Nagpanggap ang Babae na Mabait Para Magpasikat sa Lalaking Gusto Niya, Sa Bandang Huli ay Lumabas Rin ang Tunay Niyang Kulay

Nasa huling taon na ng kolehiyo si Kylie, kumukuha siya ng kursong Business Management. Araw araw ay inspired siyang pumasok dahil malapit lamang sa building nila ang room ng kanyang crush, si Enzo. Kumukuha ang lalaki ng kursong Information Technology at ilang beses niya na rin itong nakasama sa mga school activities kaya kilala na siya nito. Masama ng ugali ng dalaga, mahilig siyang mang-bully ng mga kaklase mas mahina ang ulo kaysa sa kanya, pero kapag nakaharap ang binata ay para siyang maamong tupa.

Para siyang aso na sunod ng sunod sa lalaki, nahahalata naman iyon ni Enzo at medyo naiilang na ito pero ayaw niya namang mapahiya ang babae. Alam niya rin ang totoong ugali nito.

“Labas tayo sa Saturday pre? Sama ka, birthday ng pinsan ko eh,” pag-aaya ng isa sa mga kaibigan ni Enzo. Nasa canteen ngayon ang mga binatilyo at kumakain ng meryenda.

“Hi, pwedeng pa-share?” namumulang bati ni Kylie sa mga ito, ngumiti at tumango naman ang mga binata kaya umupo siya sa parehong table ng mga ito.

“Di ako pwede eh, may outreach kasi si Dad sa Saturday. Mamimigay sila ng foods sa mga tao sa probinsya, yung mga malalayo sa bayan at mga mahihirap ang buhay, sasama ako.” tanggi ni Enzo sa kaibigan.

“Oh my gosh! Did you just say outreach? Mahilig rin akong sumama sa mga ganyan, can I join?” sabi ni Kylie, aba pagkakataon niya na para makapagpasikat sa binata at para na rin mapalapit dito. Naiimagine niya pa lang, siya at si Enzo sa gubat… kinikilig na siya.

Nagtataka naman ang mukha ng barkada ng lalaki, wala kasi sa karakter ni Kylie ang mahihilig sa outreach. Kilalang bully ito sa school. Labag man sa loob ni Enzo ay pumayag na rin siya at sinabi sa dalaga ang oras at ang lugar kung saan sila magkikita, inisip niya na lang na para naman ito sa mahihirap. Malaking bagay na rin na may tutulong sa kanila kahit pa hindi bukal sa loob ng dalaga ang tulong na iyon.

Mabilis lumipas ang araw at sumapit na ang Sabado, ang aga agang dumating ni Kylie sa kanilang meeting place. Kumpleto ang gamit niya, alcohol, sanitizer, at kung anu anong disinfectant. Mahirap na, baka may mikrobyo pa ang mga taong mahihirap sa probinsya.

Advertisement

Maya maya pa ay dumating na si Enzo, ito ang nagda-drive sa kotse nito at may dalawa pang lalaking kasama. Gustuhin man ni Kylie na sa tabi nito umupo ay di niya naman mapaalis ang bwisit na lalaking hindi makaramdam.

Ilang oras pa ang nakalipas at nasa probinsya na sila. Nasa itaas ng bundok ang komunidad na tutulungan nila kaya kinailangang iwan ni Enzo ang sasakyan.

“Guys, mauuna na tayong umakyat. Yung mga kasama natin ay nasiraan, dinaanan na sila ni dad.” sabi ng lalaki. Natuwa naman si Kylie, mas konti sila, mas malaki ang chance na makakausap niya ang lalaki. Ang ngiti niya ay agad na napalitan ng pagsimangot nang isang may edad na lalaki ang lumapit sa kanila at sumabay maglakad, ang dumi duming tignan at ang baho pa! Amoy pawis! Nakakadiri!

“Enzo, can you.. can you tell the old man to.. stay away from me?” sabi niya dito. Inis na napatingin naman sa kanya ang lalaki.

“Mauna ka nalang maglakad,” tiim bagang na sabi nito.

“But I’m scared of him! Look at him, ang dirty dirty. Please naman,” maarte at nagpapaawa pang sabi niya. Napailing nalang ang lalaki.

Bakit ito pa ang magagalit sa kanya eh talaga namang nakakasuka ang matanda. Sasama-sama pa kasi, gurang na naman. Pasikat.

Nang marating nila ang komunidad ay hindi naman tumulong si Kylie, ang tanging ginawa niya ay magpapicture kay Enzo at sandaling humawak kunwari ng pagkain para iabot sa bata. Tapos ay nag-alcohol dahil nandidiri.

Advertisement

“Doc! Na-miss po namin kayo,” masayang sabi ng mga bata at niyakap ang matandang pinandidirihan ni Kylie.

Doctor ito? Sinagot naman ni Enzo ang iniisip niya.

“See? He’s a doctor. Siya ang contact namin dito, kaya siya nagkaganyan ay dahil ibinenta niya lahat ng yaman para makapagpatayo ng clinic. Walang bayad ang serbisyo niya para sa mga taga-rito. Bayani siya.” sabi ni Enzo sa kanya.

Napahiya naman sa sarili si Kylie. Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang mga kasama nila na nahuli sa pag akyat.

“Dad!” sigaw ni Enzo nang makita ang ama. Medyo nabuhayan naman si Kylie ng loob, maaaring naturn off sa kanya ang lalaki kanina pero babawiin niya iyon. Kukunin niya ang loob ng ama nito nang sa gayon ay matuwa si Enzo sa kanya.

“Naku nasiraan kami. Hindi nga kita ma-contact at walang signal ang cellphone ko. Mabuti na lang malakas ang signal ni Carla, phone niya ang naipang-text ko,” sabi nito sa anak. Maya-maya pa ay lumabas ang isang babae sa likuran nito, maganda ang babae at simple. Mabait rin ang bukas ng mukha nito. Agad itong niyakap ni Enzo kaya napataas ang kilay ni Kylie.

“Syempre, lagi yatang handa itong baby ko,” sabi ng lalaki at hinalikan sa noo si Carla. Namula naman ang huli.

Naistatwa sa kanyang kinatatayuan si Kylie, may girlfriend na pala si Enzo.

Advertisement

Nakatayo nalang siya doon habang namimigay ang mga ito ng relief goods. Kabaligtaran niya si Carla dahil wala itong kaarte-arte sa katawan, nakikipaglaro pa ito sa mga bata. Buong pagmamahal naman na nakatitig si Enzo.

Dalawang beses siyang napahiya ngayong araw, sana naman ay matutunan niya na ang leksyon niya.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.