Tinanggap ng Dalaga ang Ka-Date Kahit Maiksi ang Isang Paa Nito at Tigyawatin, Ikinagulat Niya nang Malaman ang Totoong Pagkatao ng Binata

Sobrang saya ni Belinda. Sinulyapan niya pang muli ang sarili sa salamin bago bumuntong hininga, tapos ay lumabas na. Sinalubong siya ng kanyang inang ang laki rin ng ngiti.

“Uy, ang ganda ng dalaga ko ha! Marami ka na bang baong ingles? Pakiramdam ko ay iba ang tingin mo sa binatang kikitain mo, ayos rin naman sa akin kasi mabait siya.” biro nito.

“Ang nanay talaga! Kaibigan ko lang yun, hanggang doon lang po. Ayaw kong umasa, baka masaktan.” nakangiting biro niya rin.

Nasa huling taon na ng kolehiyo si Belinda, kumukuha siya ng kursong Business Management sa isang unibersidad sa bayan. Pero dahil bakasyon naman ay tumutulong muna siya sa nanay niyang magtinda ng halu-halo, patok na patok ang negosyo dahil wala namang ibang nagtitinda ng meryenda sa liblib nilang bayan.

Kaya lang, espesyal ang araw na ito. Ngayon ang uwi ni Jacob.

Tandang-tanda niya pa, binagyo sila noon at halos walang makain. Iyak sila nang iyak ng nanay niya dahil isa ang kanyang ama sa nasawi sa malakas na bagyo, wala silang bahay at hindi alam kung saan magsisimula.

May mga kahon ng relief goods na donasyon raw mula sa ibang bansa. Di niya alam kung tadhana, dahil pagbukas nila ng kahon na para sa kanila ay may maliit na note doon.

To whoever will receive this,

Advertisement

Please know that you are not alone. God is always with you, do not lose hope.

Jacob

Sobrang naantig siya noon, kumpleto ang ipinadala ng binata. May gamot pa para sa nilalagnat niyang ina kaya hindi niya na natiis, inilista niya ang PO Box address sa Amerika at sinubukan niyang magpadala ng sulat. Agad naman siyang sinagot nito at nagtuloy-tuloy na ang pag uusap nila.

Medyo nahulog na ang loob niya sa mabait na binata. Hindi dahil ma-pera ito at nasa Amerika, kundi dahil napakabait nito. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon at may lahing Pilipino rin dahil ang nanay nito ay Pinay at ang tatay ay Amerikano.

At eto na nga, magkikita na sila!

“Miss? Nandito na tayo,” sabi ng tricycle driver.

Nagbayad siya tapos ay kinakabahang naglakad, ito lang ang nag-iisang restaurant sa bayan nila at para sa kanya ay nakaka-sosyal ang pakiramdam. Paano kasi, ni minsan ay hindi niya pa sinubok na makapasok rito. Ang mamahal ng bilihin eh.

Ang gusto nga ni Jacob, ayon sa sulat nito, ay puntahan nalang siya sa bahay. Pero ayaw niyang pahirapan ang binata dahil baku-bako ang daan at baka maligaw ito, kaya ipinilit niyang dito nalang.

Advertisement

Ilang sandali pa ay narinig niyang tumunog ang windchime sa pintuan.

“Ama Namin, sumasalangit ka sambahin ang ngalan Mo..Lord gabayan mo ako,” magkakahalong kaba, kilig at excitement ang nararamdaman niya ngayon.

Medyo nagulat nga lang siya nang makita ang naglalakad. Isang lalaking kumekendeng, mali. Nang tuluyan na itong makalapit ay nakumpirma niyang maiksi ang isang paa nito kaya mukhang kumekembot maglakad.

Nakasuot ito ng maluwag na polo at maong na pantalon. Marami itong tigyawat at may malaking hikaw pang kumikinang. Diba sabi nila, kapag raw maraming tigidig ang mukha ay wag nang maglagay ng kolorete sa paligid para hindi mapansin? Para saan kaya ang hikaw, pangtakip?

“Are you Belinda?” pilit ang english na sabi nito.

“Yes,” nakangiti namang baling niya. Hindi siya naiinis, sa katunayan niya ay natutuwa siya. Hindi man ito ang inasahan niyang itsura ni Jacob ay ayos lang sa kanya, napakalaki ng naitulong ng lalaki sa kanilang buhay.

“I’m Jacob,” inilahad nito ang mga kamay at napansin niyang onse ang daliri ng lalaki. May singsing rin itong malaki ang bato. Bakit ganoon, kung nasaan ang kapintasan, naroon ang alahas?

Ngiting-ngiti siya, naaaliw siya kay Jacob.

Advertisement

“Jacob, I just really want to say thank you for everything. You don’t know how big your role is in our lives.” panimula niya.

Itim ang buhok ng lalaki at hindi mukhang kano. Hayaan mo na, baka nagmana sa nanay. Kengkoy rin ito kaya wala silang ibang ginawa kung hindi magtawanan.

Makalipas ang 30 minutes ay naisipan na nilang umorder ng pagkain, habang naghihintay sa waiter ay parang may nais sabihin ang lalaki sa kanya.

“Yes?” tanong ni Belinda.

“I have something for you,” nakangiting sabi nito.

“What is it-” hindi na niya natapos ang sasabihin dahil natulala siya sa lalaking nakatayo na pala sa likod nito.

Matangkad ang lalaki, may kaunting balbas pero malinis tignan.Brown ang mga mata at kulot ang buhok, halatang ibang lahi. Titig na titig ito sa kanya at nakangiti.

“Huy, baka pasukan ng langaw yang bibig mo,” nakakatawang biro ni Jacob.

Advertisement

“H-ha? Nagtatagalog ka Jacob?” tanong niya rito.

Umiling ito, “Oo naman! Pinoy ako eh! Tsaka, hindi ako si Jacob,”

Lalo siyang naguluhan, ano ba ito? Wow mali?

“Kung hindi ikaw si Jacob, sino ka? At sino siya?” nagtatakang sabi niya, inginuso niya pa ang gwapong binatang nakatayo na halatang pinipigilan ang matawa.

“Ako si Jerry, pamangkin ako ng nanay niya rito sa Pinas. At..siya si Jacob,” pakilala nito.

Halos malaglag ang panga ni Belinda, puputok yata ang matris niya sa sobrang kilig.

“Hi, nice to finally meet you,” inilahad nito ang mga kamay.

“Ay Diyos ko pasmado ako,” problemadong bulong niya.

Advertisement

“It’s okay,” nakangiti ang binata.

“Huh? You understand Filipino?”

“I do! My mom is Filipino! I can’t speak though, but I hope you’ll teach me,”

Hindi niya malaman ang isasagot, si Jerry naman ang nagpaliwanag ng lahat,”Naku Belinda pasensya kana ha, ito kasing pinsan ko. Inlove na inlove sa iyo. Sabi ko eh i-testing muna namin kung mabait ka, tignan kako namin kung ganyan ka pa rin kahit na ganito pa ang itsura niya katulad sa akin. Grabe, nakakatuwa kang kausap. Boto na ako sayo para kay insan,” binalingan pa nito ang binata, “Nice choice couzins!”

Nagtawanan ang tatlo. Mula noon ay naging madalas na ang pagdalaw ni Jacob sa Pilipinas. Lalong lumalim ang kanilang pag-iibigan at di nagtagal ay nauwi iyon sa isang relasyon.

Pagkalipas ng dalawang taon ay nagpakasal ang dalawa, si Kuya Jerry ang kanilang best man.

Buti nalang ay busilak ang loob ng dalaga, at hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao. Dahil isang malaking biyaya pala ang naghihintay sa kanya.