Sampung Taong Nagtrabaho Ang Dalaga sa Kumpanya; Nagulantang Siya Nang sa Kanya ito Ipinamana ng Yumaong Boss

Magsasampung taon nang nagtratrabaho bilang sekretarya si Elisa Guyerta sa boss niyang si Ramon Culeng, ang may-ari ng isang factory ng mga sitsirya.

Image courtesy of www.google.com

Alas otso ng umaga ang pasok ni Elisa ngunit alas sais y medya pa lang ay nasa opisina na ito. Siya ang nagbubukas ng opisina ng kanyang boss. Inaayos niya na rin ang mga files nito para sa buong araw at binubuksan ang laptop at nilolog-in ang mga social media at email accounts nito. Saka siya magtitimpla ng kape, magbabasa ng e-mails at gagawa ng reports.

Image courtesy of www.google.com

Mahusay si Elisa sa kanyang trabaho. Siya na rin ang nagchecheck ng mga reports na pinapasa, mga imbentaryo na kailangang makuha at kumakausap sa mga tao kung may kailangan o problema ang mga ito. Nakikinig at nagchecheck na na lamang si Mr. Culeng sa opisina. Halos ang dalaga na ang kumakatawan sa kanyang boss sa opisina. Tapat siya sa kanyang trabaho kaya naman halos siya na ang gumagawa ng desisyon na dapat sana’y ang boss niya ang may huling salita. Ganoon kalaki ang tiwala ni Mr. Culeng sa dalaga. Sa loob ng sampung taon ay napanatili niya ang ganoong gawain.

Image courtesy of www.google.com

“Good morning boss.” Bati ng dalaga nang dumating ito. Nagpasok siya ng kape, isang pitsil ng tubig at baso sa opisina nito.

“May meeting po kayo at 9 AM kasama ng mga managers to discuss about our new product.” Pahayag ng dalaga na nakatayo sa may pinto.

“Sige, ikaw na ang pumunta in behalf of me. May golf tournament ako mamayang 9 AM.” Sagot ng kanyang boss.

80 taong gulang na ang kanyang boss na si Mr. Culeng ngunit hindi pa rin humihinto sa pagpasok sa trabaho. Matibay ang pangangatawan nito at maalaga sa kalusugan. May lima itong anak at iisa pa lang sa mga ito ang pamilyado. Ang asawa naman nito na si Madam Sofia ay isang mayamang Intsik. May mga iba pa silang negosyo ngunit ang pabrika ng sitsirya ay ang tanging ari-arian ng matanda na siya mismo ang nagpundar.

Image courtesy of www.google.com

“Alam mo Elisa, this company is ‘me’. It reflects who I am. Nanggaling sa ibaba at ngayon ay nasa itaas na. Ito lang ang meron ako na akin talaga. Pinaghirapan ko ng husto ang pagtataguyod nito. Mas mayaman at mas mahusay sa akin ang asawa ko. Ito na lamang siguro ang maipagmamalaki ko.” Wika ni Mr. Culeng habang nakatingin sa bintana ng opisina para tanawin ang kanyang mga manggagawa.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Boss, hindi totoo ‘yan. May mga anak po kayong napagtapos niyo po at mga successful na ngayon. Dahil po iyon sa inyo. Sigurado akong pinagmamalaki din nila kayo.” Sagot ng dalaga habang hawak lang ang notebook niya at naghihintay ng maisusulat na notes o instructions na babanggitin ng kanyang boss.

“Sa sobrang successful nila ay wala ni isa sa kanila ang gustong magpatakbo nitong factory. Ibenta ko na lang daw.” Malungkot na sabi ng matanda.

“Ayaw nila sa kumpanyang ito e dito naman nila pinapadala lahat ng bayarin nila at kayo pa rin ang nagbabayad.” Bulong ng dalaga sa sarili.

29 taong gulang na ngayon si Elisa at unang trabaho niya ang pagiging sekretarya ng kaniyang boss. Bagong graduate man noon ang dalaga at walang karanasan sa pagtratrabaho ay tinanggap siya nito ng buong puso.

Nagtagal si Elisa sa kumpanya dahil sa bait ni Mr. Culeng bilang isang boss. Hindi ito madamot. Halos lahat ng regalo na para dito ay ibinibigay na lang ng matanda sa kanya.

Image courtesy of www.google.com

Itinuring na ni Elisa si Mr. Culeng bilang ama. Wala kasing nakagisnang ama ang dalaga simula noong bata pa siya. Sumakabilang bahay raw ito sabi ng kanyang ina.

“Elisa, darating ang Ma’am Stella mo, paki handa nga ang parking sa baba.” Utos ng matanda sa dalaga.

Si Stella ang panganay na anak ni Mr. Culeng na may sariling pamilya ngunit sa tatay pa rin niya pinapabayaran ang credit card billings nito na umaabot parati sa halos kalahating milyong piso kada buwan.

Advertisement

“Hi, dad. Dumaan lang ako para ibigay yung sa credit card bill ko. Sorry daddy, medyo malaki ngayon kasi yung mga apo mo ay laging nagpupunta sa mall, hahaha.” Wika ni Stella sa ama sabay halik nito sa pisingi.

Image courtesy of www.google.com

“Ibigay mo na kay Elisa yan at pumasok muna tayo sa opisina saglit. Kuwentuhan mo naman ako.” Wika ni Mr. Culeng sa anak at saka pumasok ito sa kanyang opisina.

“Anak ng! Php 458,565? Isang buwan lang.? Letche ka talaga, Stella! Pupunta ka lang rito para magbigay ng bayarin sa tatay mo tapos aalis ka rin agad. Nyemas ka!” Sabi ni Elisa sa kanyang isipan. Wala pa mang trenta minuto ay umalis na si Stella.

“Pakisulatan mo na ng cheke iyang bayarin ni Stella.” Utos agad ni Mr. Culeng sa kanya.

“Alam ko ring naiinis ka sa mga bayarin na ‘yan pero d’yan na lang kasi sila lumalapit sa akin. Kaya okay na rin. Kaysa naman sa nanay nila na ubod na ng yaman na minsan hindi na ako kailangan.” Sabay hirit ni Mr. Culeng habang nakangiti.

Napalunok ng laway si Elisa sa sinabi ng matanda. Baka isipin nitong masyado na siyang lumalagpas sa dapat niyang kalagyan. Ipinasok ni Elisa sa loob ng opisina ng matanda ang cheke na kailangan nitong pirmahan.

“Sir, pasensya na po kayo sa pinakita ko kaninang emosyon. Hindi ko po sinasadya.” Nakayukong pahayag ng dalaga sa boss nito.

“Elisa, darating ang araw magkakaroon ka rin ng pamilya at sariling kumpanya. Wag mo sana akong gayahin sa pang iispoiled ko sa mga anak ko. Kasi sa totoo lang masakit sa ulo.” Wika ng matanda habang pumipirma.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Naku, boss. Tsaka ko na po iisipin ‘yan pag may limpak-limpak na akong salapi at sariling pamilya.” Pabirong sagot ng dalaga.

“Wag kang mag-alala. Pag naman na sa’yo na itong kumpanya ay hindi ka na guguluhin noong mga anak ko. Paniguradong tatayo na iyon sa sarili nilang mga paa.” Saad ng matanda.

“Ho? Anong akin? Si boss lakas magbiro ohh.” Baling naman agad ng dalaga sabay alis.

Kinaumagahan, katulad ng mga normal na araw ay pumasok si Elisa ng maaga. Masaya sana niyang ibabalita kay Mr. Culeng na nililigawan siya ng college crush niya noon nang biglang nag-ring ang telepono.

“Ms. Elisa, punta po kayo sa bahay sabi ni madam, now na.” Wika ng nasa kabilang linya na si Ate Delly, ang kasambahay nila Mr. Culeng .

Nagmamadaling pumunta si Elisa, dahil ‘pag si madam ang nagsabi ay bawal itong paghintayin.

Pagdating niya doon ay naabutan niya sa salas ang buong pamilya Culeng maliban lamang sa boss nito. Umupo siya sa gilid.

“Oh Elisa you’re here. Ramon just died last night, hindi na siya nagising kagabi and when we check, we’re too late. He’s gone.” Pahayag ni madam. Halatang mugto ang mga mata nito kakaiyak.

Advertisement

Hindi nakapagsalita ang dalaga sa nalaman. Sobrang sakit ng puso niya, bukod sa nawalan siya ng ama ay alam din niyang mawawalan na siya ng trabaho sa mga oras na iyon.

“The reason why you’re here is because I want you to know that you will be managing the factory moving forward.” Dagdag ni madam.

“Ang factory naman ay ipinamamana ko kay Elisa. Hindi na niya kailangan pang-akuin ang mga bayarin ng aking anak. Hinahayaan ko siyang patakbubin ng mag-isa ang aking kumpanya.” Mga salitang nakasulat sa testamento ni Mr. Culeng.

Image courtesy of www.google.com

Walang nagawa ang pamilya at anak ni Mr. Culeng sa iniwang huling habilin ng matanda. Tinulungan din siya ng abogado nito kaya naman tinangap ito ni Elisa ng buong puso.

Pinalago at minahal ni Elisa ang kumpanya. Natupad niya ang hiling ng kanyang boss at ngayong siya ay matanda na rin ay isinasalin na niya ang kumpanya sa kanyang anak na si Era.