Nambabae ang Lalaki kaya Nawala ang Alaga Nilang Baboy ng Kaniyang Misis; Laking Malas Niya sa Pagkawala Nito

Nambabae ang Lalaki kaya Nawala ang Alaga Nilang Baboy ng Kaniyang Misis; Laking Malas Niya sa Pagkawala Nito

FunKarmaStories

Alas singko pa lang ng umaga ay gising na si Lyndon para pakainin ang mga alaga nilang baboy ng kanyang misis na si Silda. Babuyan ang hanapbuhay nilang mag-asawa kasama na roon ang pagpapalahi.

“Kain nang kain, aming bulugan! Marami kang kostumer na darating mamaya!” masayang sabi ni Lyndon habang pinapakain ang alagang bulugan.

Simpleng hanapbuhay lamang ang pagpapalahi ng baboy pero malaking tulong naman ito sa mga gastusin nila sa araw-araw.

“Okay na rin ang ganitong trabaho. Hindi ako masyadong pagod, ang bulugan namin ang kumakayod para sa amin ni darling,” tatawa-tawa pang sambit ng lalaki.

Hindi pa natatagalan ay dumating na ang unang kostumer na magpapalahi sa alaga nilang baboy. Isang maganda at seksing babae ang magpapalahi kay Lyndon este sa kanyang bulugan.

Mayamaya ay sinimulan na ng bulugan ni Lyndon ang trabaho samantalang ang lalaki ay hindi maaalis-alis ang tingin sa kanyang unang kostumer. May kung anong naglalaro sa isipan niya.

“Kung itong may-ari ng baboy ang magpapakuwan, tiyak na solved na solved ito sa akin!” wika ni Lyndon sa isip habang sinisipat-sipat ang malaking hinaharap ng babaeng kustomer.

Ang babae ay ang biyuda nilang kapitbahay na si Vicky. Noon pa ma’y malaki na ang paghanga niya sa maganda at seksing kapitbahay. ‘Di nagtagal ay tapos nang trabahuhin ng bulugan ni Lyndon ang unang baboy ni Vicky ngunit nang sumalang na ang dala nitong pangalawang baboy ay may napansin ang babae.

“Naku, Lyndon, mukhang pagod na ang bulugan mo! Hindi na makasampa, o!” tatawa-tawang sabi ni Vicky.

“Ha? A, eh… hindi na nga yata kaya… bukas na lang ‘yang isa pang baboy mo!” sagot niya.

“Eh, hindi ako makakapunta rito bukas,” hirit ng babae.

“Don’t worry! Kami ni bulugan ang pupunta sa bahay mo!” nakangising sagot ni Lyndon.

“Sige, hihintayin ko kayo bukas,” tugon naman ni Vicky sabay kindat pa sa kanya.

Nang makaalis ang babae ay may nakita siyang pilyang ngiti mula rito.

“Kahit saang anggulo ko silipin, hindi pa kumukupas ang init ni Vicky. Tiyak na bibigay ito sa akin,” tatawa-tawang sabi ni Lyndon na naglalaro na sa isip ang gagawin kapag nagkita silang muli ng babae.

Kinabukasan ay maagang nagpaalam si Lyndon sa asawang si Silda.

“Mauna na muna ako ha, Silda! Magho-home service kami ni bulugan!”

“Aba, kung ganyan bang sinisipag ka eh, ‘di lumarga ka na at sayang din ang kikitain mo riyan,” tugon sa kanya ni Silda.

Nang marating ng mokong ang bahay ni Vicky ay mas lalo siyang naatat dahil nakita niya itong bagong ligo at maiksing damit lang ang suot.

“Good morning, Lyndon! Ang aga niyo a!”

“Siyempre, mas maaga, mas mainam,” sagot ni Lyndon na hindi kumukurap ang mga mata sa pagkakatitig sa seksing katawan ni Vicky. “Humahalimuyak ang babaeng ito! Talagang balak na ipasimsim ang bango,” habol pa niya sa isip.

Sinimulan na ng bulugan ni Lyndon ang trabaho hanggang sa maaga itong makatapos. Dahil sa pagod ay pinatulog muna ni Lyndon sa labas ng bahay ni Vicky ang kanyang bulugan samantalang siya ay nag-uumpisa pa lang na trabahuhin si Vicky.

“O, Vicky, talagang hindi kumukupas ang iyong kagandahan,” wika ni Lyndon.

“T-tila may gustong tumbukin ang iyong dila, Lyndon,” mapang-akit na tugon ni Vicky.

Makaraan ang ilang sandali ay isinakatuparan na ni Lyndon ang balak. Umiskor na siya kay Vicky.

At tuluyan nang nalimot ni Lyndon ang kanyang bulugan na nasa labas ng bahay. Mayamaya ay may dalawang lalaking tambay na nakakita sa bulugan niya.

“Uy, pare ang laking baboy, o! Tara, dekwatin natin hangga’t walang nakakakita!” wika ng lalaking lasing.

“Sige, p’re! Ibenta natin!” tugon ng kasama.

Pagkatapos ng ligaya sa piling ni Vicky ay hindi mapakali si Lyndon dahil kahit anumang hanap niya sa kanyang bulugan ay hindi na niya ito matagpuan.

“Nakupo! Nasaan na si bulugan? Lagot ako tiyak kay Silda ngayon!” nangangatog na sambit ni Lyndon sa isip.

Agad niyang ipinaalam sa asawa ang pagkawala ng kanilang bulugan. Nagsinungaling na lamang siya para hindi malaman ni Silda ang totoong nangyari ngunit malakas ang kutob ng babae at nag-imbestiga. Nang malaman ni Silda na si Vicky na biyuda ang pinuntahan ni Lyndon ay nag-init ang bumbunan nito at kinompronta ang mister.

“Akala mo siguro ay hindi ko matutuklasan na si Vicky na biyuda ang dahilan kung bakit nawala ang ating bulugan!” galit na sabi ni Silda na may bitbit na shotgun.

“Patawarin mo ako, darling! Inakit lang niya ako, hindi ko sinasadya! Hindi na ako uulit!” takot na takot na sagot ni Lyndon sa asawa. Retiradong pulis si Silda at magaling sa paghawak ng baril kaya tiklop siya rito.

“Hindi ka na talaga uulit sa ipapagawa ko sa iyo! At huwag na huwag kang tatanggi sa akin, Lyndon, kundi ay malilintikan ang isa mo pang bulugan!” wika ni Silda sabay tutok ng shotgun sa harapan ng mister.

Kinaumagahan, laking gulat ni Lyndon nang malaman ang gustong ipagawa sa kanya ni Silda.

“B-bakit ikinulong mo ako rito sa babuyan na may kasamang mga inahing baboy, darling?” kinakabahang tanong ni Lyndon.

“Simulan mo na ang trabaho mo! Kailangang magbuntis ang mga inahing baboy na ‘yan kahit na walang bulugan, kundi’y todas ‘yang bulugan mo!” tugon ni Silda na muling itinutok sa harapan niya ang shotgun.

Alam naman ni Silda na imoral at hindi tama ang kaniyang pinagagawa sa mister, sadyang tinatakot lang niya ito upang tuluyang magtanda. Isang gabi niya itong pinatulog sa mabahong kulungan ng baboy, kaya’t kinabukasan ay naglumuhod at lumuluha na itong nagmakaawa at nanghingi ng tawad sa kaniya.

Mula noon ay hindi na nagawang magloko ni Lyndon sa kanyang asawa. Kahit kailan ay hindi na rin niya binalikan ang biyudang si Vicky na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang bulugan.

More Stories