Hindi Kumbinsido ang Dalaga sa Pagbabago ng Babaerong Manliligaw Kaya’t Kumuha Ito ng Pribadong Imbestigador; Ano Kaya ang Natuklasan Niya?

Nagsimulang maging magkaibigan sina Cynthia at Louie nang magkasama sila sa barkong pinagtratrabahuhan. Kilalang pabling si Louie at alam na alam naman iyon ni Cynthia. Sa katunaya’y bukod sa mga kabarkada nila sa trabaho ay nagkukuwento rin ito sa kaniya ng mga kalokohan sa mga babae noon at sinasaway at pinagsasabihan niya naman ito.

Kaya nga nang ligawan siya nito’y naging tutol ang lahat pati na rin ang kanilang mga kasamahan sa trabaho.

Ang tanging puri lamang ng mga katrabaho kay Louie ay ni minsan ay hindi ito nanligaw at nagsubok makapuntos sa mga katrabahong babae at malaki rin ang respeto niya sa mga iyon.

Ngunit sa mga kuwento ni Louie ay malawak na ang karanasan niya sa mga babae at baliw na baliw ang mga iyon sa kaniya sapagkat malaki raw ang kaniyang “anakonda” at mahusay siyang makipagromansa.

Simpleng minamanmanan ni Cynthia ang manliligaw noon pa mang una silang magkakilala sapagkat malaki ang gusto niya rito. Guwapo kasi ito, matangkad, maputi, at masipag sa trabaho. Mahal na mahal din nito ang kaniyang mga magulang na kaniyang sinusustentuhan habang kumakayod sa barko.

Malaki ang sahod ni Louie ngunit hindi ito maluho at simple lamang ang kaligayahan nito. Kung makikilala mo itong maigi ay ‘di mo iisiping babaero ito.

Dahil pagod nang masaktan si Cynthia sa ilang mga nakarelasyon ay nangako ito sa sarili na hindi na muli pang maloloko ng lalaki.

Kaya’t bago sagutin si Louie ay naisipan niyang paimbestigahan ito. Tutal ay may pera naman siya upang kumuha ng isang pribadong imbestigador.

Advertisement

Nakatakdang umuwi ng Pilipinas si Louie habang isang buwan pa ang hihintayin ni Cynthia upang makapagbakasyon din.

Lungkot na lungkot ang dalawa sapagkat labis nilang mami-miss ang isa’t-isa ngunit sa isang sulok ng isip ni Cynthia ay magandang pagkakataon iyon upang mapaimbestigahan ang manliligaw.

“Ma’am, pagkauwi po niya ay agad siyang sinalubong ng nanay at tatay niya sa airport. Pagkatapos noon ay dumiretso sila sa bahay. Mula noon ay hindi na siya lumabas pa ng bahay. Ang kasama niya lamang doon ay ang kaniyang mga magulang. Wala rin akong nahanap sa telepono o kompyuter niya na may kausap siyang babae,” wika ng imbestigador na si Paul.

Nang marinig iyon ay tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Cynthia. Mukhang nagbago na nga ang manliligaw at napagdesisyunan niya nang sagutin ito.

“Ito lamang ang nahanap kong tinitipa niya sa kaniyang kompyuter at selpon. Kung paano magpalaki ng napakaliit na ari. Marami rin siyang inorder na mga gamot at pamahid,” medyo natatawa pa si Paul nang ibalita iyon kay Cynthia.

Napahawak sa bibig si Cynthia sa narinig at tila hiyang-hiya ito sa imbestigador.

Agad naman niyang kinausap ang matalik nitong kaibigan na si James.

“Cynthia, hindi nyo nahahalata pero kabisado ko na si Louie. Alam ko kung kailan sya nagsisinungaling at alam ko kung ano’ng pinagdaraanan niya,” kalmadong wika ni James.

Advertisement

Takang-taka naman si Cynthia sa narinig. Ano ang pinagdaraanan ni Louie? Mukha naman itong masaya at masagana ang buhay kaya’t tiyak niyang hindi ito sa pera. Posible kayang kasal na ito sa iba? Ngunit wala namang ibang babaeng kinakausap si Louie bukod sa kaniya.

“Imbento lamang niya ang pagiging pabling niya, Cynthia. Insekyur siya sa kaniyang kargada kaya’t iyon lamang ang naiisip niyang paraan upang hindi mapahiya sa iyo. Defense mechanism kumbaga,” muling pagpapaliwanag ni James.

Tila mayroon nang ideya si Cynthia at awang-awa siya kay Louise sa nalaman. Gayunpaman ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib sapagkat hindi naman siya kailanman tumitingin sa pisikal na anyo ng lalaki. Bagkus ay sa pagiging tapat, mabait at responsableng pag-uugali.

“Kailanman ay hindi nagkaroon ng nobya si Louie dahil lamang sa kaniyang hiya na siya’y mapagtawanan at kutyain ng babae. Ayoko sanang pangunahan kayo dahil alam kong darating ang panahon na matutuklasan mo rin iyan. Pero dahil nagtanong ka at napalapit ka na rin sa akin ay bahala na kung siya’y magalit sa akin. Nakita ko na iyon nang sabay kaming maligo. Isang araw ay late na late na kami nagising dahil uminom kami noong gabi at may pasok kinabukasan. Nagmamadali na rin ako kaya’t hindi na ako nagpaalam at binuksan ko ang pinto ng banyo sa kabina. Hiyang-hiya siya sa akin ngunit kahit paano’y gumaan ang loob niya nang ikuwento at ipagtapat niya sa akin kung gaano kababa ang tingin niya sa kaniyang sarili dahil lamang sa kasing nipis ng lapis at kasing haba ng hinlalaki lamang ang kaniyang ari. Sinabi ko naman sa kaniya na mabait ka at hindi iyon magiging hadlang upang sagutin mo siya ngunit sabi niya’y gagawin niya ang lahat upang magawan iyon ng remedyo,” sinserong paliwanag ni James.

Imbes na husgahan at magalit sa manliligaw ay agad itong kinausap ni Cynthia. Humingi siya ng tawad dito dahil sa pagkuha ng imbestigador para manmanan siya sa pag-aakalang babaero nga talaga siya. Humingi rin ng tawad si Louie kay Cynthia sa paggawa nito ng kuwento upang maiangat ang sariling pagkalalaki.

Lumipas ang isang buwan at nagkita sa Maynila si Cynthia at Louie. Matapos sagutin ng dalaga ang binata ay plinano nila kaagad ang pagpapakasal at gaya ng ipinangako ni Cynthia, sa araw ng kanilang pagpupulot-gata ay hindi niya nakitang kahinaan o insulto sa pagkalalaki ng asawa ang maliit na kargada nito.

Sa ngayon ay may tatlo nang anak si Cynthia at Louie at napatunayan nilang hindi mali ang desisyon nilang agad na lumagay sa tahimik. Ginamit nila ang kanilang ipon sa pagbabarko upang makabuo ng negosyo at napalago pa nilang lalo ang kanilang pinaghirapang yaman.