandang plano sayo ang Diyos,” bulong ni Alvin saka niya niyakap ang dalaga.

Hindi makapaniwala si Fatima sa kaniyang narinig hindi lamang inis at hinagpis ang kanyang naramdaman kundi lalo pa niyang nagustuhan ang lalaki dahil sa katapatan nito sa kaniyang asawa.

“Sana lahat ng lalaki ay kagaya mo,” saad niya dito.

“Ipakita mo sa mga lalaki kung paano ka nila ituturing, doon mo malalaman kung sino ang may mabuting puso,” sagot naman ni Alvin.

Simula noon ay tinigilan na ng dalaga ang kaniyang tinuturing na first love at nakinig sa payo ni Alvin. Sa ngayon ay pagtratrabaho at oras sa pamilya ang kaniyang napiling pagkaabalahan.

“Im