Bobo at Hindi Marunong Mag-Ingles ang Binata Kaya’t Labis na Pang-iinsulto ang Natanggap Ngunit Mapapahiya ang Marami sa Mararating Niya

Bobo at Hindi Marunong Mag-Ingles ang Binata Kaya’t Labis na Pang-iinsulto ang Natanggap Ngunit Mapapahiya ang Marami sa Mararating Niya

InspiringStoriesSuccess

Magkaklase noon si Howard at Vincent sa high school. Matalino at sikat ang binatang si Vincent. Lagi kasi itong nangunguna sa klase samantalang sikat naman si Howard pagdating sa pagiging presidente ng eskwelahan. Kahit na hindi kagalingan sa mga leksyon ay magaling naman ito sa pamumuno ng tao.

“Howard, ‘yang pagiging presidente mo ng mga organisasyon ay hindi makakapag-ahon sa’yo sa kahirapan. Maganda lang ‘yan ngayon dito sa loob ng eskwelahan, pero mas kailangan mong bigyan ng pansin ang iyong academics dahil ito ang magiging panlaban mo,” wika sa kaniya ni Vincent.

Image courtesy ofwww.google.com

“Hayaan mo Vincent, gagalingan ko pa. Pero magagamit ko ba ang Algebra sa pagbili ko ng suka?” tumatawang sagot ng binata.

Image courtesy of
www.google.com

“Hindi, kung suka lang ang hihilingin mong mabili. Pero kung bibili ka ng mga mamahaling bagay at pagkain, kailangan mo ng Algebra sa buhay mo, kailangang magaling ka mag-English kasi yun ang tinatangap na may malaking sahod,” saad naman ni Vincent.

“Bobo ka kaya sa English at Math,” dagdag pa nito sabay tawa ng malakas. At nagtawanan din ang ibang kaklase ng dalawa.

“Good morning class,” bati ni Ms. Perez, ang English teacher nila.

Image courtesy ofwww.google.com

“Howard, can you please tell me what happened to the story of Romeo and Juliet? Please give me your opinion about their love story and a moral of the story also,” saad pa ng guro at nanginginig ang binata.

“Ma’am, ahm. Romeo and Juliet meet a long long time ago. They fall in love but family of Juliet is no to Romeo,” pahayag ni Howard at basang-basa na ang mga kamay ng binata dahil sa kaba at lalo pa itong tumindi nang magtawanan ang ibang kaklase.

“What? Maupo ka nga Mr. Santos, Diyos ko Howard Santos! Presidente ka ba talaga ng student council? Bakit ganyan ka mag-English at mali pa ang details mo, nakakahiya ka. Ako ang nahihiya para sa’yo,” wika ng guro sabay iling ng ulo nito.

“Alam kong magaling kang lider, magaling kang bata pero kailangan mong mag-invest sa acads or else maiiwan ka. Hindi kita ipapasa, simpleng English sentence ay hindi mo magawa ng maayos,” dagdag pa ni Ms. Perez.

“Nag-aaral naman ho ako ma’am,” malungkot na pahayag ng binata.

“Nag-aaral? Kung nag-aaral ka dapat hindi ganyan ang sagot mo sa akin, nasa kalahati na tayo ng taon pero bobo ka pa rin!” madiing wika ng guro.

“Irerequest ko sa adviser mo na tanggalin ka na lang sa student council dahil hindi mo natututukan ang acads mo,” dagdag pa nito at pinaupo ang binata.

Iyon na siguro ang naging pinakamasakit na alaala ni Howard sa kaniyang pagiging hayskul, hindi niya ito nakalimutan dahil sa sakit na naidulot sa kaniya.

Lumayas siya sa kanilang lugar at nagtago ito, halos walang narinig na balita mula sa kaniya.

Lumipas ang mahabang panahon at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya ang ibang kaklase.

“T*ngin* Howard! Ikaw ba yan?” sigaw ni Vincent nang makita ang binata sa labas ng isang classroom ng unibersidad.

Image courtesy ofwww.google.com

“Ano’ng ginagawa mo dito Vincent?” tanong sa kaniya ni Howard.

“Naku, dito ako nagtratrabaho,” saad nito?

“Isa kang guro?” tanong muli ni Howard.

“Anong guro pinagsasabi mo diyan? Ako ang may-ari ng canteen dito. Oh ikaw? Anong ginagawa mo dyan? Wag mong sabihing nag-aaral ka pa rin ng kolehiyo ngayon?” baling naman ni Vincent dito.

“Hindi,” nakangiting sagot ni Howard.

“Sh*t! Nagtitinda ka? Gusto mo ba tulungan kita diyan sa bag mo? Sabi ko naman kasi sa’yo na mag-aral ka dati. Kita mo wala kang narating sa buhay,” saad muli ni Vincent at tinignan ang lalaki mula ulo hanggang paa sabay titig sa bag nitong napakalaki.

Image courtesy ofwww.google.com

Ngunit hindi na sumagot pa si Howard at pumasok ito sa isang classroom, halos malaglag ang panga ni Vincent ng batiin siya ng mga mag-aaral na, ” Good morning Professor Santos.”

Ngumiti naman at kumaway si Howard sa kaniya sa labas, hindi makapaniwala si Vincent na ang kaklase niya noon na hindi marunong mag-English ay isang propesor na ngayon.

Bago matapos ang klase ay dumaan si Howard sa canteen ni Vincent.

“Oh andito ka ba para laitin ako?” saad ng lalaki kay Howard.

“Hindi, nandito ako para magpasalamat. Dahil kung hindi ninyo ako minaliit dati ay hindi ako magiging matagumpay ngayon. Palagi kong binabalikan yung araw kung saan paulit-ulit mong sinabi sa akin na bobo ako, pati yung araw na pinahiya ako ni Ms. Perez. Dahil doon nagpursige ako sa buhay,” pahayag ni Howard.

“Salamat Vincent,” dagdag pa nito.

Hindi naman nakasagot ang lalaki sa sobrang hiya. Doon niya napag-alamang nakapagtapos ang lalaki at Summa Cum Laude pa ito. Nag-aral din sa ibang bansa para sa kaniyang masteral at English pa ang tinuturo ngayon.

Nahihiya man siya para sa kaniyang sarili dahil sa panglalait niya noon ay masaya pa rin siya para kay Howard ngayon.

Hindi talaga natin masasabi ang tadhana ng tao sa pamamagitan ng galing nito sa eskwelahan kundi sa determinsyon sipag, at kababaan ng loob. Ngayon na isang guro na si Howard ay hindi niya ginagawa ang mga naranasan na panglalait noon, bagkus sa mas mabuting paraan niya itinatama ang mali ng mga estudyante. Dahil naniniwala siyang hindi kailangan laging manakit ng tao upang matuto.

More Stories