Inday TrendingInday Trending
Mapagmataas na Doktor ang Lalaking Ito Dahil sa Kaniyang Angking Galing; Bakit Kaya sa Huli, Siya’y Maninikluhod?

Mapagmataas na Doktor ang Lalaking Ito Dahil sa Kaniyang Angking Galing; Bakit Kaya sa Huli, Siya’y Maninikluhod?

Habang ang mga sasakyan ay naggigitgitan sa kahabaan ng trapiko sa lungsod, bugnot na naman ang nararamdaman ni Angelo, tatlumpu’t dalawang taong gulang. Bukod kasi sa haba ng trapiko, kumakalam na sikmura ay sumabay pa ang kaniyang matinding pagod na nararamdaman. Kung kaya naman wala siyang pinalalampas na sasakyan na mauna sa kaniya kahit pa ambulansiya.

Sa kaniyang pag-uwi, agad siyang dumiretso sa kaniyang kwarto at inilapag ang mga gamit. Kakaunti ang gamit ng kaniyang bahay ngunit puno naman ng mga alahas ang isang parte sa kaniyang kwarto. Palagi niya itong sinisilip sa tuwing siya ay uuwi. Ito ay upang maksiguro na ligtas ito at naroon pa rin.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkain, muli na naman niyang naalala ang mga mahihirap na taong pumipila sa ospital upang makapagpagamot sa kaniya. Iritable siyang palagi sa tuwing may hihingi ng tulong sa kaniya. Dahil bukod sa marumi raw ang mga iyon, wala pang pambayad sa kaniya.

“Ayaw na lang kasi mawala kung papanaw na at may nararamdaman. Ang ospital ay para lang sa mga mayayaman,” aniya sa kaniyang sarili. Bakas pa sa mukha ng lalaki ang pagkainis habang sinasabi ang mga salitang ito. Matapos ang kaniyang hapunan, naligo siya at tuluyan nang nagpahinga.

Kinabukasan, muling nagtungo si Angelo sa ospital na kaniyang pinapasukan. Habang pinaparada pa lamang niya ang kaniyang sasakyan ay hinarang siya ng isang matandang babae na kamuntikan na niyang mabangga. Dahil sa gulat at galit, mabilis siyang bumaba ng sasakyan at hinarap ang matanda.

“Ano ho bang problema niyo? Dahil sa ginawa ninyo, muntik na kayong mapahamak!” galit na wika niya. Tumitig nang diretso ang matanda sa kaniya at wala itong sambit ni-isang salita.

“Ahh! Alam ko na! Siguro modus niyo ‘to para makakuha ng pera. Kung gayon, pasensyahan po nanay dahil nakuhaan kayo ng CCTV sa ginawa ninyo kaya wala kayong makukuha kahit na piso sa akin!” huling wika naman niya at pagkatapos ay muling bumalik sa kaniyang sasakyan upang ipagpatuloy ang pagpaparada.

“Bakit hindi mo man lang inoperahan ang anak ko? Alam mo bang agad siyang binawian ng buhay nang hapon na iyon dahil hindi mo siya ginamot? Alam mo ba ang nawala sa buhay ko?” nanghihinang sambit naman ng matanda na nakapagpatigil kay Angelo. Dito niya natandaan ang matanda na siyang nagmakaawa at lumuhod pa sa kaniyang harapan upang operahan niya ang anak nito. Subalit sa kasamaang palad, hindi niya ito tinanggap.

“Wala na ho akong kasalanan diyan, nanay. Kaya kung guguluhin ninyo ako dito sa trabaho ko, umalis na lang ho kayo at baka ipadampot ko pa kayo sa mga awtoridad,” pananakot naman niya sa matanda at agad na umalis.

Mabilis na nawala sa isipan ni Angelo ang kaso ng matanda at ang nangyari nang umagang iyon. Kabi-kabila kasi ang kaniyang gawain sa ospital. Kung saan saan rin siya napunta upang gamutin naman ang mga mayayamang may-ari ng kumpanya na kaniyang pasyente. At kahit ilang tao pa ang nangangailangan ng kaniyang tulong at awa, wala siya sinumang pinagbibigyan.

Alas diyes na ng gabi at pauwi pa lamang si Angelo, ramdam pa niya ang hilo dahil sa alak na ininom. Isang baso lamang iyon ngunit malaki na ang naging apekto sa kaniya. Hindi naman kasi siya pala-inom sadyang napilit lamang siya habang naghahapunan siya kasama ang isang pasyente na mayaman.

Sa kaniyang pagmamaneho, gulat ang kaniyang naramdaman nang siya’y siksikin ng isang motor. Sa kaniyang pag-iwas, napwersa niya ang manibela ng sasakyan at siya ay naaksidente noong gabing iyon. Ilang sandali lamang ay nagkamalay siya na masakit ang katawan. Pinilit niyang igalaw ang katawan at lumabas sa sasakyan. Dito niya nakita ang mga tao na unti-unting kumapal. Subalit labis niyang ikinagulat nang makita niya ang sarili na binubuhat ng mga tao at isinasakay sa sasakyan.

Sa pagkakataong ito niya napagtanto sa sarili na siya ay wala nang buhay. Pinilit niyang sumama sa ospital kung saan dinala ang kaniyang katawan na naghihingalo na. Ngunit sa kanilang pagdating, wala ni-isang doktor ang naroon upang siya ay maoperahan.

“Tawagan ninyo si Dr. Sanches! Si Dr. Michaela! Lahat tawagan ninyo!” malakas na sigaw ni Angelo sa loob ng silid subalit wala ni-isa ang makarinig sa kaniya.

Habang tinitingnan ang sariling katawan na nakaratay sa kama, binabasa niya ang mga makina na nakakabit sa kaniya. Dito na lalong bumuhos ang luha ni Angelo.

“Parang awa niyo na! Marami na akong nailigtas na buhay! Bakit wala man lang ni-isa na gustong tumulong sa akin?! Nanganganib na ang lagay ko at ilang oras na lamang ay bibigay na ang puso ko!” nagmamakaawang sambit ni Angelo subalit katulad ng umpisa, wala sinuman ang makarinig sa kaniya.

Hanggang isang boses ang kaniyang narinig.

“Ngayon, alam mo na ang pakiramdam ng walang wala? Na wala man lang tumutulong kahit gusto mo pang mabuhay? Na kahit anong luhod namin, hindi kami mapagbigyan ng isang doktor na kaya sana kaming buhayin…” maluha-luhang sambit ng matanda na humarang sa kaniya sa paradahan. Ito pala ay binawian na rin ng buhay kung kaya’t nakikita at nakakausap siya nito.

“Patawad po, patawad po sa lahat lahat!” malakas na paghingi ng tawad at hagulgol ang kaniyang nasabi habang nagdarasal sa itaas na isalba pa siyang muli. Matapos niyang sabihin ang mga salitang ito ay bigla na lamang naglaho ang matanda sa kaniyang harapan. Nagpatuloy siyang nanikluhod, umaasang may dumating na himala.

Ilang sandali lamang ay dumating na ang mga doktor na siyang nag-opera sa kaniya. Matagumpay ang lahat ng panggagamot sa kaniya ng gabing iyon. Muling nagkamalay si Angelo ilang oras matapos ang operasyon. Ngunit sa pagkakataong ito, ipinangako niya sa matanda, sa itaas at sa sarili, na babaguhin ang buhay na kaniyang tinatahak. Dahil lahat ng talento at kayamanan natin ay wala kung tayo rin lang ay mawawala sa mundo. Kasabay ng kaniyang pangalawang buhay ay ang pagbabago ng direksyon nito pati na ng kaniyang paniniwala.

Advertisement