Bastos at Walang Utang na Loob Daw ang Babaeng Ito Bilang Isang Manugang Samantalang Kabaliktaran Naman ang Sinasabi ng Babae, Sino Nga Ba sa Dalawa ang Nagsasabi ng Totoo?

Bastos at Walang Utang na Loob Daw ang Babaeng Ito Bilang Isang Manugang Samantalang Kabaliktaran Naman ang Sinasabi ng Babae, Sino Nga Ba sa Dalawa ang Nagsasabi ng Totoo?

HeartbreakingLoveStories

Bente anyos lamang noon si Sabrina nang magsama sila ng kaniyang nobyo na si Mike. Dahil parehas na estudyante at walang trabaho kaya nakasandal ito sa pamilya ng lalaki lalo na nga’t buntis noon ang dalaga.

Ngayon ay apat na taon na ang nakakalipas at lumaki na ang dalawang anak nila ngunit tila nananatili sa pagkabinata ang kaniyang asawa.

“Mike ano na? Ganito na lang ba ang buhay natin? 24 anyos na tayo pero wala pa rin tayong nagagawa sa buhay,” saad ni Sabrina sa asawang naglalaro ng basketball sa kaniyang telepono.

Image courtesy ofwww.google.com

“Ano na naman problema mo Sab? May binibigay naman si mama ha, maayos naman buhay natin dito. Ano na namang drama trip mo ngayon?” baling ni Mike dito.

Image courtesy ofwww.google.com

“Ayan na nga problema e, puro mama, mama, mama. Pati napkin ko mama! Kelan mo ba kami bubuhayin ng anak mo, wala ka bang balak magtrabaho man lang? Lumipat ng bahay? Bumukod?” wika namang muli ng babae sabay kuha sa telepono ni Mike.

“Badtrip naman e! Naglalaro ako Sabrina, paksh*t yang trip mo,” galit na baling ng lalaki saka lumabas ng kwarto.

“Oh ano na naman pinag-awayan niyo ng anak ko ha?” mabilis na pumasok si Aling Brenda, ang nanay ni Mike.

Image courtesy ofwww.google.com

“Pwede po ba? Kahit ngayon lang, wag kayong makialam,” mahinahong sagot ni Sabrina sa ale habang nakayuko ito.

“Bastos ka rin talaga e ano? Ganyan mo na lang ba akong sasagutin? Kaya laging galit sa’yo ‘yong anak ko kasi napakasama ng ugali mo!” sigaw ng ale at talagang nilakasan ito upang marinig ni Mike at ng mga kapitbahay.

Hindi naman sumagot pang muli si Sabrina at nanahimik ito sa isang tabi, lumuluha. Inawat naman ni Mike ang kaniyang ina at sinabi kung ano ang problema.

“E kung gusto na pala bumukod niyan e di siya ang magtrababo. Ikaw nga hindi ko pinagtratrabaho tapos siya kung makadikta. Hoy babae! Wag mong dinidiktahan ang anak ko!” pahayag ni Aling Brenda na kahit nasa salas ay rinig na rinig niya ang sinabi nito.

Mahal na mahal ni Aling Brenda ang anak niyang ni Mike, bunso kasi ito at nag-iisang lalaki. Halos ayaw niya itong pagalawin sa bahay, ang rason nito ay kumikita pa naman siya kaya hindi na daw kailangang magtrabaho.

Hindi na nakatiis pa si Sabrina at lumabas ito ng kwarto, “Sige ho, magtratrabaho ho ako,” baling nito sa ale.

“Oh ayan naman pala e, matuto kang magbanat ng buto hindi yung anak ko yung palagi mong inaaway,” wika pa ng ale sa kaniya sabay taas noo.

“Pero kapag nagtrabaho ho ako ay hindi ko na magagawa ang lahat ng trabaho dito sa bahay. Hindi ko na ho kayo maipaglalaba, maipapamalantsa, mapapapamalengke. Hindi ko na rin mababantayan ang mga apo niyo sa amin ni Mike pati sa iba niyo pang anak,” saad ni Sabrina sa ina.

“Kung makapagsalita naman ho kayo na magbanat ng buto, baka sakali lang hong hindi niyo nakikita ako na ho ang halos tumayong katulong sa bahay na ito. Pero hindi kayo nakarinig ng kahit anong salita sa akin, wala kayong narinig na reklamo sa tuwing magkakasakit ang ibang apo niyo pero hindi maka-absent ang iba niyong anak kaya ako na ang nag-aalaga, nagdadala sa ospital. Pati nga ho salawal niyo at ng iba pa niyong anak ako na rin ang naglalaba,” wika pang muli ng babae. Tila ba hindi niya mapigilan ang sarili dahil parang sasabog na ang kaniyang dibdib sa hinanakit.

“Asan ang anak niyo? Hinahayaan niyo lang mag-buhay binata sa labas, inom dito, barkada doon. Alam ko hong kayo ang bumubuhay sa amin at labis kong pinagpapasalamat iyon. Pero kung hindi niyo tuturuan na tumayo sa sariling paa niya yang si Mike ay walang kakahinatnan ang buhay namin. Kung masama ho akong asawa para sa anak niyo pwes, baliktarin naman ho natin ngayon,” dagdag pa nito at nanginginig ang kaniyng tuhod sa galit.

“Ako na ang magtratrabaho at bahala na ho kayo sa bahay na ito pati sa ibang bata. Dahil aalis kami ng mg anak ko,” pahayag pa nito saka tumalikod at bumalik sa kwarto.

“Oh e di lumabas rin. Masama talaga tabas ng dila niyang napangasawa mo anak! Hiwalayan mo na yan!” sigaw pa ni Aling Brenda.

“Akala mo naman may silbi siya dito sa bahay kung makapagbilang siya ng gawain. Bwiset ka sa buhay namin!” dagdag pa nito at binato ng basong plastic ang kwarto ng babae.

Image courtesy ofwww.google.com

Hindi naman ito pinigilan ni Mike at isip-isip niya ay nagtatampo lang ang asawa kahit nga pati siya ay nagulat sa mga binitiwan nitong salita. Pero katulad ng sinabi ni Sabrina, umalis nga ang babae at bitbit ang dalawa nilang anak.

Bumalik ito sa kaniyang ina kahit nga alam din niyang katakot-takot na pangaral ang bubungad sa kanya doon.

“Ma, sorry pero hindi ko na ho talaga kaya ang buhay doon. Hindi naman ako sumusuko pero ito lang talaga ang paraan ko para magising ko si Mike sa responsibilidad niya,” paliwanag ni Sabrina sa kaniyang ina.

“Lagi man akong galit sa’yo, tandaan mo lagi ka pa rin welcome dito sa atin. Anak kita at hindi magbabago iyon,” baling sa kaniya ni Aling Minda, ang nanay ni Sabrina at niyakap niya ang anak pati ang apo nito.

Sa kabilang banda naman, halos hindi makapasok si Aling Brenda sa trabaho dahil aligaga siya sa bahay. Sigaw rito, sigaw roon. Ligpit rito, luto doon, ngayon niya nakikita ang halaga ng mga ginagawa ni Sabrina sa kanilang pamilya.

Nilingon niya ang anak na nakataas ang dalawang paa sa sofa habang kumakain ng pansit kanton, “Mali nga yata talaga ako,” bulong nito sa sarili.

Kaya dali-dali siyang kumuha ng walis tambo at inihampas sa paa ni Mike, “Napakabatugan mo! Kumakain ka tapos nakahiga? Magbihis ka nga at maghanap ka ng trabaho tapos puntahan mo yung mag-ina mo,” saad ng ale sa kaniyang anak.

“Pag hindi ka nagbago anak mawawalan ka talaga ng pamilya. Tama ang lahat ng sinabi ni Sabrina, mali ako sa pagpapalaki ko sayo. Kaya utang na loob, itama na natin at magbanat ka ng buto!” dagdag pa ng ale sabay sunod sunod na hinampas ang kanilang upuan.

“Alam mo gusto ko na nga sabihin sayo yan e, miss ko na ang mag-ina ko pati ang pag-aalaga ni Sabrina. Hayaan mo ma, maghahanap na ako ng trabaho,” baling naman ni Mike na agad tumayo at nagbihis.

Isang linggo ang lumipas at nakahanap na ng trabaho si Mike, sabay naman nilang pinuntahan ng kaniyang ina si Sabrina.

“Sabrina, mali ako sa lahat. Sana mapatawad mo pa ako anak at sana huwag mong sukuan si Mike dahil napakaswerte namin sa’yo,” wika ni Aling Brenda.

“Patawarin niyo rin po ko kung nakapagsalita ako ng hindi maganda. Hindi naman ho ako sumusuko, mahal ko ho ang pamilya ko at pati kayo,” pahayag naman ni Sabrina at nagyakap ang tatlo.

Image courtesy ofwww.google.com

Bumalik si Sabrina sa poder nila Mike, nag-ipon muna sila para makabukod at pagkalipas ng isang tao ay nakalipat na sila ng tirahan, handa na rin mamuhay bilang isang responsableng magulang at mapagmahal na asawa sa isa’t-isa.

More Stories