Isang Estudyante ang Panay ang Pagliban sa Klase, Hindi Pala Kapanipaniwala ang Kaniyang Hanapbuhay

“Hazel, sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa akin? Kasi napapansin ko simula nung tumuntong ka sa ika-apat na taon ng hayskul ay saka naman mas dumami ang pagliban mo sa klase. Ano ba talagang mayroon?” tanong ni Ginang Ada, isang guro.

“Naku, ma’am, pasensiya na po talaga kayo. Ako kasi ang laging nag-aalaga sa bunsong kapatid ko at ako rin ang nagpapaturok sa center tapos ayon palaging nilalagnat kaya naman sunod-sunod at buwan-buwan din po halos ang pagliban ko. Hayaan niyo, mam, hindi ko naman po pinababayaan ang mga pagsusulit ko,” magalang na sagot naman kaagad ni Hazel dito.

“Ayon na nga, alam mo, maganda ang performance na ipinapakita mo sa klase ko pero palagi kang pumapalya pagdating sa attendance. Paano kita gagawing honor student niyan?” tanong muli ng guro.

“Ma’am, ayos lang po sa akin na hindi maging honor basta pumasa at makapagtapos lang. Siya, ma’am, aalis na po ako at hinihintay na po ako ng mama ko,” paalam pang muli ni Hazel at hindi na niya ito napigilan pa. 

Halos tatlong taon ding tumigil si Hazel sa pag-aaral ng hayskul bago niya naituloy ito at ngayon na nasa huling taon na siya ay labis na kahanga-hanga ang ipinapakita nitong galing sa klase. Kaya naman nag-aalala si Gurong Ada dahil baka nahihiya siya sa mga kaklase kaya ito lumiliban. Bukod sa matangkad ito ay bente dos anyos na rin ang babae na siyang pinagsisimulan ng tukso sa eskwela. Napapansin pa niyang buwan buwan itong nawawala sa palaging magkaparehas na petsa kaya naman para makasigurado na hindi lamang ito gumagawa ng kwento ay sinundan niya si Hazel.

Noong una ay napagalaman niyang nagsisinungaling lamang ito tungkol sa nakababatang kapatid dahil ang totoo’y siya na ang bunsong anak ng kaniyang magulang. Hinanap niya ang mga magulang ni Hazel nang siya ay magpunta sa bahay nito ngunit may nakapagsabing nakakulong daw ang ina nito dahil sa pagkakasangkot sa pinagbabawal na gamot at ang amain naman ay siyang pinaghahanap ngayon ng batas dahil sa pagtakas.

“Hay, Lord, hindi ko alam kung paano ko tutulungan si Hazel. Sana po malaman ko ang totoo kung bakit siya laging nawawala sa klase dahil sayang naman ang talino ng bata,” dasal ni Gurong Ada at hindi pa rin niya sinukuan ang pagsunod dito.

Hanggang sa nasundan niya ito sa ospital at alam niya na hindi normal na sakit ang ipinatingin ng bata kaya naman dali-dali niyang nilapitan ito na nakaupo sa isang sulok.

Advertisement

“Hazel, buntis ka ba? May nanamantala ba sa’yo? Kailangan mo ba ng tulong? Bakit ka nandito saka bakit ka nagpatingin ng para sa mga ganiyang klase ng sakit?!” bulalas ng guro sa dalaga.

“Ma’am, paano niyo po nalaman na nandito ako?” gulat na tanong nito sa kaniya.

“Pasenysa ka na, Hazel, na sinundan kita kasi nag-alala ako sa’yo. Alam kong gawa-gawa lang ang kwento mo kaya naman gumawa ako ng paraan para malaman kung ano ba talaga ang pinagdaraanan mo. Hazel, nandito ako, pwede ka sa akin magsabi,” naiiyak na sabi ni Gurong Ada sa kaniya.

Napangiti naman si Hazel sa kaniya at hinawakan ng kamay ng guro.

“Ma’am, salamat po at ang bait niyo sa akin,” unang wika ni Hazel at buong pusong naghintay si Ada na magsalita ito.

“Negative naman po ako,ma’am, wala po akong sakit. Kailangan ko lang po kasing gawin ito kasi ito po ang hinihingi sa trabaho,” siwalat ni Hazel sa kaniya na hindi lubos maunawana ng babae.

“Gumagawa po kami ng p*rn*gr@pya, ma’am,” maiksing siwalat pa ni Hazel na siyang ipinanglaki ng mata ni Ada.

“Wala na po kasi akong mahanap na trabaho na may malaking sweldo. Gusto ko po kasing mag-ipon ng pera para makalaya na ang mama ko kaya naman nung may mag-alok sa akin ng trabahong ito ay tinanggap ko na po. Mas maganda na ito kaysa maging bayaran akong babae, hindi po ba? Itong ginagawa ko ngayon ay palabas lang, para lang sa palabas,” naiiyak pang dagdag ni Hazel sa kaniya.

Advertisement

“Bawal ‘yan, Hazel, at isa pa, delikado! Paano kung mahawaan ka ng sakit! Saka isa pa, paano ang puri mo?! Diyos ko!” naiiyak na sabi ni Gurong Ada at kaagad na niyakap ang dalaga.

Sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang pangungulila ni Hazel sa pag-aaruga ng isang magulang. Alam niya na kahit may edad na ito ay mas nangingibabaw ang lungkot, hinagpis at hirap na nararamdaman ng dalaga sa mga oras na iyon. 

Noong una ay ayaw pang ipagbigay alam ni Hazel sa mga awtoridad ang kaniyang gawain dahil hindi naman raw siya pinilit hanggang sa napaliwanagan ni Ada na hindi ito ang tamang gawain. Kaya naman hindi nagtagal ay nasagip si Hazel at ang iba nitong kasamahan sa kal@swaang ginagawa sa kanila. Habang si Hazel naman ay inalagaan ng himpilan ng DSWD at dumaan sa mga gamutan upang maliwanagan pa ang kaniyang kaisipan. Tinulungan din nila ang kaniyang ina na hindi rin makapaniwala sa sinapit ng kanyang anak. 

Ngayon, sa awa ng Diyos ay nasa maayos na kalagayan na si Hazel at muli niyang itinuloy ang kaniyang pag-aaral. Sa huli, napagtanto niya na palaging mayroon pang pag-asa kahit gaano kahirap ang sitwasyon dahil may mga gagamitin ang Panginoon para ipakita ang liwanag sa buhay ng tao at sa kaniyang sitwasyon, malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang guro na hindi sumuko para lamang matulungan siyang maituwid ang kaniyang landas.