Binalikan ng Sundalong Ito ang Kanyang Kaibigan Kahit Wala na Itong Pag-asang Mabuhay, Nakakadurog ng Puso ang Naging Dahilan Niya

Dalawang magkakaibigang sundalo ang nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na uurong sila sa laban. Sila ay sina Brandon at Nikolas. Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban. Maaari silang mapatay lahat kung hindi uurong.

Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Brandon na wala si Nikolas. Nag-alala siya para sa kaibigan. May usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya sa kanilang commander para magpaalam.

“Babalikan ko po si Nikolas, Sir. Baka nasa pook pa siya ng labanan.”

“Hindi maaari, ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong maaaring patay na.” sabi ng commander.

Alam ni Brandon na mapanganib ang magbalik sa lugar ng labanan kaya ayaw siyang payagan. Nang gumabi ay tumakas siya sa kanilang kampo. Gusto niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita. Kung namantay ito sa labanan. Makita man lang niya ang bangkay at mapanatag na siya.

Nang magbalik si Brandon sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami siyang sinuong na panganib. Galit na sinalubong siya ng commander.

“Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon, malamang na mamatay ka na rin dahil sa mga sugat mo. Ano ang halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?” galit na tanong nito sa kanya.

“Sir, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko siya. Bago siya nalagutan ng hininga sa aking kandungan, naibulong pa niya sa akin, utol, alam kong babalikan mo ako.”

Advertisement

Parang napahiya ang commander. Hindi na siya nakipagtalo pa, agad niyang ipinagamot si Brandon sa mga kasamahan nila. Naglakad-lakad siya sa paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya makatulog. Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa kanyang pangkat. Tulad ng kaibigan ni Brandon, hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila’y umurong. At hindi niya ito binalikan para hanapin.