Nang Madagdagan ang Sahod sa Trabaho ay Nagawang Mambabae ng Mister; Nang Malaman ng Misis Niya ay Mata Lang Niya ang Walang Latay

Tatlong taon nang mag-asawa sina Ezekiel at Thamia pero wala pa rin silang anak. Nagtatrabaho bilang clerk sa maliit na kumpanya sa Pasig ang lalaki at simpleng maybahay naman ang kaniyang misis.

“P-pasensiya ka na ha, sweetheart…kaswal pa lang kasi ako sa opisina pero kapag naging regular ako, tataas na ang suweldo ko,” sabi ni Ezekiel sabay abot ng sahod niya sa asawa.

Ngumiti naman ang babae. “Sa pag-ibig, hindi pinag-uusapan ang pera, mahal ko. Makapagtitiis ako basta palagi tayong magkasama.”

Niyakap niya ang misis at hinalikan sa pisngi.

“Talagang hindi ako nagkamali ng pagpili sa’yo, sweetheart! Ummm…bukod sa maganda, palagi pang mabango,” paglalambing niya.

Napangisi naman si Thamia. “Oy, mukhang masama na naman ang binabalak mo.”

Binuhat ni Ezekiel ang asawa papasok sa kanilang kwarto.

“Alam mo namang iyon lang ang suweldo ko sa iyo, eh,” natatawang sabi niya sabay kindat.

Advertisement

“Ang sabihin mo, talagang mahilig ka lang!” sagot ng babae na kinurot pa sa tagiliran ang mister.

Pero sadyang minamalas yata si Ezekiel dahil nagsara ang pinagtatrabahuhan niyang kumpanya dahil na-bankrupt daw. Mabuti na lang at madiskarte ang loko kaya nakahanap ulit ng bagong trabaho.

“Sana naman ay maging matatag na ang pinapasukan mo ngayon, Ezekiel,” wika ni Thamia.

“Huwag kang mag-alala, sweetheart…pagdating sa tibay eh, subok na ito. Panay mga milyonaryo ang magkakasosyo dito. Sige, aalis na ako baka ma-late pa ako,” paalam niya.

Kaya nang mag-umpisa siya sa bagong pinapasukan ay mas lalong sinipagan ni Ezekiel para madaling ma-regular.

“Uy break muna, pare. Tara, sama ka sa’min sa labas,” yaya ng isa sa mga katrabaho niya.

“Mauna na kayo, pare. Tapusin ko itong pinagagawa ni boss,” sagot niya.

Tulad sa dati niyang pinagtatrabahuhan, maliit lang din ang suweldo niya sa bagong trabaho kaya kailangan niyang magtiis.

Advertisement

“Dapat magtipid muna ako…pwede namang tiisin ko ang meryenda,” bulong niya sa isip.

Kahit na maliit lang ang kaniyang suweldo, hindi pa rin nakakalimutan ni Ezekiel na ibili ng pasalubong si Thamia.

“Sana hindi mo na lang ako inuwian nito…” wika ng misis nang dalhan niya ito ng siopao.

“May overtime naman ako…kumpleto rin ang inggreso ko,” nakangiting sabi ng lalaki sabay halik sa pisngi ng babae.

“Salamat, sweetheart…p-pero itong suweldo mo paano ko kaya pagkakasyahin? Tumaas pa naman ang kuryente at tubig ngayong buwan,” napapailing na sabi ni Thamia.

“Basta ikaw nang bahala diyan, mahal ko. P-pero…ummmm…iba talaga itong asawa ko, parang langka ang bango,” saad pa ni Ezekiel sabay yakap sa misis at hinalikan pa sa leeg na ikinakilig naman nito.

“Nakikiliti ako, sweetheart…Ito lang ang gusto ko sa mister ko eh, kahit kulang sa pera, sobra naman sa romansa,” hagikgik ni Thamia.

Bukod sa pagiging mahilig este mapagmahal na mister ay tuloy-tuloy na nagsipag ang lalaki sa bagong trabaho niya bilang office staff kaya makalipas ang ilang buwan…

Advertisement

“Sa ipinakita mong kakayahan at sipag sa trabaho, Mr. Perez…ireregular na kita na kahit apat na buwan ka palang dito. Nangangahulugang may dagdag na ang suweldo mo ngayon,” masayang balita sa kaniya ng boss.

“Naku, maraming salamat po!” tunwang-tuwa niyang sagot.

Pagkagaling sa opisina ay sabik siyang umuwi.

“Siguradong matutuwa si Thamia nito! Hindi na siya mahihirapang mag-budget, makaka-ipon pa siya. Dadaan muna ako sa restawran para bumili ng fried chicken at pansit…magse-celebrate kami ni misis,” sabi niya sa isip.

Habang naglalakad ay may nakasalubong siya…

“E-Ezekiel!”

Nang mamukhaan niya ay napangisi ang lalaki…

“M-Mila? Ikaw nga ba?”

Advertisement

Si Mila ay ang dating nobya ni Ezekiel. Hindi makapaniwala ang lalaki na magkikita silang muli.

“Nagtatrabaho ako sa club mula nang iwan ng dem*nyong asawa ko. Nagsisisi nga ako, kung bakit hindi pa ikaw ang nakatuluyan ko,” kwento ng babae.

Napaisip bigla si Ezekiel sa ipinagtapat ni Mila. Maganda pa rin ito at seksing-seksi pa rin, bakit nga ba hindi niya ito patulan?

“Hindi pa rin nagbabago si Mila, matindi pa rin ang appeal,” bulong niya sa sarili. “K-kung sakaling sabihin ko sa ‘yong may saloobin pa rin ako sa ‘yo kahit may asawa na ako,” sabi niya.

Naintindihan naman ng babae ang sinabi niya.

“Call ako, Ezekiel. Basta ba sagot mo ang upa ko sa bahay saka dati naman tayong mag-steady, a!”

Pagkatapos niyon ay humantong na ang dalawa sa motel. Hindi sinayang ng lalaki ang pagkakataon na tumikim ng dating putahe.

“Tutal naman ay hindi pa alam ni Thamia na regular na ako…pwede ko pang ibigay kay Mila ang dagdag na suweldo ko,” sambit niya sa isip.

Advertisement

Mula noon ay nagsinungaling na siya sa kaniyang misis at nalulong na nang husto kay Mila kaya pag umuuwi sa bahay ay napapabayaan na niya ito.

“Bagong paligo ako, sweetheart,” nakangiting sabi ni Thamia nang lumabas ng banyo.

“Sorry, sweetheart, pagod ako ngayon, eh,” tugon niya.

Kaya pagod ang loko dahil naka-ilang rounds sila ni Mila sa bahay nito kaya pagdating kay Thamia ay lupaypay na. Pero hindi pala t*nga ang asawa niya…

“Ang hudas na ito! Nakakahalata na ako…ilang araw nang iniisnab ang byuti ko. Dati, hindi pa man natatanggal ang sapatos, nagyayaya na sa kwarto. Baka may kulasisi ang hinayupak na ito, kaya lanta na palagi pag-uwi? Hindi naman ako laos na ‘no! Kapag nasa palengke nga ako ay maramipa ring lalaking lumalaki ang mata kapag naglalakad ako. Baka nga may kinalolokohan ang bugok na ito, kung magkakaganoon…magkakalintikan kami,” inis na sabi ng babae sa sarili.

Dahil may duda ay masusing nag-imbestiga si Thamia at natuklasan nga niya na lihim na kinakatagpo ng mister ang dati nitong nobya at sa babae ibinibigay ang dagdag na sahod dahil naregular na sa trabaho. Siyempre lintik lang ang walang ganti kaya…

“Sweetheart, patawarin mo na ako! Nagsisisi na ako! Ibalik mo na ang mga damit ko, nakakahiya na sa mga kapitbahay natin,” pagmamakaawa ni Ezekiel habang humahagulgol.

Wala siyang lusot sa misis niyang dating boksingera na nagretiro nang ikasal sila. Bukod sa pinatikim siya nito ng kamao nito ay pinaglakad pa siyang h*bo’t hub@d sa kalye.

Advertisement

“Magdusa ka! Tiniis ko na nga ang maliit mong suweldo, pero ang diyetahin mo ako sa romansa at ang pambababae mo’y hindi ko matatanggap. Matagal ka na palang regular sa trabaho, ‘di mo sinabi sa’kin dahil sa kerengkeng na Mila na ‘yon! Sige, magmartsa ka diyan sa kalye nang walang saplot para magtanda ka!” gigil na sabi ni Thamia na may hawak pang pamalo.

Mula noon ay hindi na umulit pa sa pagloloko si Ezekiel. Hindi na siya nakipagkita pa kay Mila at hindi na nagsinungaling sa misis niya. Ayaw na niyang maranasan ulit ang g*lpi at pamamahiyang ginawa nito sa kaniya.

Ipinakita sa kwento na hindi talaga uubra ang babaero at sinungaling na mister sa mautak at matapang na misis.