Inday TrendingInday Trending
Galit ang Dalagang Ito sa Kaniyang Ama Dahil sa Bago Nitong Pamilya; Isang Litrato ang Kaniyang Makikita na Makapagpapabago sa Lahat

Galit ang Dalagang Ito sa Kaniyang Ama Dahil sa Bago Nitong Pamilya; Isang Litrato ang Kaniyang Makikita na Makapagpapabago sa Lahat

“May naiisip ka na bang ipapangalan sa anak natin, mahal?” malambing na tanong ni Rodulfo sa babae.

“Wala pa at ayaw ko na munang isipin ‘yun. Saka na lang natin pag-isipan kapag lumabas na ang chikiting!” malakas na sagot ng babae sabay tawa at hawak sa balakang niyang nananakit.

Magbibiro pa sanang muli ang babae ngunit napatigil siya nang biglang pumutok ang panubigan niya habang nakatayo sa kanilang kusina.

“Mahal! Manganganak na ako!” sigaw ni Rona at mabilis na naisugod sa ospital ang babae.

“Arnold, ayan ang ipapangalan ko sa anak natin,” sabi ni Rodulfo saka hinalikan ang bata at si Rona na kakagising lamang mula sa panganganak.

Ilang araw din ang lumipas at inuwi na ng lalaki ang kaniyang mag-ina sa bahay.

“Wow! Welcome home sa bago kong pamilya! Hindi naman yata ako nasabihan na rito pala kayo titira?” salubong ni Trina, anak ni Rodulfo sa una niyang asawa.

“Anak, kakapanganak lang ni Rona, huwag ngayon,” baling kaagad ng lalaki sa dalaga.

“Patawarin niyo ako mahal na Donya Rona baka ako pa ang maging dahilan ng pagsakit ng ulo niyong mag-asawa kaya naman ako na ang aalis!” baling din ni Trina saka niya tinignan ng buong panglalait si Rona. Hindi naman na sumagot pa ang babae at mahigpit na lamang niyang hinawakan ang kaniyang bagong silang na anak.

Halos anim na buwan pa lamang simula nang sumakabilang buhay ang unang asawa ni Rodulfo dahil sa matinding aksidente sa sasakyan. Buhay pa ang katawan nito ngunit matagal nang sumuko ang pag-iisip ng dating asawa. Halos ilang taon din na pinaglaban ni Rodulfo ang ganoong kalagayan ng kaniyang yumaong misis hanggang sa nakilala niya si Rona sa isang bar.

Kaya ganon na lang ang galit ni Trina sa kanila dahil nambabae na raw ang tatay niya kahit buhay pa naman ang nanay niya ngunit hindi nagtagal ay bumigay na ang katawan ng ale hanggang sa namaalam na nga ito sa mundo. Sakto namang buntis na rin pala si Rona at ngayon ay nakapanganak na.

“Ni hindi niyo man lang talaga nagawang magluksa para sa nanay ko! Dinala niyo pa talaga ‘yung babaeng ‘yan dito sa bahay! Ano, naliitan na sa condo na binili niyo?” galit na wika ni Trina habang nag-eempake ng mga gamit niya nang sumilip si Rodulfo sa pinto ng kwarto nito.

“Trina, sana naman pakinggan mo ako,” mahinang paliwanag ng lalaki.

“Pakinggan? Ako ba pinakinggan niyo noong mga araw na naghihingalo si mama sa ospital? Nasaan kayo? Nakikipagharutan sa pokp*k na ‘yun at hindi pa kayo nakuntento ha, nag-anak pa talaga kayo!” sigaw muli ng dalaga sa kaniyang ama.

“Trina, wala na ang mama mo! Alam mo ‘yan, alam nating dalawa ‘yan! Makina na lang ang bumubuhay sa kaniya, wala na siya! Nung nakilala ko si Rona, wala na ang nanay mo at ang naiwan na lang sa atin ay ang katawan niya. Hindi kasalanan ang ginawa ko, nagpaalam ako sa nanay mo kahit wala na akong naririnig, wala nang sumasagot sa akin,” umiiyak na sabi ng lalaki.

“Hindi ba kayo nahihiya sa sinasabi niyo, ha? Nagpaalam ka sa taong malapit nang mawala para sabihin na may ipapalit ka na sa kaniya? Ano pala dapat kong maramdaman? Magpasalamat ako kasi dumating ‘yang pokp*k niyong asawa at pinasaya kayong muli!?” galit na galit na wika ni Trina sa kaniyang ama.

Saglit na hindi nagsalita ang lalaki at umupo ito.

“Nung una kong makita si Rona akala ko namamalikmata lang ako pero hindi, kamukhang-kamukha siya ng mommy mo noong kabataan namin,” saka niya ipinakita ang litratong nasa pitaka niya.

“Ilang beses kong iniyakan noon ang tukso na ito, ilang beses kong sinabi sa Panginoon na ilayo sa akin ang tukso pero nanaginip ako at nandoon ang mommy mo saka niya ako hinatid sa bar kung saan nagtratrabaho si Rona at saka siya ngumiti tapos biglang nawala,” dagdag pa ng lalaki.

“Wow naman, ano ‘to, telenobela?!” singit ni Trina sa kaniyang tatay.

“Hindi ko pinipilit na maniwala ka sa sinasabi ko pero gusto ko lang malaman mo kung ano man ang naranasan ko. Hindi ko pinapalitan ang mommy mo sa buhay ko, sa buhay natin dahil kahit kailan hindi siya mapapalitan. Pero sana, huwag mo naman ipagdamot sa akin ang pagkakataon na magmahal ulit,” pagtatapos ng lalaki saka siya lumabas sa kwarto ng kaniyang anak.

Naiwan namang umiiyak ang dalaga saka niya kinuha ang litratong iniwan ng kaniyang ama at doon nga napagtantong may hawig nga si Rona sa kaniyang nanay noong kabataan nito. Hindi malaman ni Trina kung ano ang dapat niyang maramdaman sa mga sinabi ng kaniyang ama. Kaya mas pinili na lamang niyang umalis muna at huwag nang makipagtalo rito.

Alam ni Rodulfo na hindi normal ang sitwasyong iyon ng kaniyang pamilya kaya naman naiintindihan niya ang hinagpis ni Trina ngunit hindi siya sumusuko at naniniwalang darating ang tamang panahon at maiintindihan din siya ng kaniyang anak.

Advertisement