Babaeng Sobrang Lakas at Kinakaya ang Lahat, Natibag at Napalambot ng Baguhang Lalaki

“O ayan! Iiwan na kita! Tingnan natin kung gaano ka kagaling ngayong mag-isa ka na lang dito,” bulalas ni Jackie.

“Finally nagsalita ka na at hindi mo na ‘ko pinaplastic. ‘Wag kang mag-alala. I’m sure walang mag-iiba sa pag-alis mo dahil kahit nandito ka eh parang wala ka rin naman. At kahit parehas tayo ng posisyon ay ako pa nga ang nagdidikta ng mga dapat mong gawin kasi hindi mo alam ang trabaho mo,” buwelta ni Vivian.

Hindi nakapagsalita sa kahihiyan si Jackie kaya siya ay agad na lang na umalis ng opisina dala-dala ang kaniyang mga kagamitan.

Makalipas ang isang linggo ay ipinatawag si Vivian ng upper management upang ipakilala si Carlo na pumalit sa puwesto ni Jackie.

Malugod na tinanggap ni Vivian sa kanilang kumpaniya bilang kapareha niya ng posisyon si Carlo. Ngunit dahil alam niyang baguhan pa lang ito sa kanila at marahil ibang sistema ang nakasanayan nito sa dating pinagtatrabahuhan ay hinanda na ni Vivian ang sarili na muling umalalay sa kasamahan niyang bisor ng kumpaniya.

Kinahapunan, noong kinakausap ni Vivian si Carlo patungkol sa sistema nila sa kumpaniya ay agad nang may hindi napagkasunduan ang dalawa. Nagkatinginan ang mga trabahador sa gulat sapagkat ngayon lamang may kumontra at nakipagdiskusyon ng ganoon kay Vivian. Nasanay sila na halos lahat doon ay puro ‘oo’ lamang rito kahit ang ibang may mga matataas na posisiyon sa ibang departamento.

Nang mapansin ni Vivian na pinagtitinginan sila ng mga kasamahan sa trabaho at bagamat tungkol sa pamamalakad sa mga tao at mga ideya tungkol sa kanilang mga produkto ang kanilang pinagdidiskusyunan ay inanyayahan ni Vivian si Carlo na mag-usap sa kanilang opisina.

“Look Carlo, alam kong parehas tayo ng posisyon at karapatan mong magbigay ng mga ideya at pakialaman ang mga ganitong bagay rito. Pero sana maintindihan mo na may mga bagay sa dating mong pinagtatrabahuhan na hindi mo puwedeng i-apply dito,” ang sabi ni Vivian.

Advertisement

“Look Vivian, alam kong mas matagal ka na rito kaya mas alam mo ang pasikot-sikot dito. Pero sana rin maintindihan mo na may mga bagay na kailangang baguhin dito na ikakabuti rin naman ng kumpaniya,” buwelta ni Carlo.

Nagkatitigan nang masama ang dalawa. Napatigil lamang sila nang biglang pumasok sa opisina ang kanilang boss upang sila ay muling kausapin.

Lumipas ang panahon at mas naging madalas na nagkakaalitan at hindi nagkakasundo sa trabaho sina Vivian at Carlo dahil sa magkaiba ang kanilang mga pananaw at mga ideya.

Pakiramdam ni Vivian ay masyadong idealistic si Carlo kaya hindi niya maipagkatiwala at maiasa rito ang karamihan sa kanilang trabaho bagkus ay inaako niya na lang ang mga ito. Pakiramdam naman ni Carlo ay nahahadlangan siya ni Vivian sapagkat hindi siya pinaniniwalaan at pinagkakatiwalaan nito dahil sa pagiging makaluma nito at ayaw na sumubok ng mga bagay na hindi nito nakasanayan kahit na maari itong makabuti sa kanilang lahat sa kumpaniya.

Isang araw ay nagkaroon ng problema sa kanilang kumpaniya. Bagamat nakasanayan na ni Vivian na siya ang pumapalagitna sa upper management at mga trabahador ay siya na ang humarap at kumausap sa mga tao.

Sa kasamaang palad ay hindi maganda ang kinahahantungan ng kanilang pag-uusap kaya nang mapansin ni Carlo na naiipit na sa usapan si Vivian ay ipinagtanggol niya ito sa kanila.

Ikinagulat ito ni Vivian. Hindi niya akalaing gagawin ‘yun ni Carlo para sa kaniya lalo na at madalas silang magkaalitan. Sa kaniyang pagtataka ay tinanong niya si Carlo kung bakit siya tinulungan nito nang makabalik na sa puwesto ang mga tao na sinagot naman nito:

“Hindi ba dapat? Nakita kitang problemado at umiiyak sa may fire exit bago harapin ang mga tao. Kaya sa tingin ko ay kailangan mo ng tutulong sa’yo.”

Advertisement

“Siguro deep inside ay pinagtatawanan mo ko dahil natalo mo ako ngayon. Sa tingin mo mahina na ako dahil lang nakita mo akong umiiyak? So gagamitin mo na ‘yun against me?” ang sabi ni Vivian.

“Ha? Hindi. Hindi ko ‘yun nakita bilang kahinaan mo. Siguro nagulat lang ako kasi kilala ka ng lahat bilang may strong personality, to the point na para ka nang hindi tao sa sobrang cold at strong mo. Pero dahil kanina, nakita kong tao ka pa rin pala at may nararamdaman,” tugon ni Carlo bago ngitian si Vivian at bumalik sa trabaho.

Lumipas ang mga araw at nabawasan ang pag-aalitan ng dalawa patungkol sa trabaho. Naging mas mapagbigay at mapag-unawa ang dalawa sa bawat isa kaya naman magaan na ang pakikipag-usap nila sa bawat isa.

Isang araw ay napansin ni Carlo na problemado si Vivian buong araw kaya naman sinundan niya ito pauwi at nakita sa isang bar na umiinom nang mag-isa. Hindi niya na ito nilapitan. Pinagmasdan niya na lamang ito sa isang tabi upang hayaang mapag-isa. Ngunit nang mapansin ni Carlo na napaparami na nang inom si Vivian ay dun niya ito nilapitan at inalok na ihatid sa bahay.

Nagulat si Vivian nang makita si Carlo. Bigla siyang nahiya at tinanggihan ang alok ni Carlo bago muling ipinagpatuloy ang pag-inom. Pilit na kinumbinsi ni Carlo si Vivian na tumigil na sa pag-inom hanggang sa napapayag niya ito.

Sa kanilang paghihintay ng masasakyan ay naupo muna sila sa isang tabi. Sa tagal nang paghihintay ay napaisip si Vivian hanggang sa bigla na lang siyang naiyak. Nasabi niya ang pinoproblema niya sa bahay at trabaho.

“Pagod na pagod na ko sa buhay ko. Para bang lahat na lang, ako. Puro na lang ako. Kailan ba mayroong tatayo para sa akin na maaasahan at masasandalan ko?” ang sabi ni Vivian.

“Kung bubuksan mo ng maigi ung mga mata mo at titingin ka sa paligid mo… makikita mo,” sagot ni Carlo.

Advertisement

“Ha? Wala naman akong makita. Lahat na lang nang nakikita ko eh mga taong intimidated sa akin,” ang sabi ni Vivian.

“Tingin mo pati ako intimidated sa’yo?” tanong ni Carlo.

“Well, actually except for you. Ang lakas nga ng loob mong kontrahin ako kahit na baguhan ka lang sa company eh,” tugon ni Vivian.

“So, papasa kaya ako?” tanong ni Carlo.

Hindi ito naunawaan ni Vivian kaya muling ngsalita si Carlo:

“To be your man?”

Nanlamig si Vivian at napatitig sa tanong ni Carlo. Hindi niya ito inaasahan.

Sa pagkakatitigan ng dalawa ay hahalikan na sana ni Carlo si Vivian nang bigla itong nasuka sa kalasingin at nawalan na nang malay.

Advertisement

Kinabukasan ay nagising si Vivian sa isang kuwarto. Hindi niya ito kuwarto kaya siya ay nabahala. Bigla niyang naalala ang pagtatapat ni Carlo at ang pagsuka niya ngunit wala na siyang maalala matapos nun. Napansin niya ring iba na ang suot niyang damit kaya siya ay maiiyak na sana nang biglang may kumatok at pumasok na matandang babae.

Nagpakilala ito bilang ina ni Carlo at ang nagpalit ng kaniyang mga damit dahil nadumihan ito sa kaniyang pagsuka. Biglang nahiya si Vivian at humingi ng dispensa sa abalang nagawa niya.

“Naku anak, ‘wag mo nang intindihin ‘yun. Wala lang ‘yun. Basta mahalaga sa anak ko, mahalaga na rin sa akin,” panunukso ng ina ni Carlo.

“Nanay!” pagsingit ni Carlo na narinig ang sinabi ng ina mula sa pinto.

“Akala ko ba umamin ka na kagabi?” pang-aasar ng ina sa anak bago lumabas ng kuwarto.

“Pagpasensiyahan mo na si Nanay ah. Kumusta ka na? Baka gutom ka na? Naghanda na ‘ko ng agahan natin. Tara na sa baba,” pag-aya ni Carlo kay Vivian bago hawakan ang kamay nito at samahan palabas ng kuwarto.

Sa gulat ni Vivian ay bigla siyang namula at sumunod na lamang kay Carlo upang makapag-agahan.

Mula noon ay niligawan at binakuran na ni Carlo si Vivian. Doon unang naranasan ni Vivian na maalagaan ng ibang tao at sumunod lamang sapagkat nakasanayan niya na parating siya ang nagdidikta at kumikilos para sa kaniyang pamilya at sa trabaho bago dumating si Carlo sa kumpaniya.

Advertisement

Bandang huli ay napagtanto ni Vivian na hindi niya kayang pasanin ang lahat ng bagay sa mundo kaya natuto siyang pagkatiwalaan ang ibang mga tao sa mga obligasyon na inako niyang lahat noon.

‘Di kalaunan ay sinagot na ni Vivian si Carlo. Naging katuwang niya ito sa paggawa ng mga desisyon at naging sandalan sa buhay na matagal niya nang inaasam.

Makalipas ang ilang taon ay ikinasal sila at namuhay nang masaya kapiling ang dalawa nilang mga anak.