Pa-Score Naman, Ganda!

Excited na bumaba sa plaza si Robert, first time niyang makakarating rito sa probinsya kung saan nakatira ang pamilya ng kaibigang si Michael. Hindi niya na dinala ang kotse para hindi niya na alalahanin pa ang parking.

Sabi kasi ni Michael, marami raw talagang dumarayo dahil masaya rito kapag fiesta. Kitang-kita niya namang totoo talaga iyon. Buhay na buhay ang plaza. Napasimangot lang siya nang magring ang kanyang cellphone, tumatawag si Bianca. Ang ‘latest’ girlfriend niya.

Oo, isa siyang napakatinik na babaero. Walang tumatagal na dalaga sa kanya, isang Linggo lang ay tapos na agad. Basta matikman niya lang, goodbye na.

“Hello?”

“Sa wakas sinagot mo rin! Parang wala kana talagang balak eh no? Ang kapal ng mukha mo, iniwan mo pa akong noong umaga after mong makuha ang gusto mo-“

“Hello? Hello? Biancs? I can’t hear you. Tawagan nalang kita ulit later,” nagkunwari pa siyang nawawalan ng signal kahit na ang totoo ay wala lang talaga siyang ganang kausapin ito.

Ibinaba niya na ang tawag at itinext si Michael na nasa plaza na siya. Medyo loob raw kasi ang bahay ng mga ito kaya i-text niya muna raw kung nakarating na siya upang ituro nito ang direksyon.

Sabi ng lalaki, sumakay raw siya ng tricycle at sabihin niyang sa Poblacion siya magpapahatid.

Advertisement

“Boss special na? O maghihintay pa ho ng kasabay?” tanong ng tricycle driver.

“Sige na manong, hintay na tayo. Di naman ako nagmamadali.” nakangiting sabi niya. Ang totoo ay style niya lang iyon. Baka may sumakay na chicks di ba? Sawa na siya kay Bianca.

Tila dininig naman ang panalangin niya dahil ilang sandali lang ay sumakay ang isang napakagandang babae. Anak ng patola, balut na balot ito at may puti pang balabal sa mukha pero kita niya ang mala-anghel nitong aura.

“Hulog ng langit,” wala sa loob na bulong niya. Nginitian naman siya ng babae.

Umandar na ang tricycle at wala siyang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa loob. Naroong sadyain niyang magkadikit ang mga palad nila, or kunwari ay na-out balance na mapapasandal siya rito. Naasiwa naman ang babae, ang mga ngiti ay napalitan ng pagsimangot dahil sa hayagang pagpapakita niya ng motibo.

“Sa tabi nalang,” wika nito.

“Ay, bababa kana? Ano pala ang name mo miss? And.. your number too?” lakas loob na tanong ni Robert.

“Hindi ko ipinamimigay ang pangalan ko sa hindi ko kilala. Lalo na ang number ko,” mataray na sabi nito tapos ay lumayo na. Malungkot na napasandal nalang siya.

Advertisement

Ilang minuto pa ay natanaw niya na ang gate nina Michael. Masayang naghihintay ang binata sa labas. Bago siya bumaba ay tinawag siya ng driver.

“Boss, may ibubulong ako sayo.”

Kumunot naman ang noo niya pero lumapit rin dito.

“Yung chicks mo kanina? Pakipot lang iyon. Style niya iyon pero ang totoo ay marami na siyang na-biktimang taga-Maynila. Kung gusto mo talagang maka-score, nakatambay iyan sa likod ng kumbento tuwing alas onse ng gabi. Puntahan mo mamaya, nagpapat*ra yan sa kung kani-kanino.”

Nanlaki ang mata ni Robert, “Talaga?”

“Oo! Sigurado yan boss, kilalang malandi yan dito sa amin,”

“Puntahan ko nga. Salamat manong ha! O dagdag, galing mo eh.” tuwang tuwang wika niya. Dinagdagan pa ng isang daan ang ibinayad rito.

Masaya siyang winelcome ng pamilya ni Michael pero lumilipad ang utak ni Robert. Napagdesisyunan niyang wag nang banggitin sa kaibigan ang balak dahil baka maunahan pa siya nito. Ipagtatanong niya na lamang kung saan ang kumbento.

Advertisement

Mabilis lumipas ang oras at 10:45 na ng gabi. Dahan-dahang naglakad palabas ng gate si Robert, sobra ang pagkasabik na nadarama niya.

Wala na siyang mapagtanungan dahil wala nang tao kaya hinanap niya na lang ang kumbento.

Nang makita iyon ay agad siyang nagtungo sa likod, napansin niya nga ang dalaga na nakatayo. Madilim ang buong lugar pero dahil puti ang balabal nito ay kitang kita ito.

“Ang landi nga, naghihintay talaga.” nakangising bulong niya sa kanyang sarili.

Hindi na siya nagsalita at agad itong niyakap patalikod. Narinig niyang humagikgik ito kaya lalo siyang nag init. Hinalik-halikan niya ang leeg ng babae, hindi niya na natiis at hinubad na ang kanyang pantalon. Wala siyang pakialam kung may makakita.

Patalikod niya itong inangkin at buong puso naman itong pumayag.

Nang matapos siya ay hinihingal na mabuti si Robert, nagbihis na siyang muli at nakangising nagsalita.

“Sobrang pakipot mo miss. Papayag ka rin pala. Naisahan kita, ako yung kasabay mo kanina.” tatawa-tawang sabi niya.

Advertisement

Ganoon na lamang ang pagkagimbal ng binata nang humarap ang babaeng ka-niig niya kanina lang.

“Mas naisahan kita, ako yung tricycle driver!”

Sa sobrang sindak ay nagtatakbo palayo si Robert. Pusong mamon pala ang driver at gawa-gawa lang nito ang kwento para maka-score sa gwapong binata.

Takang taka si Michael kung bakit di pa nagtatagal ay umalis na rin ang kaibigan, bumalik na sa Manila.

Iyan ang napapala ng mga babaero.