Nagkita sa Kanilang Paboritong Lugar ang Magkalaguyo; Nagulat Sila Nang Hindi Sila Palabasin Noong Pauwi na Sila

Nagkita sa Kanilang Paboritong Lugar ang Magkalaguyo; Nagulat Sila Nang Hindi Sila Palabasin Noong Pauwi na Sila

FunKarmaStories

Habang natutulog ang misis na si Geraldine ay palihim na bumaba ng kama si Castor. Kinuha ang kaniyang cellphone, at lumabas ng balkonahe.

Tatawagan niya ang kaniyang kalaguyong si Beth, na dalawang taon na niyang karelasyon nang palihim.

“Bakit ang tagal mong tumawag? Nakatulog na ako,” pupungas-pungas na sabi ni Beth sa kabilang linya.

Halos pabulong na nagsalita si Castor.

“Eh kasi si Geraldine eh… nangalabit! Kakatapos lang namin. Tapos hayun, natulog na. Hindi ako natulog kasi tatawag nga ako sa iyo,” wika ni Castor.

“Hayop ka ah! Naka-iskor ka na pala at ang misis mo tapos ako, zero? Tigang na tigang na ako Castor, sige ka, papadilig ako sa iba!” banta ni Beth.

“Huwag ka nang magalit bebe ko, kaya nga ako tumawag sa iyo eh para hindi ka maghintay at umasa. Alam mo naman na miss na miss na kita, at ikaw ang mas gusto kong kaanuhan kaysa kay misis. Eh nagkataon naman na naka-work from home kami simula noong lockdown kaya hindi na ako masyadong nakakalabas. Pero huwag kang mag-alala, babawi ako sa iyo. Gusto mo pumunta ako diyan sa bahay mo?”

“Bawal. Nandito sina Nanay at kapatid ko. Naabutan na nga ng lockdown. Bad trip nga eh, ayaw umuwi sa probinsya at natatakot daw bumiyahe at baka makasagap ng virus. Ano, titigan na lang ba ha, Castor? Sawa na ako sa kamay-kamay, baka naman magawan mo ng paraan!” angal ni Beth na aminadong mataas ang pangangailangan bilang isang babae.

“Oo na, sige-sige, ganito na lang… doon na lang ulit sa hotel na dati nating pinupuntahan.  Bukas, magkita tayo at sabik na sabik na ako sa iyo.”

Tila sumaya naman ang boses ni Beth nang marinig ang sinabi ng karelasyon.

“Talaga bebe ah? Bukas ah? Lagot ka sa akin kapag ‘di mo ko sinipot, sira ka… sa wakas, maaambunan na rin ang tigang kong pechay! I love you bebe ko!”

“I love you more bebe ko!”

Parang kinikilig-kilig pa si Beth nang ibaba niya ang linya.

Mahal na mahal niya si Castor kahit na may asawa pa ito. Sa totoo lang, wala naman siyang pakialam kung may asawa at mga anak si Castor. Una pa lamang, alam na niya ito nang ‘di-sinasadyang magkakilala sa isang party kung saan may common friend sila.

Hindi rin niya hinangad at hininging iwanan nito ang misis niya upang sumama sa kaniya. Sapat na para sa kaniya ang atensyon at pagmamahal na ibinibigay nito sa kaniya. Hindi na siya naghangad pa na maging numero uno dahil kahit saang tingnan, talo siya. Hindi siya ang legal na misis dahil kabit lamang siya.

Inaasam-asam na lamang niya na huwag magsawa sa kaniya si Castor, o kaya naman ay magdesisyon itong talikuran na ang kanilang relasyon.

Samantala, mahal na mahal naman ni Castor ang kaniyang misis ngunit para sa kaniya, okay din na paminsan ay tumitikim-tikim ng ‘side dish’ upang hindi magsawa sa ‘main course.’

Para sa kaniya, isang masarap na side dish lamang si Beth. Alam niya pa rin kung ano ang nasa menu na kailangan niyang pagtuunan ng pansin at alagaan bilang misis.

Kaya ingat na ingat siya sa tuwing nagkikita sila ni Beth. Hangga’t maaari ay sa malayong hotel sila nagtutungo lalo na sa mga lugar na sa palagay niya ay walang nakakikilala sa kaniya.

Nagpaalam si Castor na may kukunin lamang na mahalagang gamit sa opisina at kaagad itong babalik.

Agad na siyang dumiretso sa hotel kung saan sila magche-check in ni Beth.

Bago makapasok sa loob ng hotel ay sumailalim muna siya sa pagkuha ng temperatura at pagsagot sa pormularyo para sa contact tracing.

Nang makapasok na siya sa loob ng hotel room ay naroon na si Beth. Nakahiga na ito sa kama at nakasuot ng lingerie. Wala nang usap-usap. Dinaluhong ni Castor si Beth. Bakbakan na!

Matapos ang ilang minuto ay humihingal na ibinagsak nila ang mga pawisang katawan gayong malamig at nakabukas ang aircon sa loob ng paupahan at makasalanang silid.

“Aminin mo… mas masarap pa rin ang side dish kaysa main course…” sabi ng humihingal na si Beth. Naabot nila nang sabay ni Castor ang rurok. Sa wakas ay nadiligan na rin ang tigang na lupa.

“Oo naman, bebe ko. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para mabigyan ka ng oras, ‘di ba?” saad ni Castor.

Naka-tatlong rounds pa sila bago tuluyang magdesisyong magsiuwi na.

“Kita ulit tayo sa susunod na linggo ha?” sabi ni Beth.

“Oo naman, bebe ko. Basta, chat-chat na lang.”

Ngunit nang sila ay nasa lobby sila, nagulat sila nang hindi sila palabasin ng receptionist.

“May mga nagpositibo po kasi sa mga guest at crew kanina kaya bawal po munang lumabas ang lahat ng narito. Kailangan po muna nating mag-quarantine, ayon sa pinapatupad na health protocol ng pamahalaan. Isa pa ho, may emergency lockdown na magaganap mamaya, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga maysakit.”

“Mga ilang araw ang quarantine?” kinakabahang tanong ni Castor.

“Mga 14 na araw po, sir. Kailangan po nating mag-swab test lahat para makatiyak tayo.”

Walang nagawa sina Castor at Beth kundi bumalik sa kanilang kuwarto. Tuwang-tuwa si Beth na makakasama niya nang halos 2 linggo si Castor subalit kabadong-kabado naman ang lalaki.

“Ano ka ba, s’yempre magtataka si Geraldine kung nasaan ako! At kung bakit ako nasa hotel na ito, eh ang paalam ko, pupunta lang ako sa opisina para may kuning mahalagang bagay para sa trabaho! Mabubuking ang relasyon natin,” nababahalang sabi ni Castor.

“Eh… anong gagawin natin niyan?” tanong ni Beth.

“Hindi ko alam eh. Tulungan mo naman akong mag-isip ng alibi!”

“Ganito, sabihin mo inutusan ka ng boss mo na dumalo sa isang conference na ang venue ay sa hotel! Tapos sabihin mo may nagpositibo kaya hindi pinayagan ang lahat na lumabas at umuwi,” mungkahi ni Beth.

“Ano ka ba, sa tingin mo ba hindi matalino si Geraldine para hindi niya maisip na magtanong dito at kumpirmahin ‘yan? Baka malaman pa niya na may kasama ako sa kuwarto. Not a good idea, bebe, mabubuking pa rin ako!”

Nag-isip pa ng ibang paraan si Castor. Hindi siya mapakali. Hindi puwedeng mabuking ang kaniyang kalokohan. Malalaman ng kaniyang misis na may kasama at kung sino ang kaniyang kasama sa pagcheck-in sa hotel, kung sakaling magtaka ito kung ano ang ginagawa niya roon.

Hanggang sa mapatingin si Castor sa bintana ng hotel.

“Tatakas tayo.”

“Ha?” tanong ni Beth.

“Tatakas tayo. Basta. Ako’ng bahala. Doon tayo dadaan sa likod, sa fire exit. Walang makakapansin sa atin. Kailangan nating makauwi sa mga bahay natin bago ang emergency lockdown!”

At ganoon na nga ang ginawa nila. Walang nakapansin sa kanilang pagtakas dahil sino nga ba ang mag-aakalang may tatakas sa biglaang health protocols na ipinatupad ng hotel?

“S-Saan ka nagsuot, Castor, at bakit parang balisa at pawis na pawis ka?” sita ni Geraldine sa asawa nang makauwi na siya.

“Ah, wala… wala… kuwan, nagmadali akong umuwi dahil sa curfew. Naiwanan ko kasi ang quarantine pass ko, eh magpapatupad daw ng emergency lockdown, narinig ko.”

Nakahinga nang maluwag si Castor. Agad niyang chinat si Beth kung nakauwi na ito sa kanila. Nakauwi naman na raw, tugon nito.

Ngunit hindi alam ni Castor na talagang walang lihim na ‘di nabubunyag, kahit na ano pang takas ang gawin.

“Castor! Castor! Walang hiya ka! Bakit ka nasa balita?” bulalas ni Geraldine nang sa panonood nito ng balita sa telebisyon ay tumambad ang mukha ni Castor kasama ang mukha ni Beth.

‘Dalawang magkasintahan ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos tumakas sa isolation na ipinatupad ng isang hotel sa kanilang mga guests at staff, matapos magkaroon ng maraming kaso ng virus, sila ay nakilala sa pangalang Beth Singson at Castor Belmonte. Ayon sa ulat, dumaan sa fire exit ng hotel ang dalawa, na magkasama sa iisang hotel room…’

“Napakawalang hiya mo, Castor! Hayop ka! Sino ang babaeng kasama mo sa hotel? Kabit mo? Kabit mo, ha? Kailan pa ito? Kailan mo pa ako nilolokong hayop ka?” nanggagalaiting sumbat ng galit na galit na si Geraldine sa kaniyang mister.

Hiniwalayan ni Geraldine ang kaniyang mister. Bukod doon, sumikat din sina Castor at Beth sa social media at umani ng sangkatutak na batikos, lalo’t napag-alaman at naungkat na bukod sa nilabag nila ang health protocols ay magkalaguyo rin sila.

Sising-sisi si Castor sa kaniyang mga nagawa. Hindi niya akalaing aabot sa ganoong gusot ang mga paglilihim niya. Ngunit wala na siyang magagawa kundi hintaying humupa ang galit ng mga netizen at unti-unti siyang makalimutan.

More Stories