Napakaswerte ng Bagong Guro dahil Isang Napaka-importanteng Tao ang Una Niyang Estudyante

Isang taon na ang nakalipas nang magtapos bilang guro si Annalyn, ngayon ay naghihintay na lamang siya ng Licensure Examination for Teachers (LET) at kapag naipasa niya iyon ay maaari na siyang mag-apply sa mga pampublikong paaralan. Habang naghihintay ay nagtuturo muna siya sa isang pribadong paaralan upang kahit papaano ay makatulong naman siya sa kanyang nanay, may edad na rin kasi ang ginang at mag isa siyang binubuhay dahil maagang pumanaw ang kanyang ama.

Excited niyang inilapag ang isang papel sa ibabaw ng mesa, katabi noon ang libro, lapis at pambura. Hinihintay niya na lamang dumating ang kanyang estudyante. Saglit siyang sumulyap sa orasan, maya maya pa ay nakarinig na siya ng yabag, tiyak niyang dumating na ang student nya.

“Hello Ma’am, pasensya na po at nahuli ako,” sabi ng estudyante. Napangiti naman si Annalyn, ang sarap sa pakiramdam na isa na siyang ganap na guro. Araw ng Sabado ngayon pero may tutor siya.

“Sige na, magsimula na tayo,” sabi niya rito at sinenyasan itong maupo na sa tabi niya.

Ibinigay niya rito ang isang lapis, at medyo tinantya nito ang tamang paghawak roon. Iginiya niya ang estudyante, tinulungan ito.

“Sige nga, sa pagbasa muna tayo. Ito ang A BA KA DA, kapag itinuro ko subukan mong basahin ha,” masuyong sabi niya. Isa-isa niyang itinuro ang mga letra na inihanda na niya kanina pa.

“A..BA..K-KA,” sabi nito, medyo nahihiya.

“Sige lang, tuloy lang. Ang galing!” napapalakpak pang sabi niya. Dahil doon ay lumakas ang loob ng estudyante at itinuloy ang pagbabasa.

Advertisement

“D-DA..E..E? GA..H-HA,” tuloy nito. Hirap na hirap ito pero natapos nito ang alpabeto. Makalipas ang ilang minuto ay inayos ni Annalyn ang pagkapatong ng papel sa ibabaw ng mesa.

“Subukan naman nating isulat ang pangalan mo,” sabi niya rito. Tila na-excite ang estudyante at sinimulan agad ang pagsusulat, medyo madiin ang pagkasulat nito ng lapis kaya bahagyang nabutas ang papel.

“Dahan dahan lang, gaanan mo lang.” paalala niya rito. Sumunod naman ang estudyante, dahan-dahan, naisulat nito ang RUBY. Napangiti si Annalyn, sanay na talaga ito pagdating sa first name, siguro ay apelyido nalang ang kailangan pa nilang praktisin. Ganito sila lagi ng estudyante, nahihiya ito at nahihirapan, samantalang pursigido naman si Annalyn at palaging pinalalakas ang loob nito.

Lumipas pa ang ilang mga araw, nasa parehong pwesto sila at inaaral namang isulat ang apelyido nito. Habang nagsusulat ang estudyante ay kumakain naman si Annalyn ng turon na niluto ng kanyang ina, ang sarap talaga. Ang laki ng paghihirap sa kanya ng ina, buong buhay nito ay iginugol na lamang sa pag aalaga at pagmamahal sa kanya. Kung kinakailangang gumapang sa putik ay ginawa na siguro nito kaya ganoon na lang ang iyak nito nang makita siyang sinasabitan ng medalya at binibigyan ng diploma sa kanyang graduation.

Iyak rin siya ng iyak noon. Kahit pa lumaki siyang walang ama, kailanman ay hindi ipinaramdam sa kanya ng ina na may kulang. Hindi man nito maibigay ang lahat ng materyal, kumpleto naman siya sa pagmamahal.

“Tapos na!” masayang sabi ng kanyang estudyante kaya nagising siya sa malalim na pag-iisip.

“Patingin nga,” nakangiting sabi niya.

RUBY JARIN

Advertisement

Ang galing, tapos na nga. Kahit mahirap, nagawa nito. Proud na proud siya kaya nayakap niya ang estudyante, naluluha naman ang huli.

“Ang galing mo..Nanay.” bulong niya rito.

Ang kanyang unang estudyante ay walang iba kung hindi ang kanyang ina. No read no write ito kaya hindi naging madali ang humanap ng trabaho nang mamatayan ng asawa, tanging first name lamang ang alam nitong isulat at puro iyon lang ang pirma nito sa lahat ng report card ni Annalyn sa school. Kaya naman sumumpa ang dalaga, na kapag nakapagtapos siya ay ibabalik niya sa ina lahat ng sakripisyo nito.

Di napapagod si Annalyn kahit pa mahirap na matuto ang kanyang nanay, tinutukan niya ito. Nagsusulat ito, habang nagrereview siya. Sumapit ang araw ng exam at nakapasa si Annalyn, sa wakas ay may lisensya na siya at maari nang magturo. Napatayuan niya ng tindahan ang kanyang ina na hindi nagtagal ay napalago nila sa isang grocery.

Makalipas ang ilang taon ay nakapag-asawa rin si Annalyn pero di niya iniwan si Aling Ruby. Mabait ang kanyang mister at naiintindihan nitong hindi niya maaaring iwanan ang kanyang ina. Masayang masaya ang ginang dahil napakaswerte niya sa anak, katwiran naman ni Ruby, wala pa sa kalahati iyon ng lahat ng nagawa ng kanyang ina para sa kanya.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.