Masamang Balak kay Lenlen

Mahal na mahal ni Leslie ang anak na si Lenlen kahit na ang bata ay may kakulangan sa pag-iisip. Mula nang pumanaw ang kanyang asawa ay siya na ang mag-isang nag-aruga sa kanilang anak. Kahit naiiba si Lenlen ay mabait naman itong bata.

Tahimik lang si Lenlen at hindi nananakit kaya walang nagiging problema si Leslie sa pag-aalaga rito. Ang iniisip niya ay kung paano sila mabubuhay na mag-ina ngayong nagsara ang pinapasukan niyang kumpanya. Namomroblema rin kung kanino niya pag-iiwanan ang anak sa sandaling matanggap siya sa bagong inaplayang trabaho, ang nanay naman niya na nag-aalaga kay Lenlen noong may trabaho pa siya ay sakitin na at hindi na maaaring mapagod. Isang araw ay may magandang balitang natanggap si Leslie.

“Talaga po, tanggap na po ako?” masaya niyang tanong sa kausap.

“Yes, Ms. Cuerpo. By Monday kailangan ay maaga kang mag-report sa opisina,” sabi ng HR Staff sa kabilang linya.

“Opo, aagahan ko po!” aniya.

Pagkababa sa telepono ay masayang pinaghahagkan ni Leslie ang anak.

“Hmm, may good news ang mama, may trabaho na ulit ako, baby!”

“Talaga, mommy? Bibili mo ulit ako jobeee?” wika ni Lenlen na ang tinutukoy ay ‘Jollibee’. Iyon kasi ang paborito nitong pasalubong kapag sumasahod si siya.

Advertisement

“Oo naman, baby ko. Bibilhan kita ng maraming burger at chicken,” aniya sa anak.

Ngayong natanggap na siya sa trabaho ay iniisip niya kung sino ang mag-aalaga kay Lenlen? Maghapon pa naman ang oras ng kanyang trabaho sa bagong kumpanya.

Mayamaya ay may kumatok sa pinto at nang buksan niya iyon ay tumambad sa kanya ang isang lalaki.

“Magandang umaga po, nariyan po ba si Leslie Cuerpo?” tanong nito.

“Ako nga, bakit anog kailangan?”

“Ako po si Juno. Ako po iyong anak ni Susan na labandera ng nanay niyo,” pakilala ng lalaki.

“A, si Aling Susan, kilala ko siya. Matagal na siyang labandera ni nanay. Bakit ka naparito?”

“Sabi po ng nanay niyo na kailangan niyo raw ng magbabantay sa anak niyo? Ako po ang inirekomenda niya.”

Advertisement

Saglit na nag-isip si Leslie, mayamaya ay tinawagan ang ina.

“Nay, nagpadala raw po kayo ng mag-aalaga kay Lenlen? Pero teka po, lalako po siya at ang apo niyo ay babae. Parang hindi magandang tingnan. Wala po ba kayong mairerekomenda na babae?” bulong niya sa kabilang linya.

“Naku, anak. Huwag ka mag-alala at tiwala ako kay Juno. Mabait na bata iyan. Pinalaki iyan ni Susan na may takot sa Diyos. Saka huwag ka na maghanap pa ng iba lalo na at mag-uumpisa ka ka sa trabaho mo. Kailanghan na may magbabantay sa apo ko,” tugon ng ina.

Wala na siyang nagawa kundi tanggapin sa kanyang bahay ang anak ng kanilang labandera. Sa tingin naman niya ay mapagkakatiwalaan ang lalaki. Beinte singko anyos na si Juno, binata at walang nobya, asawa o kinakasama kaya walang magiging problema at nakatuon lang ito sa pagbabantay at pag-aalaga sa kanyang anak. Sa umaga lang naman babantayan ni Juno si Lenlen kapag wala siya sa bahay. Uuwi rin ang lalaki kapag dumating na si Leslie galing sa trabaho.

Isang araw ay nagmamadali si Leslie sa pag-aayos ng mga gamit para maaga siyang makaalis ng bahay. Natatakot siya na baka mahuli sa opisina, ka7 bago-bago pa naman niya sa trabaho. Inihabilin niya si Lenlen kay Juno.

Habang naglalarong mag-isa ang walang kamuwang-muwang na si Lenlen ay hindi nito batid ang masamang tangka sa kanya ng lalaki. Kahit may porblema sa pag-iisip ay di maikakaila na magandang bata si Lenlen, kaya hindi napigilan na demonyohin ang utak ni Juno at pagtangkaan ito ng kahalayan. Sa isip ng lalaki ay hindi naman makakapagsumbong si Lenlen dahil sa kondisyon nito.

“Kay gandang bata nito, makinis, maputi,” nakangising bulong ni Juno sa sarili.

Alas tres ng hapon, isasakatuparan sana ni Juno ang balak niya sa bata nang bigla siyang mapatigil sa labas ng kuwarto ni Lenlen.

Advertisement

“Sandali, parang may kausap ang sinto-sinto!” gulat niyang wika sa sarili.

Inilapit niya ang kanyang tainga sa pinto. Nagulat siya dahil may kausap nga ang bata sa loob. Boses ng isang lalaki. Sinubukan niyang pakinggan ulit ngunit biglang tumigil ang mga nag-uusap.

“Sino kaya ang kausap niya? Kaming dalawa lang naman ang magkasama dito sa bahay. Paano kaya nakapasok ang taong iyon? di kaya sa bintana?” bulong niya sa isip.

Bubuksan niya sana ang pinto ng kuwarto nang biglang bumukas rin ang pinto sa sala at iniluwa si Leslie.

“Magandang hapon, nag-half day lang ako… Lenlen, baby nasaan ka, anak? Juno, nasaan kayo?” malakas na sabi ng babae.

Dahil narinig niya ang pagdating ni Leslie ay hindi na niya itinuloy ang balak.

Nang sumunod na araw, habang nasa trabaho si Leslie ay nagdesisyon ang lalaki na ituloy na ang masamang balak kay Lenlen. Alas siyete ng gabi noon at sinabi ng amo na gagabihin ito sa pag-uwi dahil kailangan nitong tapusin ang mga pinagagawa ng boss aya mas lalo siyang nagkaroon ng pagkakataon na maisakatuparan ang makamundo niyang nais.

Bubuksan na niya ang pinto ng kuwarto ni Lenlen ngunit dinig na dinig na naman niya na may ibang kausap ang bata sa loob ng kuwarto.

Advertisement

“Narito na naman ang lalaking kausap niya. Sino kaya iyon at paano siya nakakapasok sa kuwarto ng bata?” aniya.

Wala na siyang nagawa kundi buksan ang pinto. Laking gulat niya nang makita kung sino ang nasa loob at kausap ng bata.

“Ikaw?” tangi niyang nasambit. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi na niya namalayan pa.

Nang imulat ni Juno ang mga mata ay nasa loob na siya ng kulungan.

“A-anong ibig sabihin nito? B-bakit ako narito?” nagtataka niyang sabi.

Mayamaya ay may tumawag sa kanyang pangalan.

“Romero, may dalaw ka!” sigaw ng guwardiya.

Nang dalhin siya nito sa visitor’s area ay ikinagulat niya na naroon si Leslie.

Advertisement

“Kumusta ka? Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwalang pagtatangkaan mo ang anak ko. Hindi ka na naawa sa kanya?!” singhal nito sa kanya.

“Sandali lang po. T-otoo po na may masama akong balak sa anak niyo, pero wala po akong ginawa, hindi po natuloy ang balak ko!” aniya.

“Hindi mo ba matandaan ang nangyari? kung bakit ka narito sa kulungan at nabunyag ang balak mo? Nadatnan kita na hubo’t hubad sa kuwarto ni Lenlen. Nakagapos ang mga kamay mo at may takip ang iyong bibig. May nakasulat pa sa karton na isinabit sa leeg mo at ang nakalagay ay (R*pist at Many*k ako!) Wala ka nang kawala dahil isinumbong ka rin ni Lenlen,” bunyag ng babae.

“I-imposible, wala po talaga akong matandaan sa mga nangyari. Sinisiguro ko sa inyo na ang may kagagawan ng lahat ng ito ay iyong lalaki na palagi niyang kausap sa loob ng kuwarto,” sumbong niya sa kausap.

“Lalaki? E, ikaw lang naman at ang anak ko ang naiiwan sa bahay, a!”

“Hindi ako maaaring magkamali. Palagi siyang may kausap na lalaki. Matangkad siya, moreno at may bigote,” paliwanag niya sa babae.

“Matangkad, moreno, may bigote?” Kinabahan si Leslie at may kinuha sa loob ng kanyang pitaka. May iniabot itong maliit na litrato sa lalaki.

“Siya ba ang lalaking tinutukoy mo?” wika ni Leslie na nangingilid na ang luha sa mga mata.

Advertisement

“Opo, siya nga!’ aniya nang makilala ang nasa litrato.

“A-ang lalaking tinutukoy mo ay ang namayapa kong asawa. Noong nabubuhay kasi siya ay palagi niyang kinukuwentuhan anumang oras ang aming anak.

“Diyos ko, ibig sabihin ay hindi buhay ang nakita ko?”

Di makapaniwala si Juno sa ipinagtapat ni Leslie. Marahil ay naramdaman ng namapayang mister na may masama siyang balak sa pinakamamahal na anak.

Dahil buko na rin ay humingi siya ng tawad sa babae at sinabing nakahanda siyang makulong, mapagbayaran lang ang masamang banta sa anak.

Pinagbayaran ni Juno sa kulungan ang kanyang kapusukan. Pinagsisisihan din nito ang mga nagawa. Mula noon ay hindi na rin nagpakita ang asawa ni Leslie sa kanilang anak. Napatunayan ng babae na kahit wala na ito ay gagawa at gagawa pa rin ito ng paraan para maprotektahan ang kanilang pamilya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!