Ikinadismaya ng Nanay nang Akalaing Itinatapon ng Anak ang Baon na Ihinahanda Niya Araw-araw, Hanggang sa Malaman Niya ang Nakakatunaw ng Pusong Katotohanan

Maganda ang trabaho ni Rio bilang isang homebased call center agent, habang ang asawa niya naman ay nasa abroad. Mayroon silang isang anak, si Kurt na 6 na taong gulang. Laking pasasalamat ni Rio sa trabaho niya dahil hindi na niya kailangan pang umalis ng bahay at natututukan niya ang pag aaral ng anak, malaki rin ang natipid nila dahil hindi na kailangan pa ng yaya.

Maagang gumigising si Rio araw araw para ipaghanda ng baon ang anak, maganang kumain ang bata lalo na sa mga luto niya at sigurado siyang sapat ang ipinababaon na pagkain dito kaya naman nagtataka siya na tuwing uuwi ito ng hapon ay tila ba gutum na gutom.

Kapag naman chinecheck niya ang baunan nito ay simot ang pagkain.

Isang araw ay hindi na nakatiis si Rio at tinanong ang bata. Saan kaya nito dinadala ang baon? Tinuruan niya itong wag mag aksaya ng pagkain at sana naman ay sabihin nalang nito na hindi masarap ang baon kaysa itapon.

Ang ikinakatakot talaga ng babae ay baka nabubully ang anak.

“Baby, may itatanong ako sayo ha?” masuyo niyang sabi sa bata, at ikinandong ito.

“Sige po.” sabi lang nito na abalang nag lalaro ng kotse.

“Yung baon mo, nauubos mo ba?” tanong ng babae.

Advertisement

Tila naman natigil sa paglalaro ang bata at napatungo.

“Sorry mommy.” sabi lang ng paslit.

“Bakit? Anong ginagawa mo? Tinatapon mo?” nagsisimulang mainis ang babae, di yata’t natututo ng masamang ugali ang anak!

“Masarap po gawa mo sandwich mommy, kaya lang yung friend ko si Gerald, nasa ospital mommy niya kaya wala siya baon, binibigay ko po yung akin.” nakatungo pa rin na wika ng bata.

Nayakap naman ni Rio ng mahigpit ang anak, kay liit pa nito ngunit kay laki na ng puso.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?