Nag-iwan ng Sulat ang Dalaga Para Sabihin sa Ina na Buntis Siya, Nagulat Siya sa Ginawa Nito

“Sinasabi ko sayo Lia, wag na wag kang gagawa ng ikakapahiya ng pamilya natin.Humanda ka talaga sa akin.” may pagbabantang sabi ng nanay niya.

Bumaba kasi ang mga grades niya sa school kaya nagsesermon na naman ito, mag isa lang siyang binubuhay ng kanyang ina dahil iniwan na sila ng papa niya tatlong taon na ang nakakalipas.

Kung sa grades nga ay ganito na ang reaksyon ng kanyang ina, paano pa kaya kapag sinabi niya ritong…buntis siya at tinakbuhan siya ng ama ng bata?

Isang semester na lang ay gagraduate na sa college si Lia at doon niya nakilala ang nobyo pero simula nang sabihin niya rito ang kalagayan ay di na ito muling pumasok pa.

Maingat na tinupi niya ang isang papel at iniwan iyon sa kama niya, mabuti nang sa ganoong paraan siya magtatapat at baka masaktan siya ng nanay niyang parang tigre pag nagalit.

“Nanay, magsisimba lang po ako.” paalam niya rito.

“O? Ano’ng nangyari at palasimba kana?” tanong nito.

Hindi siya makatingin ng diretso sa babae, hindi naman niya masabing magdarasal siyang wag siyang itakwil nito pag nabasa na ang sulat na iniwan niya sa kama.

Advertisement

“Ano lang po nay, ipe-pray kolang na gabayan na ako sa grades ko.” pagsisinungaling niya. Tumango naman ang kanyang ina kaya dali daling lumabas na si Lia at tumungo sa simbahan.

Pagdating doon, agad siyang lumuhod.

“Diyos ko, patawarin mo po ako. Ano na pong gagawin ko ngayon, wag po sana akong palayasin ng nanay. Paano na po kami ng baby ko. Diyos ko po, kayo na ang bahala.” paulit ulit na dasal niya.

Nanatili pa siya ng ilang sandali doon kahit wala namang misa. Alam niyang anytime papasok ang nanay niya sa kanyang kwarto dahil ilalagay ang mga pinalantsa nitong uniporme niya, baka nga nabasa na nito ang sulat ngayon.

Ayos na yon sa kanya, kinakabahan man, mabuti nang malaman nito ang totoo dahil di magtatagal lolobo na rin ang tiyan niya.

Pagkalipas ng isa pang oras ay napagpasyahan na niyang umuwi. Naabutan niya ang kanyang ina sa sala, nakatungo ito at hawak ang gusut gusot na sulat niya.

“N-nay..” tawag niya rito. Natatakot siyang lumapit. Tumingin ito sa kanya, namamaga ang mga mata.

“Halika rito.” matigas na sabi nito. Bawat hakbang niya papalapit sa ina ay kay bigat, takot na takot siya at nanginginig ang kamay.

Advertisement

“Nay sorry..” sabi niya at nagsimula nang mapaiyak.

Tumaas ang kamay ng babae at nakahanda na siyang masampal pero nagulat siya nang sa halip ay niyakap siya nito.

“Anak bakit ngayon mo lang sinabi?” sabi nito.

“Natatakot ako nanay.” sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

“Anak nasasaktan ako pero di kita matitiis. Mahal kita, kayo ng apo ko. Kakayanin natin kahit tayo lang.”

Doon na-realize ni Lia kung gaano kabuti ang kanyang ina.Napakatapang nito na humarap sa hamon ng buhay, makalipas ang ilang buwan ay isinilang niya ang isang sanggol na lalaki.

Tinapos ni Lia ang kanyang pag aaral at ang anak ang nagsilbi niyang inspirasyon.Dahil sa sipag atbtiyaga ay napatayuan na ni Lia ang kanyang ina ng isang negosyo, masaya ang ginang na namamahala habang kandung kandong ang kanyang apo.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.