Mahapdi ang Damdamin ng Dalaga dahil Ate Niya ang Kursunada ng Binatang Minamahal, Nagulat Siya sa Rebelasyon ng Lalaki Isang Gabing Makausap Niya Ito

Bata pa lang si Ginger ay may gusto na siya kay William, trese anyos pa lamang siya nang unang beses niyang maintindihan ang ibig sabihin salitang ‘kilig’. Iyon kasi ang nararamdaman niya tuwing pupunta si William sa bahay nila para bisitahin ang ate niya. Ah…napasimangot siya nang maisip ang Ate Guia niya.

Perfect kasi ito. Mahinhin, matangkad, matalino. Sa edad nitong 18 noon ay pila pila na ang manliligaw nito, limang taon lamang ang agwat nila. Habang siya naman ay palaging 2nd lang dito, pangalawang matalino, pangalawang maganda. Ngayon nga ay 24 anyos na siya pero ni walang nanliligaw sa kanya, ang sabi ng iba masungit raw kasi sya.

Natatandaan niyang may ilang sumubok noong 18 siya pero bigla nalang tumigil ang mga ito, isang beses lang dumalaw sa bahay nila.

“Baby sis, ready na ang breakfast. Come on,” sabi ng Ate Guia niya isang umaga, kasama na nitong kumain ang bestfriend nitong si Janna.

“Sige lang ate, please don’t call me baby sis na.” pagmamaktol niya pero nginitian lang siya ng babae.

Di naman siya galit sa ate niya, katunayan mahal niya ito. Minsan lang di niya maiwasang mainggit, kasi lahat nalang ay napupunta rito, pati si William.

“Good morning girls,” napapitlag pa si Ginger nang marinig ang baritonong boses na iyon, pagharap niya ay tumambad ang naka-shorts at puting T shirt na si William.Mukhang kagagaling lang nito sa pagja-jogging, ah.. ang gwapo!

Nawala tuloy sa isip niya na nagkakamot nga pala sya ng tyan at nakataas pa ang damit niya, wala pa man din siyang bra.

Advertisement

“Good morning Will, kain na,” sabi ng ate niya.

“No thanks, dumaan lang ako rito para i-remind kayo na mamayang gabi na yung birthday party ko, punta kayo ha, Guia at pinsan,” sabi nito, pinsan nito si Janna.

“Of course! Mawawala ba naman kami,eh importanteng araw ito sa buhay mo,” makahulugang sabi ng ate niya.

“Punta ka rin syempre Ginger, please?” baling nito sa kanya. Ewan niya ba, tila may pagsusumamo sa boses nito kaya simpleng napatango nalang siya.

Medyo nailang siya sa titig nito kaya idinaan niya sa biro, “Mag-gown ba ako mamaya? Ano bang meron bukod sa pa-birthday mo?”

“Magtatapat na ako ng pag ibig,” sabi nito tapos ay sumulyap sa ate Guia niya, kinindatan naman ito ng babae.

Humapdi bigla ang puso ni Ginger. Matagal na namang obvious na ate niya ang gusto nito dahil ang dalawa ang palaging magkausap, ilang beses niyang nahuhuling nakatitig sa kanya si William pero magbe-belat naman ito pag nakitang nakatingin siya. Kaya alam niya na pinagti-tripan lang siya nito.

Alam niya naman, matagal na. Pero bakit ang sakit pa rin?

Advertisement

Pinipigilan niya ang luha, kailangan di nito mahalata dahil magmumukha siyang tanga, “Pwede ba magsama ng boyfriend?” sabi niya. Ngiting aso pa siya, nanginginig ang pisngi at nangingilid ang luha.

“M-may boyfriend ka?” gulat na sabi ni William.

“Bakit di ko yan kilala?” tanong rin ng Ate niya.

“Come on you guys, don’t act like I’m 13. I’m 24. I have a job at syempre nalabas ako so di nyo nakikilala ang mga nakakasalumuha ko.Chill,” sinundan pa ng pekeng pagtawa.

“Then you’re not invited anymore,” simpleng sabi ni William at tumalikod na.

Aba!

“Okay lang, dito na lang kami sa house ng boyfie ko!” pahabol na sigaw niya rito.

Napapailing na lamang ang dalawa na naipit sa tensyon sa pagitan nila ng binata.

Advertisement

Kinagabihan ay umalis na ang ate niya kasama si Janna, ang ganda ganda ng mga ito. Habang siya ay nagmumukmok sa tapat ng TV, kumakain ng ice cream na kasing lamig ng puso niya ngayon.

“Letse, wala bang palabas na hindi love story,” nakasimangot na sabi niya habang umiiyak. Palipat lipat na ang channel na pinanonood niya pero puro tungkol sa pag ibig ang palabas, lalo tuloy sumasakit ang dibdib niya.

Siguro, nagtatapat na si William sa ate niya. Siguro, nagyayakapan na ang mga ito, o magkahawak kamay, o nagki-kiss.. baka nga pinag uusapan na ng mga ito ang tungkol sa kasal.

Nahampas niya ang unan sa mga naiisip niya.

“Ah! Bakit kasi hindi ako maganda! Kakainis! At ikaw na William ka, bakit si Ate lang ang nakikita mo?! Nandito naman ako, bakit ba kasi di moko napapansin. Nagkandasubsob subsob nako makapagpa-cute lang sayo! Ang dami kong binasted dahil sayo! Tapos sasaktan mo ako ng ganito..” tulo nang tulo ang luha niya habang sumisigaw. Kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam niya.

“Sino naman ang may sabi sayo nyan?”

Gulat na napalingon si Ginger sa nagsalita, prenteng nakasandal ang lalaki sa dingding habang nakatitig sa kanya. Nakangiti ito. Mabilisan niyang pinahid ang kanyang mga luha at nagpanggap na matatawa.

“Charot lang! Naniwala ka no, galing ko umacting no! Aminin, pang FAMAS awards!” sabi niya pero walang reaksyon mula rito, sa halip ay mabilis itong humakbang palapit sa kanya at sa isang iglap ay hawak na nito ang dalawa niyang balikat.

Advertisement

“Sabi ko, sino naman ang may sabi sayo ng mga pinag iisip mo?” ulit nito.

Napayuko siya at napailing, malungkot na nagsalita, “Oo na. Totoo na yung narinig mo. Pero don’t get me wrong, masaya ako para sa inyo ng ate. Kaya lang tao lang rin ako at marunong masaktan..”

“Bakit ka naman masasaktan eh mahal na mahal kita?”

“Ha?” nanlalaki ang mata na napatingala siya rito.

“Mahal kita, kahit namumula yang ilong mo. Kahit iyakin ka, kahit masungit ka. Kaya nga hirap na hirap akong bakuran ka sa mga manliligaw mo, ang kukulit! Kung hindi ko pa tatakutin, hindi titigil,” nakangising sabi nito.

“Ano?! Ikaw ang dahilan bakit biglang di na bumabalik ang manliligaw ko?!”

“Oo, hinihintay ko ngang maging ready ka, tapos uunahan naman ako ng mga ugok. Halos suntukin ko ang pader kaninang umaga dahil may boyfriend kana kamo, naisip ko, ang gago ko kasi ang tagal kong kumilos.Pero eto pa rin ako, nagbaka sakali..” masuyong sabi nito at akmang hahalikan siya.

“T-teka! Si ate?” nakangusong tanong niya rito, natawa naman ito sa kanya.

Advertisement

“Palagi kaming magkasama ng ate mo dahil hinihingi ko ang blessings niya para payagan akong ligawan ka, siya ang nagbibigay ng tips sa akin kung ano ang gusto at ayaw mo. Bukod doon, hindi ako magugustuhan ng ate mo, di kami talo. Ang mahal niya ay si Janna, ang pinsan ko..”

Nanlaki ang mata ni Ginger, tomboy pala ang ate niya?!

“Masyado kanang maraming tanong, wala pa yung kiss ko,” sabi ng lalaki bago tuluyang inangkin ang labi niya.

Napangiti naman si Ginger, akalain niya bang happy ending pa ang hahantungan.

Makalipas ang isang taon ay nagpakasal na ang dalawa. Ngayon ay narito sila sa doktor, masayang masaya sa balitang magkakaroon na sila ng anak.