Napagdesisyunan ng Magkakaibigan na Magbakasyon, Hindi Nila Akalaing Isang Misteryo Pala ang Masisiwalat sa Kanila

Isang araw ay may limang magkakaibigang nasa edad 18-20 years old ang napagpasyahang mag-outing. Holiday kasi at sayang ang long weekend kung sa bahay lang nila ilalaan ang bakasyon.

“Doon tayo sa Batangas, sa Lola ko!” suhestiyon ni Ryan na may pagpilantik ng mga daliri.

“Huwag na doon, dapat dun naman tayo sa lugar na di pa natin napupuntahan,” sabad ni Dennis habang nakaakbay sa kasintahang si Valerie.

“May alam ako,” misteryosong sabi ni Jojo habang nakatingin sa babaeng lihim niyang gusto, si Anna.

“Saan?” tanong ni Anna.

“Sa Baguio.”

Maagang bumiyahe ang magkakaibigan. Kanya-kanya silang tulog sa biyahe at pagsapit nila sa syudad ay excited agad silang namasyal.

Gabi na nang makaramdam sila ng pagod at mapagdesisyunang maghanap ng matutuluyan.

Advertisement

Naghanap sila ng bakanteng bahay at sa isang luma ngunit malaking paupahan sila dinala ng paghahanap.

“Parang nakakatakot naman ‘tong bahay na ‘to,” reklamo agad ng duwag na si Ryan.

“Huwag ka na magreklamo, ito na ‘yung pinakamura.

Agad silang nagtungo sa entrance ngunit sila’y nabigla nang walang tao sa cashier section.

“Oh my gosh!” biglang sigaw ni Ryan. May babae na palang humawak sa likod nito.

“Pasensya na hijo, nagulat ba kita?” tanong ng matandang babae.

“Hija po,” pagko-correct pa nito.

Tawanan silang magkakaibigan, maliban sa babae na walang reaksyon sa biro ni Ryan. Nalaman nilang Aling Doris pala ang pangalan ng matanda at ito ang cashier ng tutuluyan nila. Nagbayad sila at umakyat na sa second floor.

Advertisement

Medyo madilim sa loob ng bahay, nagpasya si Anna na magpahangin muna sa labas ng kwarto at doo’y nakita niya ang batang babae. Iniabot nito sa kanya ang isang lumang larawan.

Dahil madilim ay hindi niya masyadong maaninag ang litrato, nawala na rin agad ang bata. Pumasok siya sa loob at nakita siya ni Jojo.

“Ano ‘yan, Anna?” tanong nito.

“May nagbigay na bata.”

Dumating ang ibang kaibigan dahil sa pagka-curious sa litrato. Titignan palang nila ito nang may mga yabag silang nadinig. Isang matanda ang pumasok sa pinto.

“Anong ginagawa niyo dito?” tanong sa kanila ng matanda.

“Dito po kami magpapalipas ng gabi, manong.”

Kumunot ang noo nito, “Anong sinasabi niyo? Matagal nang ‘di pinapaupahan ang bahay kong ito.”

Advertisement

Gulat ang magkakaibigan, “Po? Eh may cashier po sa ibaba, Aling Doris daw ang pangalan.”

Lalong nagulantang ang matanda, “Pinagloloko niyo ba ako? Matagal nang patay ang asawa ko!”

Napasigaw si Ryan, kinilabutan naman ang magkakaibigan at hindi makapaniwala sa kanilang mga naririnig. Inilawan ni Anna ang litrato, naroon si Aling Doris, isang bata at isang lalaki.

“Sayo po ba ito?” binigay ni Anna ang litrato sa matanda. Napaluha ito, “Oo, ito ang pamilya ko. Matagal na silang patay. At mag-isa nalang ako sa buhay. Dati naming pinapaupahan sa mga bakasyunista ang bahay na ito. Ngunit sa kasamaang palad ay bakasyunista rin ang pumatay sa mag-ina ko.”

“Umalis na kayo, palagi silang nagpaparamdam sa tuwing may mga bakasyunistang dumarayo rito. Marahil ay hindi pa rin sila natatahimik dahil biglaan ang pagkawala nila.”

Simula noon ay hindi na nagbalik pa ang magkakaibigan sa lugar na iyon. Pinilit nilang ibaon sa limot ang nakakakilabot na pangyayari sa kanilang buhay. Sa kabila nun ay naging matatag pa rin ang pagkakaibigan ng lima, ngunit imbes na maghanap ng adventure ay inilalaan nalang nila ang libreng oras sa mga volunteer activities.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.