Nang Makunan ang Misis ay Nanlamig ang Kanyang Mister, May Pag-asa Pa Bang Maayos Sila Kahit Wala na ang Anak?

“Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?” pangungulit ng biyenan ni Ana.

“Sa tamang panahon, ‘nay,” pabirong sagot ni Martin.

“Ikaw talaga, puro ka biro,” sambit ng kanyang misis. “Basta ‘nay, sumusubok na po kami,” nakangiting dagdag niya.

“Aba bilis-bilisan niyo ha, hindi na ako bumabata,” pabirong sagot ng nanay ni Martin.

Anim na taon nang kasal si Ana at Martin. Ngunit dalawang taon na nilang sinusubukang magka-anak.

Nang sumunod na buwan lamang ay napakasaya ng mag-asawa dahil natupad na ang kanilang kahilingan nang makita nila ang resulta ng PT: dalawang linya.

“Oh, kumusta ang check-up?” tanong ng byenan.

“Eh ‘nay, binigyan po ako ng mga vitamins at pampakapit, kasi embryo pa lang daw ang nakikita sa ultrasound eh,” kwento ni Ana.

Advertisement

“Ha? Eh bakit daw ganoon?!” pag-aalalang tanong ng byenan.

“’Wag daw po munang mag-alala ‘nay, kasi baka masyado pang maaga kaya hindi pa nakikita sa ultrasound,” sagot naman ni Martin.

“Ah ganun ba? Basta palaging mag-iingat anak ha,” sambit ng biyenan kay Ana.

“’Di bale po, sumama na lang po kayo sa amin sa susunod na punta sa doktor. After two weeks daw ‘nay,” nakangiting sabi ni Ana.

Naging masunurin si Ana sa lahat ng bilin ng doktor. Dalawang linggo rin siyang hindi pumasok sa kanilang opisina dahil kinakailangan niyang mag bedrest.

Lahat rin ng gamot ay ininom ni Ana at siniguradong wala siyang makakalimutan.

Ngunit, hindi nila inaasahan ang mangyayari sa pagbisita nilang muli sa doktor.

“Oh, kumusta ka naman mommy sa loob ng dalawang linggo?” pangungumusta ng doktor habang inaayos ang ultrasound nang makapagsimula na.

Advertisement

“Okay naman po dok, medyo may sumakit lang sa puson ko nung nakaraan po, pero saglit lang. Okay naman na po ako ngayon,” nakangiting sagot ni Ana habang nakahawak sa kamay ng kanyang mister.

“Sige, let’s start na, tingnan natin si baby,” nakangiting sagot ng doktor at nilapat ang ultrasound sa tiyan ni Ana.

Matapos ang ilang segundo…

“Kailan pa itong pagsakit ng tiyan mo?” pag-klaro ng doktor.

“Mga apat na araw na po ang nakakalipas, dok,” sagot ni Ana.

“Bakit, dok? May problema po ba?” tanong ni Martin.

At sinabi sa kanila ng doktor na kahit kanina pa siya naghahanap ng tibok ng puso ng fetus, ay wala siya nito. Ilang minuto pa ang lumipas at sinubukan pa nilang maghintay. Ngunit wala pa rin talaga.

Sinabi na ng doktor ang nakakalungkot na balita, na mahina masyado ang puso ng bata kaya’t hindi niya ito kinayanan.

Advertisement

Hindi maipaliwanag ng mag-asawa ang sakit na nararamdaman.

Tinanggap nila ang nangyari, ngunit tila’y nagkaroon na ng lamat ang kanilang relasyon.

Nagsimulang maging malamig ang trato ni Martin sa kanyang asawa. Madalas itong nasa labas, kasama ng mga kaibigan. O ‘di kaya’y palagi na lamang nag o-overtime sa opisina, para lamang makaiwas sa kanyang misis.

Napapansin ito ni Ana ngunit hindi na lamang nagsasalita. Para sa kanya, naiintindihan niya kung bakit tila may tampo ang kanyang asawa.

“Kumain ka na ba?” tanong niya pagdating ni Martin ng kanilang bahay.

“Oo. Sa opisina na ko kumain,” sagot ng mister.

“Ah ganun ba? Nagluto kasi ako ng paborito mo. Baka gusto mo ulit kumain?” sambit ni Ana.

“Ayoko, wala na akong gana kumain,” sagot ni Martin at mabilis na dumeretso sa kanilang kwarto para magpalit na ng pantulog na damit.

Advertisement

Mahinang umiyak mag-isa si Ana at sinigurado niyang hindi siya maririnig ng kanyang mister. Dahil naalala niya na noong isang beses siyang nakitang umiiyak ng asawa ay sinabihan lamang siyang ‘nag-iinarte’.

Mag-isang naghapunan si Ana. Nakatulala at mabagal ngumuya ng pagkain, napakalalim ng iniisip.

“Siguro kung nabuhay ang baby namin, okay pa sana kami ni Martin ngayon,” sambit niya sa kanyang isip.

At siya’y dahan-dahan ng tumabi sa mister sa kama. Buong akala niya’y tulog na si Martin kaya nagsimula na rin siyang pumikit at matulog.

Ngunit, si Martin pala ay nakatulala rin at nagiisip-isip pa.

“Sana kasi inaalagaan niya yung anak namin. Eh ‘di sana, buhay pa siya ngayon,” ani niya sa kanyang isip.

Inis na inis at iritable si Martin sa kanyang asawa. Madalas ay iniiwasan na niyang tingnan si Ana para hindi na lamang siya mainis rito.

Ngunit nang gabing iyon, dahan-dahang umupo ng kama si Martin at tinitigan ang natutulog na asawa.

Advertisement

Doon niya naisip kung gaano siya naging makasarili habang nakatingin sa asawa niyang namumugto na ang mata sa paniguradong gabi-gabing pag-iyak. Doon niya nakita na kung siya ay nahihirapan sa pagkawala ng kanilang anak ay mas nahihirapan parin ang kanyang misis dahil siya parin ang ina at nagdadala ng kanilang anak.

Doon niya naisip na hindi niya kaaway ang kanyang misis at mali ang ginagawang niyang pagtrato sa kanya.

Kaya naman sising-sisi si Martin at niyakap na mahigpit si Ana.

Kinabukasan…

“Good morning, mahal, breakfast in bed!” nakangiting bati ni Martin sa asawa.

“Hala, nag-abala ka pa,” ani Ana matapos makita ang napakasarap na inihain ng mister. “Anong mayroon?” tanong niya rito.

“Gusto kong humingi ng tawad sayo, Ana. Nakalimutan kong kung mas masakit sa akin ang pagkawala ng anak natin, mas masakit ito sayo, bilang isang ina. Simula ngayon, aalagaan kita ng sobra-sobra,” naiiyak na sabi ni Martin.

Hindi na nakapagsalita pa si Ana at niyakap na lamang ng mahigpit ang humihikbing mister.

Advertisement

At nang sila’y magkatinginang muli… “Kumain ka ng marami ha,” nakangiting sabi ni Martin.

“Bakit? Aalis tayo?” pag-tataka ni Ana.

“Hindi… Maghapon tayong susubok na makabuo muli ng bata,” nakangiting sabi ni Martin.

Natutunan ng mag-asawa na ang pinagdaanan nila ay hindi dahilan upang sumuko na lamang. Makaraan ang ilang subok, sa wakas ay nabuntis nang muli si Ana. Lubos namang inalagaan ni Martin ang asawa dahil sa maselan nitong pagbubuntis. Sa kabutihang palad, makalipas ang siyam na buwang pagdadalang-tao ay isinilang sa mundong ibabaw ang isang napakagandang sanggol.

Ipinangako ng mag-asawa na gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang anak na sa wakas ay ipinagkaloob na sa kanila.