Inday Trending

Inday Trending

Sinundan ng Lalaking Ito ang Kaniyang Kababata Upang Magtapat ng Pag-ibig Niya, Magtagumpay Pa Rin Kaya Siya Kahit Marami nang Taon ang Lumipas na Hindi Sila Nagkasama?

Sinundan ng Lalaking Ito ang Kaniyang Kababata Upang Magtapat ng Pag-ibig Niya, Magtagumpay Pa Rin Kaya Siya Kahit Marami nang Taon ang Lumipas na Hindi Sila Nagkasama?
FunLoveStories

Magkasamang lumaki si Bea at Martin. Magkababata kasi ang dalawa at magka-edad pa. Simula elementarya at high school ay magkasama sa iisang eskwelahan ang dalawa.

Image courtesy of www.google.com

“Bea, balita ko sa Maynila ka raw mag-aaral ng kolehiyo?” tanong ni Martin sa dalaga.

“Oo Martin, mas maganda kasi ang turo doon at isa pa sabi rin naman ng tatay ko ay kakayanin naman niyang pag-aralin ako roon, kaya naman kukuhanin ko na,” sagot naman ng babae.

“Magkakahiwalay pala tayo,” malungkot na wika ng lalaki sabay yuko nito.

“Hayaan mo palagi naman kita dadalawin tuwing summer at pasko kaya magkikita pa rin tayo,” saad naman ni Bea sa lalaki sabay halik nito sa pisnge ni Martin saka siya umalis.

Image courtesy of www.google.com

‘Yon ang huling memorya ni Martin sa dalaga at lingid sa kaalaman ng babae ay iniibig siya ni Martin. Ipinangako ng lalaki sa kaniyang sarili na kapag nakapagtapos siya ng kolehiyo ay agad siyang luluwas pa Maynila para hanapin at ligawan si Bea.

Lumipas ang maraming taon ngunit hindi na muling bumalik pa si Bea sa kanilang probinsya. Lumipat kasi ang buong pamilya nito sa Maynila kaya naman hindi na sila nagkita pang muli.

“Anak, malapit ka nang magtapos. Wala ka bang ipapakilalang nobya sa amin ng tatay mo?” nakangiting tanong ni Aling Lydia ang nanay ng lalaki.

Image courtesy of www.google.com

“Naku ‘nay, iisa lang ang laman ng puso ko at tanging si Bea lang ‘yon,” saad naman ni Martin na nagbinata na rin ang itsura.

Image courtesy of www.google.com

“Ay talaga ba, anak? Siya ba yung kababata mo dati? Mukhang seryoso ka doon ah, dahil ilang taon na ang lumipas ay siya pa rin pala ang gusto mo. Paano ‘yan e nasa Maynila na ang babaeng iyon?” baling muli ng ale.

“Kaya ‘nay, pag nakapagtapos ako ay luluwas ho ako ng Maynila ha? Doon ako magtatrabaho. Para hanapin ko na si Bea at simulan ang aming pag-iibigan! Sigurado akong parehas kami ng nararamdaman,” masayang wika ni Martin sa kaniyang ina.

“Aba, sige anak. Kung iyan ang gusto mo, basta’t mag-iingat ka at huwag kang mapapariwa doon ha,” baling naman ni Mang Delfin ang tatay ng binata.

Image courtesy of www.google.com

Nag-iisang anak lamang si Martin kaya ngayong napagtapos na ito ng kolehiyo ay wala nang pasanin pa ang kaniyang mga magulang lalo na’t napakasipag ng binata. Marunong rin ito sa lahat ng gawaing bahay at parating niloloko ng marami na handang-handa na siya mag-asawa. Marunong maglaba, mamalantsa, magluto at kahit magsibak ng kahoy. Magaling rin sa eskwela ito kaya alam ng kaniyang mga magulang na hindi ito maloloko sa ibang lugar.

“Anak, mag-iingat ka ha! Yayain mo kaagad ng kasal para naman magka-apo kami agad!” sigaw ni Mang Delfin sa binata habang kinakawayan ang binata na nakasakay sa itaas ng jeep. Paluwas na si Martin para hanapin ang kaniyang pag-ibig.

Dahil napagtanong-tanong na niya ang kinaroroonan ni Bea ay agad niyang pinuntahan ito at hindi naman siya nasawi dahil nakita niya agad ang dalaga.

“Bea? Ikaw na ba iyan?” tanong ni Martin sa dalaga na nakatayo sa labas ng kanilang gate at kumakain ng isaw.

Image courtesy of www.google.com

“P*kshit!? Martin? Ikaw ba iyan!?” bulalas naman ng dalaga na halos masamid ng makita ito.

Agad na nagyakap ang dalawa at tila ba hindi naman sila nagkahiwalay ng matagal, nagkwentuhan ang dalawa sa loob ng bahay ng dalaga. Sobrang saya ni Martin na nakatitig lang siya sa mukha ng dalaga habang pinapakinggan ang mga kwento nito.

“Hoy! Martin, natutulala ka ba?” tanong ni Bea sabay pitik ng daliri niya sa mukha ng binata at lagay sa kaniyang baba.

Image courtesy of www.google.com

“Sobrang ganda mo lang kasi Bea,” sagot ni Martin at napangitin naman ang babae. Hindi na nagpalipas pa ng gabi ni Martin sa bahay ng dalaga at umuwi na ito sa kinuha niyang maliit na kwarto, halos apat na kanto lang rin ang layo noon sa bahay ng kaniyang irog.

Isang linggo ang lumipas na kwentuhan at laging pagkikita ng dalawa ay naglakas loob na si Martin na umakyat ng ligaw kay Bea. Nakaporma ang binata at nagpabango pa ito at may dalang bulaklak.

“Bea, para sa’yo,” sabay abot ni Martin ng bulaklak sa dalaga.

“Hala Martin, wait. Nakalimutan ko pala, may boyfriend na ako ha!” nakangiting sagot ni Bea. Natulala saglit si Martin at bumawi kaagad ng ngiti.

“Nahuli pala ako, ang tagal ko pa namang inantay ang araw na ito. Bata pa lang tayo gusto na kita pero mukhang marami nang nagbago at hindi na ako makakahabol pa,” saad ni Martin sabay upo sa gilid ng kalsada.

“Hoy! Grabe ka naman mag-emote diyan. Bata pa tayo nun kaya move-on ka na. Isa pa, pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan. Oh teka teka, ayan na yung jowa ko, tayo ka diyan at ipapakilala kita!” masiglang pahayag ni Bea at mabilis na inayos ang kaniyang buhok. Agad na sinalubong ang lalaking nakasakay sa kotse, hindi pa man nakakababa ito ay agad nang hinalikan iyon ni Bea.

“Babe! Si Martin nga pala, kababata ko,” pakilala ng dalaga sa lalaki at pinagkamay ang dalawa. Ngumiti naman ang nobyo nito ngunit hindi nagsalita dahil agad din silang umalis.

Image courtesy of www.google.com

Mabilis na umuwi si Martin sa kaniyag inuupang kwarto at doon nag-iiyak.

“Hindi pwede, hindi pwede. Hindi pwedeng mapunta si Bea sa lalaking iyon!” sigaw ng lalaki sabay suntok sa pader. Ilang linggo ang lumipas na halos walang araw na hindi umiyak ni Martin kakaisip na hindi napasakaniya ang dalaga. Kaya sumugod na ito sa bahay ni Bea.

Hindi na kumatok pa si Martin at dirediretsong pumasok, sakto namang naabutan niyang naghahalikan ang dalawa sa salas.

“Bitiwan mo siya! Itigil mo na ang pang loloko mo kay Bea dahil kung may nagmamahal man sa kaniya ng totoo, ako ‘yon!” sigaw ni Martin.

“Whoa! Teka lang, Martin ano ‘to? Anong sinasabi mo, diba sabi ko naman sa’yo magkaibigan lang tayo,” agad na nagsalita si Bea.

“Niloloko ka lang niyang jowa mo! Aamin ka o sisirain ko ang kotse mo sa labas?!” matapang na hamon ni Martin sa lalaki.

“Pare, ‘di ka type ng nobya ko. Kaya pwede ba tigilan mo na ang panggugulo. Matagal na kami at hindi ko siya niloloko,” saad ni Angelo ang nobyo ni Bea.

Image courtesy of www.google.com

Mabilis na lumabas si Martin at kumuha ng bato, “Babasagin ko ito kapag nagsinungaling ka pa,” sigaw pa niya.

Image courtesy of www.google.com

“Whoa whoa whoa! Pare teka, wag! Aamin na ako,” baling lambot ni Angelo. Doon napaamin ni Martin ang mga kalokohan ni Angelo sa dalaga. Nakita niya kasi ito minsan na may iba’t-ibang babaeng kasama sa sasakyan, nagkataon kasing magkapitbahay lang ang dalawang lalaki na hindi naman sinasadya ni Martin. Ilang beses ding nakita ng binata na may ibang babae itong inililiko sa mga motel at alam niyang hindi si Bea iyon. Agad na nasampal ng dalaga si Angelo at nakipaghiwalay ito.

“Patawarin mo ako kung sinira ko ang relasyon niyo, hindi ko lang talaga kaya na ang babaeng pinapangarap ko ay niloloko lang ng ibang lalaki,” wika ni Martin sabay yuko.

“Aw! Sobrang sweet mo, kainis,” baling naman ni Bea sabay yakap sa binata.

Halos isang taon ring niligawan ni Martin si Bea at ngayon sila ay magkasintahan na. Naging matagal man ang proseso ng kanilang pag-ibig, alam naman ng lalaki na ito ay puro at iingatan niya hanggang dulo.

More Stories