Sa Kagustuhang Magkaanak ng Babae ay Nakipagniig Siya sa Di Kilalang Lalaki, Bukod sa Anak ay Mayroon pa Pala Itong Maibibigay sa Kanya

Gustung-gusto ni Maita na mabuntis na sa edad niyang treinta y tres anyos ngunit palagi na lang siyang nabibigo. Marami na siyang ginawang paraan para magkaanak. Sinubukan rin niya ang artificial insemination na ginastusan niya ng malaking halaga ngunit wala pa ring nangyari.

Nakailang failed relationship na din siya sa mga naging nobyo. Para sa kanya, sa edad niya ay hindi na mahalaga kung may katuwang siya o wala. Ang gusto lang niya ay magkaroon ng sariling anak na aalagaan at mamahalin niya.

“Bakit hindi ka pa kasi mag-ampon, friend?” wika ni Jinky.

“Option ko na rin iyan, pero pinag-iisipan ko pa! Mas gusto ko kasi na sa akin manggagaling ang bata,” aniya.

“Naku, kung pag-iisipan mo pa, e baka hindi ka na magkaroon ng anak niyan!”

“Sana kasi naisip ko nang magpabuntis nung mas bata-bata ako, sana ay mayroon na akong anak ngayon!”

“Subukan mo kaya ulit ang natural na paraan friend,” payo pa ng kaibigan.

“Natural na paraan, tapos failed relationship na naman?”

Advertisement

“Hindi mo naman kailangan na magkaroon ng karelasyon, semilya lang ang kailangan mo,” anito.

Napakunot ang noo ni Maita sa sinabi ng kaibigan.

“Ano ba iyang naiisip mo? Ayoko namang manloko ng tao!”

“Ano ka ba, maraming lalaki diyan na willing ibigay ang pagkalalaki nila sa natural na paraan, pag-isipan mo!”

Pinag-isipan ni Maita ang payo ni Jinky na humantong sa isang desisyon.

Nakipag-blind date siya sa iba’t ibang lalaki at inalok niya ang mga ito sa gusto niyang mangyari. Hanggang isang lalaki ang napapayag niya.

“Deal! Ready na ako anytime, no strings attached!” wika ng lalaking kausap.

“Sigurado ka?”

Advertisement

“Yes! Ano, game?”

Napalunok ang babae sa pinakitang kapusukan ng lalaking kaharap.

“Okay, game!”

Humantong sila sa pinakamalapit na motel. Sa una ay nagkakahiyaan pa ang dalawa ngunit di nagtagal ay naging komportable rin sila sa isa’t isa hanggang sa nangyari na nga ang umaatikabo nilang labanan sa kama.

Matapos na makaraos ay nagmamadaling nagbihis si Maita at lumabas sa motel. Hindi niya namalayan na nahabol siya ng lalaki.

“Miss, sandali!” sigaw nito.

“Bakit?”

“Anong number mo?” tanong nito sabay abot ng cellphone.

Advertisement

“Hindi natin kailangang magkaroon ng komunikasyon!”

“Ang sa akin lang naman ay kung hindi tayo makabuo, puwede tayong magkaroon ng round two di ba?”

“Sige! Tatawagan na lang kita kapag di nakabuo, a! Ikaw na lang ang magbigay ng number mo sa akin.”

Lumipas ang isang buwan, ngunit wala pa ring nangyari, hindi pa rin siya nabuntis kaya agad niyang tinawagan ang lalaki at nagkaroon sila ng round two hanggang round three. Lahat ng posisyon ay ginawa nila hanggang sa dumating din ang pinakahihintay niyang araw.

“This is it! Sa wakas, magkakaanak na ako!” masayang wika ni Maita nang makita ang resulta ng pregnancy test.

Mula nang mabuntis siya hanggang sa makapanganak ay kinalimutan na niya ang lalaki at pinutol na ang komunikasyon rito. Nagpalit rin siya ng numero sa cellphone.

Mag-isa niyang pinalaki ang anak niya hanggang sa tumuntong ang bata sa ikalima nitong taon.

Habang pinapakain niya ang anak ay may itinanong ito sa kanya.

Advertisement

“Nay, nasaan po si tatay?”

Hindi agad nakasagot si Maita. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita.

“Wala man si tatay, pero nandito naman ako, e! Nandito si nanay at mahal na mahal kita!”

Ngunit isang araw, isang hindi inaasahang bisita ang kumatok sa pinto ng bahay niya. Nang malaman kung sino iyon ay para siyang nakakita ng multo.

“Ikaw?” gulat na sabi ng babae.

“Kumusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita, a! Gumawa talaga ako ng paraan para mahanap ka, Maita!”

“Ano pang kailangan mo at paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ay nahanap na din kita,” wika ng lalaki.

Advertisement

“Malinaw naman ang napag-usapan natin di ba? Sabi mo nga no strings attached!”

“Oo nga, pero mula nang may nangyari sa atin ay hindi ka na nawala sa isip ko. Mahal na kita, Maita!” pag-amin pa ng lalaki.

Hindi makapaniwala ang babae sa sinabing iyon ng lalaki.

“Gusto kong makapiling ka at ang anak natin!”

“Paano mo nalamang…”

“Sabi mo na kapag pinutol mo ang komunikasyon natin ibig sabihin ay nakabuo na tayo. Matapos ang round three natin ay hindi ka na nakipagkita sa akin. Hindi mo na rin sinagot ang ang tawag at text ko. Nag-iba ka rin ng numero sa cellphone mo. Ibig lang sabihin ay…”

Hindi na napigilan pa ni Maita ang luhang dumaloy sa kanyang mga mata.

“Oo, nakabuo tayo! Limang taong gulang na siya ngayon, si Nathan!”

Advertisement

“Talaga?” napaiyak na rin ang lalaki.

“Gusto kong alagaan kayo ng anak natin. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maging ama sa kanya. Isang pagkakataon na maging mabuting ama sa anak natin.”

Bumigay na ang emosyon ni Maita at tuluyang niyakap ang ama ng kanyang anak.

“Umasa ako noon na makakahanap ako ng lalaking magmamahal sa akin pero hindi iyon natupad. Ngayon, hindi ko inakala na ang lalaking nagbigay sa akin ng pag-asa na magkaroon ng anak ay siya ring tutupad sa pangarap kong magkaroon ng taong tatanggap at magmamahal sa akin! Inaamin ko, mula nang makilala kita ay hinanap-hanap ko na ang amoy mo, ang mga halik mo, mga yakap mo sa akin. Mahal na din kita, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ang gusto ko lang naman nung una ay ang semilya mo,” aniya.

Lalong kumawala ang kanilang emosyon nang magsimulang maglapat ang kanilang mga labi. Halik na mayroong pagmamahal, matagal iyon, dahil puno ng pananabik.

Dahil sa kagustuhang magkaanak ay napagdesisyunan ng babae na makipagniig sa lalaking nakilala lang niya sa blind date. Hindi rin niya inasahan na di lang pala pinangarap na anak ang magkakaroon siya kundi isang tunay na pag-ibig. https://cms.indaytrending.com/stories/no-strings-attached/

Mayamaya ay kusang bumitaw sa kanilang pagkakasugpong si Maita.

“Teka lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo?” sabi niya rito.

Natawa ang lalaki dahil ngayon lang niya tinanong ang pangalan nito gayong nakailang beses na silang nagniig.

Advertisement

“I’m Christian!” anito.

Iyon na ang simula ng happily ever after ni Maita. Ang pangarap niyang maging instant mother ay natupad na may kasama pang instant future husband.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!