Nagalit ang May-Ari ng Restawran sa Kustomer Kaya Katakot-Takot na Parusa ang Ipapagawa Niya; Sundin Kaya Siya Nito?

“Hindi ba’t mahigpit kong ipinagbabawal sa loob ang paninigarilyo?! Bakit hindi niyo man lang nagawang sawayin ang pasaway na kustomer na iyon?” galit na wika ni Jerome sa kaniyang mga empleyado.

“Sir, sinaway na po talaga namin siya. Ang kaso’y sabi niya hindi raw siya natatakot sa inyo. Hindi naman daw po kayo ang bumili ng yosi niya kaya bakit niyo siya pagbabawalan,” nakayukong paliwanag ni Robin, ang manager ng kaniyang restawran.

Kuyom ang kamao at mariin na naipikit ni Jerome ang mga mata sa gigil na naramdaman. Gaano ba kahirap intindihin ang nakapaskil na “No Smoking Area” na kung tutuusin ay hindi naman iyon ipinagbabawal sa labas ng kaniyang restawran, huwag lamang talaga sa loob dahil hindi masyadong nakakalabas ang usok, sapagkat nakasara ang lahat ng dingding ng kaniyang restawran.

Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng opisina upang deretsong puntahan ang lalaking hanggang ngayon ay panay ang buga ng usok ng sigarilyo mula sa bibig. Tuwid siyang tumayo sa harapan nito, pilit pinapakalma ang mukha, dahil sa totoo lang ay gustong-gusto na niya itong suntukin at paduguin ang ilong.

“Ano! Nandito ka rin ba upang pagbawalan ako na mag-yosi? Ano bang pakialam niyo kung gusto kong magyosi rito sa loob? May magagawa ba kayo? Wala akong pakialam sa rules niyo, kaya tantanan niyo ako! Binabayaran ko ang pagkain ko, at ako mismo ang bumili ng sigarilyong ito. Alis! Rules, rules na iyan, pweee!” matapang na wika ng lalaki.

Humugot muna ng malalim na hininga si Jerome, nais iyang bawasan ang galit dahil baka ano ang pwede niyang magawa sa bastos na lalaking ito. Hinila niya ang upuan at saka umupo.

“Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas, dahil sa mga kagaya mong pasaway. Hindi marunong sumunod sa simpleng batas na ipinapatupad,” mahinahon na wika ni Jerome.

Ngumisi ang lalaki saka nanghahamon na tumitig sa kaniya. “Kung may batas kayo ay may sarili rin akong batas na sinusunod. Dahil ako ang batas sa sarili ko, kaya huwag kayong nangingialam.”

Advertisement

Hindi mapigilan ni Jerome ang matawa sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam kung baoit kailangan niyang patulan ito, pero sa isip niya’y kailangan niyang turuan ng leksyon ang ganitong klaseng lalaki upang hindi na ito umulit sa ginagawa at para ‘di na rin tuluran ng ibang tao.

“Hindi mo yata alam na sa restawran na ito, ako ang batas,” ani Jerome. Hinugot ang b@ril sa tagiliran at itinutok sa bungo ng lalaki. “Kung ano man ang gagawin ko sa’yo ngayon ay pwede akong maging absuwelto, una dahil restawran ko ang ginugulo mo, pangalawa’y nakikita sa CCTV ang pinaggagawa mo. Isang kalabit ko lang lang rito, maglalaho ka kaagad sa mundo!” inis na wika ni Jerome.

Nakita niya ang takot sa mukha ng lalaking kani-kanina lang ay ang yabang magsalita sa harapan niya.

“Hindi naman ako ganoon kasamang tao. Papipiliin kita, bab@rilin ko ang bungo mo, ipapakulong kita o kakainin mo ‘yang hinithit mong sigarilyo sa harapan ko?” galit na tanong ni Jerome.

Nagtutunugan ang bagang niya sa inis para sa pasaway na lalaki. Simpleng bagay ay hindi nito magawa. Ano bang ipinagmamalaki nito? Anak ito ng mayor sa lugar o anak ito ng presidente sa bansa? Kahit ano pa man ay wala siyang pakialam kung sinuman ito.

“Ano? Pili?!” asik niya.

Nanginginig ang kamay ng lalaking kinuha nito ang sigarilyo at nginuya. Hindi aabot sa ganoon ang lahat kung marunong lamang itong sumunod sa simpleng batas na kaniyang ipinapatupad sa kaniyang restawran. Kung gusto mong galangin at respetuhin ka ng iba’y gumalaw ka nang naaayon sa nais mo.

Hindi siya masamang tao, pero nagiging dem*onyo siya sa mga ganitong klaseng tao na walang respeto sa kapwa. Kinuwelyuhan niya ito at pilit na pinapatayo.

Advertisement

“Pakibawasan ang sungay mo ah, baka sa susunod nating pagkikita hindi kang sigarilyo ang ngunguyain mo!” aniya.

Itinulak ito upang ipasa sa kaibigang pulis na saksi sa pambabastos ng lalaking kustomer.

“Ikaw na ang bahala sa bastos na lalaking iyan,” ani Jerome.

Muling itinago sa tagiliran ang b@ril, at parang walang nangyaring naglakad ito pabalik sa opisina. Ang mga trabahanteng na istorbo ay muli bumalik sa kaniya-kaniyang gawain. Ang mga nasindak na kustomer ay tila walang nangyaring kakaiba na muling nagpatuloy sa pagnamnam ng produkto nila.