Pinag-Initan ng Manager ang Empleyadong Mas Matalino Pa Kaysa sa Kanya, Nagulat Siya Nang Malamang Mas Mayaman Ito sa Kanya

“Yes Sir, naiintindihan ko po. Opo, Opo. sige po, aasikasuhin po namin agad. Yes po.” sabi ni Francis sa telepono. Kausap niya ang director ng kanilang kumpanya, marami itong ipinapaayos sa kanya. Sa susunod na buwan kasi ay darating ang anak nito mula sa Amerika at iyon na ang papalit sa pwesto nito. Syempre ay balak na ni Francis na sumipsip sa lalaki, baka sakaling mabigyan siya ng promotion at itaas ang pwesto niya.

Titiyakin niyang pagdating ng anak ng kanyang amo, kukunin niya agad ang loob nito. Isa na siyang manager ngayon at dahil wala ang amo niya sa branch na ito ng kanilang kumpanya ay siya ang may pinakamataas na posisyon doon, office staff lamang ang mga kasama niya.

Taas noo siyang lumabas ng kanyang opisina at naabutan ang ilang mga empleyadong tahimik na nagtatrabaho sa mga table nila.

“Guys, I have an announcement. Next week darating na ang anak ng pinaka-boss natin so ayusin ninyo ang trabaho nyo, hindi ako natatakot magtanggal ng tao. Alam nyo yan.” sabi niya, hindi naman kumibo ang mga empleyado.

Naglakad lakad pa siya at natanaw niya ang isa sa pinakamatanda nilang empleyado sa opisina, siguro ay nasa 55 taong gulang na ang babae.

“Ikaw Elaine, ano ang plano mo?” tanong niya rito.

“P-plano, sir?” kinakabahang sabi ng babae.

“Alam naman natin na may edad ka na, at hindi kailangan ng kumpanyang ito ng pasanin. Kung magiging pabigat ka na sa trabaho dahil sa edad mo, mag isip isip ka na kung gusto mo nang umalis. Tignan mo nga, ang bagal mong mag-type sa computer.” pamamahiya niya rito.

Advertisement

“I don’t think na tama ang ginagawa nyo sir.” sabi ng isang boses na nagpalaki ng mata ng lahat ng empleyadong nakakarinig. Nagsimula ang bulung-bulungan.

Paglingon ni Francis, napatiim bagang siya. Eto na naman kasi, ang pa-bibong empleyado, na kay bago pa lang ay matapang nang sumagot sagot sa kanya. Sobra ang inis niya sa lalaking ito, ayaw niya mang aminin ay mas matalino ito sa kanya at palagi siyang nababara sa harap ng ibang empleyado. Dinadaan niya lang sa galit para magmukha siyang matapang at hindi napapahiya.

“Kinakausap ba kita?” sabi niya rito.

“Hindi lang ho tama ang ginagawa ninyong pananakot sa empleyado. At harassment ang ginagawa ninyo kay Ate Elaine, nilalabag ninyo ang karapatan niya bilang manggagawa. Tandaan po natin Sir, mahina man o magaling ang empleyado lahat sila ay asset ng kumpanya kaya lahat ay dapat na pangalagaan.” mahabang sabi ni Christian.

Nakakainis talaga! ang daming alam!

“Ano ba ang alam mo Christian? Narating mo na ba ang narating ko? Manager ka ba rito? Ako ang manager! Tandaan mo yan!” sigaw niya, tumataas na ang tensyon sa paligid.

“Hindi ko naman ho kailangang maging manager para matutunan ang paggalang sa kapwa. Kahit nga ho iyong mga hindi nakapagtapos, alam yan. Daig pa nila kayo.” sagot ng lalaki habang nakangiti, siguro ay nasa 23 taong gulang pa lamang ito.

Nagdabog si Francis at umalis na dahil di siya makasagot sa binata.

Advertisement

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay naghahanda na sila sa pagdating ng anak ng kanilang amo.Nakaayos ang lahat ng empleyado habang bihis na bihis naman si Francis, kay laki ng ngiti niya nang salubungin ang director ng kumpanya.

“Good morning Sir, masaya ho kaming makita kayo ulit.” sabi ni Francis sa matanda.

“Ako rin Francis, maayos mo bang pinamamahalaan ang mga tao?” tanong nito sa kanya.

“Oo naman ho Sir, hindi ko sila pinababayaan.” pagsisinungaling niya.

Maya maya pa, pumwesto na ang matanda sa gitna. Nagtataka si Francis kung bakit wala itong kasama, nasaan ang bago nilang director? Ahh, baka pasunod pa lang.

“Everyone, maraming salamat sa dedikasyon nyo sa trabaho. Kung hindi dahil sa inyo ay hindi uunlad ang kumpanyang ito. Pero alam nyo naman, may edad na ako at kailangan ko nang ipasa sa anak ko ang responsibilidad. Isa lang ang masisiguro ko, mabuting tao siya at hindi niya kayo pababayaan. Sa katunayan ay pinili niyang magtrabaho muna bilang office staff dito para mapag aralan niyang mabuti ang takbo ng negosyo.” sabi ng matanda, napuno ng bulung bulungan ang opisina. Maging si Francis ay nalilito sa sinasabi ng boss niya.

“Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang aking nag iisang anak, ang bagong director ng kumpanya, Christian Pantoja!” gulat ang lahat nang nakangiting lumapit si Christian sa ama.

Pulang pula naman ang mukha ni Francis, kaya pala matalino at napakagaling ni Christian, mana pala ito sa ama!

Advertisement

Lumipas ang mga buwan at naging napakaligaya ng mga empleyado, taliwas sa pag aakala ni Francis, hindi siya tinanggal ni Christian sa kanyang pwesto. Nagulat siya sa kabaitan ng amo, sa kabila raw kasi ng kagaspangan niya rito noon ay nakita naman nito ang kanyang kagalingan.

“Sir, salamat po talaga.” sabi niya sa amo na abalang nagta-type sa laptop nito.

“Wala yon, Sir Francis. Umaasa lang po ako na natuto na kayong itrato nang maayos ang mga tao. Mas masarap pong magtrabaho kapag magaan kasama ang mga kasamahan,at may respeto sa isa’t isa,” nakangiting sabi nito, kahit mas mataas ang pwesto nito ay ‘Sir’ pa rin ang tawag sa kanya.

Napapahiyang tumango na lang si Francis, kahit mas bata si Christian ay mas marami pa siyang natutunan rito. Pagpapatakbo ng negosyo, matalinong pagdedesisyon at higit sa lahat, respeto.