Nagparetoke ang Babaeng Hindi Makuntento sa Itsura, Laking Pagsisisi niya nang Malamang Pekeng Doktor Pala ang Kaniyang Pinuntahan

Madalas na tuksohin si Luzy ng mga kaibigan at katrabaho dahil sa kaniyang malaking panga at sarat na ilong. Dahil dito ay naging insikyur siya sa itsura.

“Pagiipunan ko talaga ‘to, girl! Kailangang maiparetoke ko ‘tong ilong at panga ko, at ‘pag nagawa ko ‘yon, hindi niyo na ako makikilala at pipilahan na ako ng mga manliligaw.” Minsang wika niya sa kaibigang si Grace.

“Ikaw naman kasi, masyado kang nagpapaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. Maganda ka rin naman.” Sagot nito.

“Sa panahon ngayon, hindi puwedeng maganda lang, dapat napakaganda.”

Matagal na pinagipunan ni Luzy ang pinaplanong pagpaparetoke. Nang makalikom ng sapat na halaga ay agad siyang nagpunta sa isang klinika na inirekomenda ng isang kaopisina at nagpa-iskedyul ng operasyon.

“Sa susunod na Martes na ang iskedyul ko Grace, kinakabahan ako pero sobrang nasasabik na din ako sa magiging bagong itsura ko.” Kuwento niya rito.

“Pinagsabihan na kita Luzy ah, lehitimong klinika ba iyan? Baka mapahamak ka riyan.”

Image courtesy of www.google.com

Ipinagsawalang bahala niya ang babala ng kaibigan at itinuloy ang operasyon para sa kaniyang panga at ilong. Pagsapit ng araw na iyon ay tinurukan siya ng pampatulog at pampamanhid. Isinagawa ang kaniyang operasyon sa loob ng ilang oras.

Advertisement

Paggising niya ay namamaga na ang kaniyang muka, may balot na rin ito ngunit pinayuhan siya na lilipas din ito makalipas ang isa o dalawang linggo.

Image courtesy of www.google.com

“Magpahinga ka lang muna, huwag ka rin muna masyadong lumabas para mabilis itong maghilom.” Payo ng doktor.

“Sige po. Maraming Salamat.” Sagot niya.

Kapanapanabik ang paghihintay ni Luzy na maghilom ang kaniyang sugat, araw-araw ay pinapalitan niya ang benda nito at nililinisan. Tinitignan niyang mabuti ang sarili sa salamin, nararamdamam na niya ang isang malaking pagbabago sa kaniyang buhay.

Tatlong linggo ang lumipas at tuluyang naghilom ang kaniyang sugat.

“Woooow! Girl tingnan mo ang ilong ko, napakaliit na nito at ang tangos, pati rin ang panga ko ay naging hugis peras na.” Tuwang tuwa niyang kwento sa kaibigan.

“Oo nga Luzy, pero nangangamba ako sa maaaring maging epekto niyan sa ‘yo.”

“Ikaw talaga napaka-negatibo mo. Suportahan mo na lang ako.”

Advertisement Image courtesy of www.google.com

Wala nang nagawa si Grace at nginitian na lamang ang kaibigan. Sa mga sumunod na linggo ay napakaganda ng pagkakaretoke kay Luzy, marami ring nakapansin sa kaniyang nagbagong itsura, mas lalong tumaas ang kaniyang self-confidence dahil dito.

Ngunit sa sumunod pang buwan ay mayroon na siyang kakaibang nararamdaman, pawang nangangati ang kaniyang ilong at ang mga pinaghiluman ng sugat.

“Grace tignan mo nga itong panga ko, medyo makati kasi eh.”

Tiningnan ito ni Grace at biglang nagbago ang awra ng muka nito.

“Luzy, nagkukulay berde ang panga mo, dito sa bandang may tahi. Naku eto na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo eh.”

Labis na nabahala si Luzy at nagpasama sa kaibigan sa klinika. Ngunit pagdating nila doon ay sarado na ito. Walang tao sa loob at maging ang linya ng telepono ay putol na rin. Sa pagpupumilit ni Grace ay tumungo sila sa ospital upang mas matignan pa ito ng eksperto.

Image courtesy of www.google.com

“Iha, sa tingin ko ay pekeng doktor ang gumawa nito, una sa lahat ay maling kemikal ang inilagay nila sa iyong ilong, at ang panga mo ay namamaga dahil sa minadaling proseso.” Wika ng doktor.

“Pero mayroon sila doong mga nurse at ibang pasyente.”

Advertisement

“Maaring hindi rehistrado ang mga taong nagtatrabaho doon para magretoke, mabuti pa siguro’y maghain ka ng reklamo. Maliban doon ay irerekomenda ko rin na sumailalim ka muli sa operasyon upang maayos ang namamaga mong mukha. Hindi ko nga lamang maipapangako na maibabalik natin ito sa dating ayos.”

Hindi makapaniwala si Luzy sa narinig, kung tama man ang hinala ng doktor ay nanganganib ang kaniyang itsura. Sa kaniyang paghahain ng reklamo ay napagalaman niyang marami pang ibang biktima ang klinika, at pinaghahanap na ng awtoridad ang mga taong nagpapatakbo nito.

“Sana ay nakinig ako sayo Grace, imbes tuloy na gumanda ako ay lalo pa akong pumangit, lalong namaga ang muka ko at wala pa akong pera para maipaayos ito.” Umiiyak niyang wika.

Image courtesy of www.google.com

“Wag kang mag-alala, tutulungan kitang makaipon, anupa’t naging kaibigan mo ako.”

Matagal na pinagipunan ng magkaibigan ang kaniyang operasyon, nawala na ang pamamaga ng kaniyang mga sugat ngunit hindi na naibalik kahit ang dati niyang itsura, puno na ng marka ng sugat ang kaniyang muka at labis niya itong pinagsisihan.

Nagsisimula sa ating sarili ang pagtanggap sa ating tunay na kagandahan. Hindi tayo dapat nagpapadala sa pangungutya ng mga tao sa ating paligid.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!