Nagtataka na si Mister sa mga Patagong Kilos ni Misis, Ano nga Kaya ang Lihim ng Babae?

Nagtataka na si Mister sa mga Patagong Kilos ni Misis, Ano nga Kaya ang Lihim ng Babae?

FamilyFunStories

Mag-iisang taon na ang anak nila Sheena at Allan na si April ngayong buwan ng Abril at mag-iisang taon na rin na walang trabaho ang misis niya upang alagaan ang kanilang anak. Alam niyang naging napakahirap nito lalo na sa kaniyang asawa, marami itong pinagbago sa pag-uugali at pisikal na anyo. Wala namang problema doon ang lalaki ngunit may napapansin lang siyang kakaiba ngayon sa kaniyang misis.

“Pare, hanggang kailan ba ‘yung post-partum

“Naku, kung hanggang kailan yata nila gusto!” natatawang sagot naman ni Erwin sa kaniya.

“Kakaiba kasi si misis nitong mga nakaraang linggo. Medyo tumitigil na siya sa kakaiyak ng wala namang dahilan at medyo kinakausap na rin niya ang mga kaibigan niya dati pero hindi ko alam kung post-partum

“Bakit hindi mo nalang kuhanin ang telepono niya at diretsong tanungin si kumare kung anong mayroon? Pwede naman nating gawin ‘yun, asawa naman na nila tayo. Hindi na uso ang privacy pagkatapos ng kasal!” suhestiyon ni Erwin sa kaniya.

“Hindi kasi pwede, pare, noon pa man hindi na kami nagtitinginan ng telepono kasi nga may tiwala naman kami sa isa’t isa. Isa pa, hindi ko rin naman kinahiligan ang bantayan siya. Kaya lamang ay nagtataka ako sa mga palihim niyang paggamit at pagdadala ng telepono na para bang may tinatago sa akin. Mamaya parte lang pala ito ng post-partum

Dahil may natitira pang oras sa kaniyang breaktime ay tiningnan na muna niya Facebook ng kaniyang asawa. Mabilis na nahagip ng kaniyang mata ang paglike ng dati nitong nobyo sa bagong post ni Sheena.

“Iba na ‘to, mukhang kailangan ko nang magsalita,”

Malaki na ang naging pinagbago ni Sheena simula nang manganak ito kaya naman natutuwa si Allan na muling nanunumbalik ang sigla ng kaniyang misis, kaya lamang ay kinakain na siya ng mga paghihinala.

“Babe, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong tinig ni Allan nang makauwi ang lalaki.

“Oo naman, ano ‘yun?” mabilis na sagot ni Sheena sabay baba sa teleponong hawak niya at itinago ito. Napapikit naman kaagad si Allan sa kaniyang nakita at pilit na kinontrol ang sarili.

“Anong tinatago mo sa’kin?” diretsong tanong niya sa asawa saka ito napahawak sa kaniyang sentido. 

“Ha?” sagot naman ni Sheena sa kaniya.

“Akin na ang telepono mo,” utos ng lalaki.

“Anong mayroon at bakit mo titingnan ang telepono ko?” mataray na sagot ng babae sa kaniya.

“Alam kong nag-uusap kayo ng ex mo ulit. Nakita kong ni-like niya ang status mo sa Facebook. Alam ko rin na kaya ka nagkaroon ng password sa selpon mo ay dahil sa kaniya, kaya mo rin laging bitbit ‘yang telepono mo para itago sa akin ang lahat!” baling ni Allan. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na maging kalmado sa mga oras na iyon.

“Kaya ibigay mo na sa akin ‘yang telepono mo! Akin na!” dagdag pa nito saka inambahan ang kaniyang misis upang makuha ang telepono sa likuran ng babae.

“Saglit lang! Babe!” sigaw naman ni Sheena na siyang kinagulat ni Allan.

“Post-partum

post-partum

“Ano bang pinagsasabi mo?!” singit naman kaagad ng misis niya.

“Huwag mo nang itago sa akin, nahuli na kita. Alam ko na lahat ngayon!” bulyaw pang muli ni mister.

“Patawarin mo ako,” mahinang sagot ni Sheena sa kaniya at saglit na natahimik ang dalawa.

“Pwede na ba akong magpaliwanag ngayon?” tanong ng babae makalipas ang ilang minuto nilang pananahimik. Tumango naman ang lalaki na ngayon ay kalmado na.

Kinuha ni Sheena ang kaniyang telepono at ibinigay sa kaniyang asawa. Ayan ang dahilan kung bakit ko palaging dala ang telepono ko.

“Ano ‘to?” naguguluhang tanong ni Allan sa kaniya.

“Korean nobela! K-drama! Ayan ang kinahuhumalingan ko ngayon at kaya naman bitbit ko ‘yan sa banyo, kasi sa banyo lang ako nakakapanood ng maayos. Doon lang ako may oras para sa sarili ko. Halos oras-oras kong kasama ang anak mo, minu-minuto, kaya naman hindi ako nakakapanuod ng maayos. Hindi ko sinabi sa’yo at kaya ko tinago sa’yo ang telepono ko ay dahil baka pagtawanan mo lang ako, sabihin mo na bakit ganun ang pinapanuod ko. Patawarin mo ako, babe,” paliwanag ni Sheena sa kaniya.

“Ito lang ‘yun lahat? Ano ‘yung paglike nung dati mong nobyo sa post mo?” tanong niyang muli sa misis.

“Diyos ko! Bading na ‘yung nobyo ko dati kaya wala kang dapat pagselosan doon at K-drama fanatic din kasi siya! Tsaka isa pa wala kang dapat pagselosan na kahit sinong lalaki dahil sumumpa akong ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay,” saad muli ni Sheena saka niya niyakap ang asawa.

Natatawa man ngunit ngayon mas lalong naiintindihan ni Allan ang mga pagbabago ng kaniyang asawa. Alam na niya ngayon ang kahalagahan na pagbigyan si Sheena na magkaroon ng payapang oras kahit sa banyo lamang. Ngayon din niya mas nakikita na ang post-partum

Sa kabilang banda naman ay wala nang itinago pa si Sheena sa kaniyang mister at mas nakikita rin ni Allan na sumasaya ang kaniyang misis sa mga maliit na bagay na binibigyan niya ng suporta katulad na nga lang ng panunuod ng korean nobela. Kahit pa nga nagpupuyat pa ang babae matapos lamang ang mga palabas na hindi naman niya naiintidihan ang lenggwahe.

Alam niya ngayon na gumagaling na talaga ang kaniyang misis mula sa panganganak. Mas masigla na ito at mas masaya ang kanilang pamilya. Hindi lamang dahil sa mga palabas na kinahuhumalingan nila kung ‘di dahil sa mas naiintindihan na niya ngayon ang suportang kailangan ng babae sa ganitong panahon.

More Stories