Magkano ang Matres Mo?

Kilala si Sofia sa kanilang lugar dahil sa taglay niyang ganda. May lahi kasing Amerikana ang babae. Paano’y Kano ang tatay nito. Ngunit katulad ng marami ay hindi pinanagutan ang kaniyang nanay. Pagbebenta kasi ng laman ang naging trabaho ng kaniyang ina sa ibang bansa at umuwi lamang dito para nga iluwal siya noon.

“Malas ka talaga sa pamilya mo! Kung wala kang iaakyat na pera dito sa bahay ay magsimula ka ng magbalot ng gamit,” sigaw ni Aling Nadia habang nagpapamasahe ito.

“Si mamu naman. May regla lang ako kaya wala akong customer ngayon. Hayaan niyo kapag natapos ito ay bibigyan kaagad kita. Huwag ka nang magalita sa akin. Ang init-init na nga ng panahon, e, sumasabay pa iyang ulo mo,” sagot naman ni Sofia.

“Sinasabi ko sa’yo, Sofia, huwag mong dalhin ang kamalasan mo dito sa negosyo ko,” baling muli ng ale.

Hindi na sumagot pang muli ang dalaga at humithit na lang ito ng sigarilyo. Bukod sa taglay niyang ganda ay kilala rin siya sa pagiging malas daw paano’y nawalan ng buhay ang kaniyang nanay noong ipanganak siya. Tapos halos lahat din ng nagiging karelasyon ng babae ay minamalas sa buhay, kung ‘di nawawalan ng trabaho ay nagkakasakit ng malubha.

Si Aling Nadia na ang kumupkop sa kaniya simula noong siya ay maliit pa lamang. Hindi niya alam kung hulog ba ito ng lahat o hulog ni Satanas dahil simula noong siya ay nagdalaga ay binugaw na rin siya ng ale hanggang sa ito na ang kaniyang naging hanapbuhay. Hindi siya pinag-aral ng hayskul nito at mas binigyang pansin na lamang kung paano siya lalong gaganda. Gustuhin man niyang makaalis ay hindi niya magawa dahil wala siyang pera at wala siyang ibang kakilala.

Si Sofia ang pinakamalakas bumenta sa lahat ng alaga ni Aling Nadia, gustuhin kasi siya ng mga lalaki. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay walang nabibigay na pera ang dalaga. Mag-iisang linggo na kasi ang dalaw niya.

“Sofia, pwede ba tayong mag-usap?” seryosong tanong ni Aling Nadia. “Oo naman, mamu. Ano ba iyan at bakit parang ang seryoso mo naman yata?” saad ng dalaga.

Advertisement

“Malaking pera ang kikitain mo, game ka ba?” pahayag ng ale. “Game ako pero ayaw ko ng sabay-sabay. Alam mo naman na ayaw ko ng parang porno!” baling ng dalaga.

“Tang* ka talaga! Hindi kita gagawing ganun. Kasi ganito. Teka, paano ba?” putol-putol na pahayag ni Aling Nadia.

“Ano kasi, magkano ba ‘yung matres mo?” tanong ng ale. “Anong klaseng tanong iyan?” saad naman ng dalaga.

“May mag-asawa kasing nagtanong sa akin kung gumagawa ka daw ng bata. Tinanong ko muna kung makano kaya nilang ibayad. Sabi naman sa akin ay 300,000 daw! Kaya sabi ko ay oo agad. E, ikaw pala ‘yung type nung mag-asawa kaya sure win ang lahi ng anak nila,” paliwanag ni Aling Nadia sa kaniya.

“Alam niyo naman na ayaw ko ng gan’yan, ‘di ba? Bakit kayo pumayag?” baling muli ni Sofia sa kaniya.

“Hoy, huwag mo nga akong taasan ng boses. Sa tingin mo ba ay bayad ka na sa lahat ng utang mo sa akin? Hindi pa! Kaya kung ako sa’yo ay aayusin ko ang sarili ko para masimulan na ‘yung paggawa ng bata. Ang dami mong sinasabi! Hindi ako nakikiusap sa’yo. Sinasabi ko lang kung magkano ang presyo niyang matres mo. At kung sa tingin mo ay mababa, tataasan ko pa ang singil,” saad naman ng ale sa kaniya.

Walang nagawa si Sofia nang kaladkarin siya papunta sa mag-asawa. Napahinto siya dahil napakabata pa ng lalaki at halatang malaki ang agwat ng edad nito sa kaniyang misis.

“Alam mo, kung magaling ka ay akitin mo na lang din ‘yung lalaki. Mukhang magka-edad lang kayo, e. Malay mo kapag nagkaanak na kayo ay iiwan niya ‘yung gurang niyang misis,” bulong ni Aling Nadia sa kaniya.

Advertisement

“Tigilin niyo na nga ako,” isip-isip niya ngunit walang lakas ng loob ang kaniyang mga bibig na sabihin ito sa ale. Pagod na kasi siyang magkipagtalo sa matanda. Bukod sa masakit sa ulo ang mga salita nito ay ayaw din niyang sumakit ang kaniyang katawan. Malakas kasing manakit si Aling Nadia kapag hindi naibibigay ang gusto nito.

“Ma’am, sir, ito na nga po pala si Sofia. May lahi, ho, ang alaga kong ito kaya naman paniguradong maganda ang kakalabasan ng magiging anak niyo,” wika ng ale sa mag-asawa.

“Bakit hindi kayo makabuo?” diretsong tanong ni Sofia rito. Mabilis na nahampas ni Aling Nadia ang dalaga na siya namang pinigilan ng lalaki.

“May edad na kasi ang misis ko at sabi ng doktor ay hindi na niya kaya pang magbuntis. Pero dahil gusto naming magkaroon ng anak na kadugo namin kaya kami nandito sa harapan mo,” pahayag ng lalaking si Mike.

“Kung ayaw mo naman ay hindi ka namin pipilitin,” dagdag pa ng lalaki.

“Ay, hindi ho, sir. Okay po itong alaga ko. Magaling din ito!” banat kaagad ni Aling Nadia at pinalo ang pwet ni Sofia.

Hindi napigilan ng dalaga na maluha. Umiyak ito tsaka umupo sa isang tabi. Agad naman na nilapitan ni Mike ang dalaga tsaka kinuha ang telepono nito at sinabing “Positive, boss.”

Mabilis ang mga pangyayari at dumating ang mga pulis tsaka hinuli si Aling Nadia na siya namang ikinagulat nito. Mabilis na tinakpan si Sofia ng kumot at niyakap agad ni Mike at ng babae nitong kasama. Doon lamang nagising ang dalaga na isa palang buy-bust operation ang nagyari.

Advertisement

Matagal na palang pinagmamatyagan ng pulisya si Aling Nadia. Human trafficking ang kaso ng ale. Agad namang tumistigo si Sofia laban dito. Alam niyang naging napakasama ng tingin ni Aling Nadia sa kaniya ngunit hindi lamang sarili niya ang kaniyang maililigtas kung ‘di pati ang buhay ng mga babae na hawak ng ale.

Naniniwala siyang may iba pang trabaho na nag-iintay sa kaniya. Ngayon ay handa na siyang lumaban at magbago. Handa na siyang suungin ang panibagong yugto ng kaniyang buhay kung saan hindi na niya kailangan pang ibenta ang kaniyang sarili para lang mabuhay.