Mag-isang Kinumpuni ng Ginoo ang Sirang Parte ng Simbahan; Ito ang Naging Pagpapala Niya Mula sa Panginoon

“Ano ba ang tinitignan mo riyan, Salome, at parang abalang-abala ka?” tanong ni Pedro sa kaniyang asawa.

“Dalawang buwan na lang kasi ay ika-animnapung kaarawan mo na. Malapit ka na ring magretiro. Kaya heto, naghahanap ako ng pwede nating gawin sa espesyal na araw na iyon. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang magkaroon ng party o gusto mong mangibang bansa na lang tayo?” sambit ng kaniyang misis.

“Ikaw na ang bahala. Ang gusto ko ay kung ano rin ang gusto mo. Hindi na rin ako makapaghintay na sa wakas ay hindi na ako aalis para magtrabaho pa at magagawa na natin ang lahat ng gusto natin,” wika pa ni Pedro.

Sa loob kasi ng apat na dekada’y walang tigil sa paghahanap-buhay ang ginoo upang makapagbigay siya ng magandang buhay sa kaniyang pamilya. Dalawa lamang ang kanilang anak ni Salome at parehas na itong maayos ang pamumuhay. Nakapagpundar na rin sila ng sariling bahay at sasakyan at may sapat na ipon sa kanilang pagtanda.

Kaya gayun na lamang ang pag-aasam ni Pedro sa araw na tuluyan na niyang matatamasa ang kaniyang mgapinaghirapan.

Ngunit isang linggo bago ang kaarawan ng ginoo ay nakaramdaman siya ng lubusang pananakit ng tiyan. Pabalik-balik ito kaya nagpasiya na silang mag-asawa na tuluyan na siyang dalhin sa ospital upang masuri ng doktor.

“Ikinalulungkot po naming sabihin sa inyo. May c@ncer po kayo ng bituka at malala na po ito,” pahayag ng doktor.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Pedro at Salome sa puntong iyon.

Advertisement

“Hindi maaari. Hindi pwede, dok. Magreretiro pa lang ako at marami akong nais gawin. Sabihin mo sa akin na nagkamali ka lang!” pagtangis ni Pedro.

‘Sana nga ay nagkamali lang ako. Ngunit ilang ulit na namin itong sinuri at gan’on talaga ang nagiging resulta. Kung hindi kayo kumbinsido ay maaari naman kayong humingi ng opinyon sa ibang espesiyalista,” saad pa ng doktor.

Kaya ito ang ginawa ng mag-asawa. Ngunit sa paulit-ulit na pagsusuri kay Pedro ay iisa lamang ang lumalabas– mayroon talaga siyang malubhang karamdaman.

“Gusto mo pa bang ituloy ang selebrasyon, Pedro? Pwede naman natin itong kanselahin muna para sa gamutan mo. Isa-isa ko na lang tatawagan ang mga magsisipagdalo,” saad ng ginang.

“Sa totoo lang ay ayoko nang magpagamot, Salome. Kung sa kamatay@n lang din naman ang hangtungan ko ay huwag na nating pahirapan pa ang sitwasyon. Ayoko ring maging pabigat pa sa iyo,” pahayag ni Pedro.

“Ano ang gusto mong gawin? Basta mo na lang kami iiwan ng hindi ka lumalaban? Ang daya mo naman, Pedro! Kung kailangan makakasama na kita araw-araw ay ganiyan naman ang sinasabi mo. Hindi ko kaya nang wala ka!” hindi na napigilan pa ni Salome ang umiyak.

“Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko pa sa buhay ko, Salome. Iwan mo na lang muna ako sa ngayon,” wika pa ng ginoo.

Hindi matanggap ni Pedro ang nangyari sa kaniya. Ilang araw din siyang nagmumukmok sa kanilang silid at walang ganang kumain.

Advertisement

Nawawalan na siya ng gana na lumaban pa hanggang sa hindi na niya ang maiwasan na magtanong sa Panginoon.

“Naging masama po ba akong tao, Diyos ko? Bakit sa dinami-dami ng nariyan ay ako pa ang napili mo?” lumuluhang sambit nit Pedro.

Hanggang sa napagtanto niyang malimit na nga siyang tumawag sa Panginoon dahil sa kaniyang pagkaabala sa maraming bagay.

Nang umagang iyon ay inaya niya ang kaniyang asawa upang sila ay magtungo sa simbahan at manalangin.

Pagdating nila sa simbahan ay nakaramdam si Pedro ng kakaiba. Tila mayroong mahigpit na yumayakap sa kaniya at ang lahat ng kaniyang mabigat na suliranin ay bahagyang nawala. Doon na siya nagsimulang tumwag sa Diyos.

“Tanggap ko na ang mangyayari sa akin. Nais kong ialay sa iyo ang nalalabing oras ng buhay ko. Ang sa akin lang ay sa pagkawala ko’y huwag mong pababayaan ang aking asawa at mga anak,” mataimim na dalangin niya sa Panginoon.

Pagdilat ng kaniyang mga mata ay mapansin niya ang parte ng simabahan na hindi pa tapos.

“Sa pagkakatanda ko ay ilang taon nang nakatengga ang paggawa sa parteng iyan ng simbahan. Hanggang ngayon pa rin pala ay ginagawa iyan?” tanong niya kay Salome.

Advertisement

“Ang alam ko ay itinigil na nila ang pagpapagawa, tugon naman ng misis.

Nang makauwi sila ay hindi pa rin naaalis sa isipan ni Pedro ang sirang parte ng simbahan. Kinabukasan ay kinausap niya ang asawa.

“Nais kong gawin ang parte ng simbahang iyon. Dati akong karpintero bago ako naging inhinyero, Salome. Kayang-kaya ko iyon!” saad ng ginoo.

“Nahihibang ka na ba, Pedro? Paano na lang ang sakit mo? Baka lalong mapadali ng buhay mo,” pagtutol ni Salome.

“Kung gusto mo ay magbibigay na lamang tayo pero hindi na ikaw ang gagawa!” dagdag pa ng ginang.

“Matagal akong nakalimot sa Panginoon, Salome. Ito ay paraan ko upang magbalik sa kaniya. Hayaan mo na ako na gawin ang aking nais. Isa itong kahilingan ng taong bilang na ang buhay,” saad muli ni Pedro.

Wala nang nagawa pa si Salome kung hindi suportahan na lamang ang kaniyang asawa. Araw-araw niya itong sinasamahan upang mag-isa nitong kumpunihin ang sirang parte ng simbahan.

Nang may makakita sa ginoo at nalaman ang dahilan ng kaniyang ginagawa ay unti-unting dumami ang taong nais na tumulong sa kaniya. Sa mabilis na panahon ay natapos ang parte ng simbahan na iyon.

Advertisement

“Napakasarap sa pakiramdam, Salome, at may nagawa akong mabuti sa buhay ko. Ngayon ay pwede na niyang kunin ang buhay ko,” nakangiting sambit ni Pedro sa asawa.

Napaluha naman si Salome sa tinuran ng mister.

“Huwag ka nang umiyak riyan, Salome, at sa tingin ko nama’y sa Kaniya ang aking tungo. Kailangan nating tanggapin na hiram lamang ang buhay at kahit anong oras ay maaari niya itong bawiin sa atin,” pahayag pa ng mister.

Niyakap na lamang ni Salome ang asawa.

“Hindi mo lang alam kung gaano ko nais na magmakaawa sa Panginoon na sana ay bigyan ka pa niya ng haba ng buhay upang makasama ko,” pagtangis ng ginang.

Nang sumunod na linggo ay muling nagpatingin si Pedro upang malaman kung gaano na kalala ang kaniyang kalagayan at kung ilang buwan na lang ang nalalabi sa kaniya.

Ngunit paglabas ng resulta ay maging ang mga doktor ay nagulat.

“Nakakapagtaka! Isa itong mirakulo! Hindi ko alam kung paano ito nangyari o kung nangyayari talaga ang ganitong mga bagay. Ilang beses na naming inulit ang pagsusuri at wala ng matagpuang c@ncer sa katawan mo,” sambit ng doktor.

Advertisement

Hindi napigilan ng mag-asawa na maluha sa pahayag na ito ng mga espesyalista. Hindi sila makapaniwala na tuluyan na ngang gumaling si Pedro.

Muling nagbalik si Pedro sa nasabing simbahan at doon ay patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha habang walang patid ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon.

“Salamat at binigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para makapiling ko ang aking pamilya. Tunay kang makapangyarihan. Pangako ko sa iyo na habang buhay akong magiging patotoo sa iyong mga mirakulo,” sambit ni Pedro.

Patunay si Pedro na walang imposible kung mananalig ka sa Panginoon.

Sa sumunod na dalawang dekada ay namuhay sina Salome at Pedro na masayang kapiling ang isa’t isa.