Mapusok na Pag-ibig

Mag-isang binubuhay ni Zaida ang anak na si Albert. Malaki ang pangarap niya para sa anak, kaya kahit doble-doble na ang kanyang trabaho ay hindi niya iniinda ang hirap na dinaranas niya.

“Zaida, hindi ka pa ba napapagod?”

“Oo nga, nagtitinda ka na sa palengke tapos tumatanggap ka pa ng labada sa gabi.”

“Nako, wala naman ang pagod basta para sa anak ko,” tugon ng ginang sa mga kasama.

“Napaka-swerte talaga ni Albert sa iyo. Napakasipag ng nanay niya.”

“Maswerte rin naman ako sa anak ko! Mabait, matalino at masipag mag-aral,” pagmamalaki ni Zaida sa kanila.

Matapos maglabada umuwi na ang ginang upang ihanda ang hapunan ng anak. Halos isang oras na rin pero hindi pa umuuwi ang binata. Nag-aalala na si Aling Zaida kaya naisipan niyang lumabas ng bahay at hanapin ang anak.

Saktong nakasalubong niya ang mga kaibigan nito.

Advertisement

“Bryan? Nasaan ang anak ko? Bakit hindi niyo kasama?” tanong niya sa binata.

“Hinatid pa niya po si Celine sa bahay nila, Aling Zaida. Kaya nauna nalang po kami,” sagot ng binata.

“Sinong Celine? Guro niyo ba iyon? Baka nagpasama magdala ng gamit kay Albert, tama ba?”

“Hindi po. Hindi po namin guro si Celine. Bagong lipat na estudyante po iyon sa klase namin.

Hindi makapaniwala si Zaida sa narinig. Naglaro agad ang isip niya, baka may nililigawan na ang anak niya! Bumalik na lang siya ng bahay at matiyagang naghintay sa anak.

Hanggang sa dumating na ito.

“Nanay?” tawag sa kanya ng anak.

Nagpunta sa kusina si Albert kung saan naroon ang ina.

Advertisement

“Wow! Mukhang masarap ang ulam ngayon a!” masayang bungad ng anak.

“Mas masarap ‘yan kung mainit pa! Saan ka ba nanggaling at lumamig na lang ang ulam?!” sarkastikong pahayag ni Aling Zaida.

Nakangiti lang sa kanya ang binata. Batid niyang masayang-masaya ito.

Sa mga sumunod na araw, mas naging mahigpit na si Aling Zaida sa anak. Hindi man niya sabihin pero matagal na niyang minamanmanan ang ginagawa ni Albert.

Lagi na itong gabi umuuwi kaya’t hindi na nakakapag-aral ng maayos. Isang beses pa nga ay napagsabihan niya ang anak dahil nahuli niya kasing may kausap ito sa cellphone, imbes na mag-aral!

“Albert ano ka ba, wala ka nang ginawa kundi makipag-usap sa cellphone! Hindi ka ba mag-aaral?!” sita nito sa anak.

“Sorry po, ‘nay. Mamaya-maya po.”

“Siguraduhin mo lang na walang nakaka-istorbo sa pokus mo sa pag-aaral! Malaman ko lang na may iba ka nang inaatupag, malilintikan ka talaga sa’kin!” banta ni Aling Zaida sa anak.

Advertisement

Dahil sa naging reaksyon ni Aling Zaida ay mas naging mailap na sa kanya ang anak. Mas naging malihim na ito sa ina.

“Albert, ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Naghahanap ng tiga-hugas doon sa resort, malaki ang bayad kaya ako na lang ang tumanggap sa trabaho. Asikasuhin mo ang bahay at huwag kang masyadong aalis-alis dito.”

“Sige po inay, ako na ang bahala rito.”

Taliwas sa ipinangako sa ina, hindi maganda ang ginawa ni Albert sa bahay nila. Nagsama sila ni Celine at may nangyari pa sa dalawa!

“Albert, ayoko! Mga bata pa tayo!” sabi ni Celine habang pinipigilan ang malilikot na kamay ng nobyo.

“Ano ka ba, hindi na ako bata at marunong na ako,” pagpupumilit pa ni Albert.

“Pero Albert…” pilit na pagtanggi ng dalaga.

“Wala nang pero-pero, mahal mo ako ‘di ba?”

Advertisement

Wala nang nagawa si Celine at malayang inangkin ni Albert ang kanyang pagkababae.

Dahil mga bata pa hindi napigilan ng magkasintahang Celine at Albert na gawin ang mga bagay-bagay na alam nilang mali.

Pagbalik ni Aling Zaida, wala siyang kaalam-alam na may nangyari na sa dalawa. Hanggang sa hindi pa siya nakakapasok ng tuluyan sa bahay nila ay sumugod na ang ama ng dalaga.

“Hoy Zaida! Nasaan ang magaling mong anak?! Nasaan siya?!”

“Anong bang problema mo, David?! Huwag kang mag-iskandalo rito sa pamamahay ko!”

“Ang kapal ng mukha niyang anak mo! Bakit niya tinatago ang anak ko at ibinahay niya pa riyan sa inyo?!”

“Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo! Wala dito ang ana—,” hindi pa nakakatapos ng sasabihin ni Zaida nang bigla na lamang sumigaw ang tinig ng isang dalaga mula sa loob ng kaniyang bahay.

“Papa!” tumatakbo palabas ng bahay nila ang dalaga. Iyak nang iyak ito dahil sa takot sa ama.

Advertisement

Nabigla si Zaida sa nakita kaya hindi na siya nakapagsalita. Agad-agad siyang pumasok ng bahay at pinagalitan ang anak. Nakaupo lang at nakatingin sa kawalan ang anak.

“Ano ba itong pinasok mo, Albert?! Bakit hindi ka nakinig sa akin?! Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na gawin mo ang tama! Bakit ka umabot sa ganito?!”

Iyak nang iyak lamang at hindi umiimik itong si Albert. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang ina.

“Sumagot ka sa akin, may nangyari ba sa inyo? Ginalaw mo ba siya?! Sumagot ka anak?!”

“Nay, patawarin niyo po ako. Hindi ko po sinasadya,” humahagulgol nitong sagot.

Batid na ni Aling Zaida na may mahirap na sitwasyon na kakaharapin ang anak. Hindi niya alam kung paano nila matatakasang mag-ina ang kanilang problema.

Binalak nilang umalis pero, paglabas nila ng bahay may mga pulis na nag-aabang sa anak niya.

“Albert, may warrant of arrest kami laban sa’yo. Haharap ka sa kasong pananamantala, lalo na ng isang menor de edad pa!” banta ng pulis sa kanya.

Advertisement

Wala nang nagawa si Zaida sa hatol para sa anak niya. Sinubukan niyang makiusap sa pamilya ng dalaga, pero galit na galit sa anak niya ang ama nito, dahil sa ginawang panghahayop sa nag-iisa niyang anak na babae.

Nagsisisi man si Albert sa kaniyang ginawa, ngayon ay huli na ang lahat. Sa murang edad, nahatulan siya ng walong taong pagkakakulong. Kung napigilan lamang sana niya ang kaniyang kapusukan, hindi masasayang ang kaniyang pagkabata sa loob ng piitan.