Sinaktan ng Madrasta ang Anak ng Nobyo, Napatakbo Siya sa Takot nang Matuklasan ang Sikreto ng Bata

Apat na buwan pa lamang na magka-relasyon sina Marga at Greg. Biyudo ang lalaki, nasawi ang misis nito sa isang aksidente dalawang taon na ang nakalilipas habang ang anak naman nitong si Samantha na pitong taong gulang ay nasa pangangalaga ng mga lola.

Malungkot si Greg kaya sinamantala iyon ni Marga, konting landi at napapayag niya rin ang lalaki na magsama na sila. Agad niyang kinuha ang mga gamit niya at lumipat sa malaking bahay nito sa Quezon City, aba, buhay Donya siya. Gwapo naman ang lalaki pero hindi talaga iyon ang habol niya kundi pera nito.

Dati niya pa ito balak na landiin kaya lang ay buhay ang misis, kaya naman nang mamatay na ang babae, tinodo niya na. Heto siya ngayon, parang reyna na nakalublob sa bathtub na puno ng bula. Umiinom pa ng wine.

Ilang sandali pa ay umahon na rin siya at nagbathrobe, sakto naman na dumating na si Greg. Hinihimas nito ang sentido.

“Everything okay?” Bait-baitang sabi niya.

“Medyo worried lang. Nagkasabay-sabay kasi. Alam mo na, sa opisina..tapos umalis pa yung mga maid dito sa bahay.”

Napangisi ng lihim si Marga, siya kasi ang dahilan kung bakit umalis ang mga maid. Pinagsasabunutan niya ang mga hitad, wala namang mali doon dahil sigurado siya, di magtatagal ay ganap na siyang magiging amo ng mga ito. Mauuto niya na si Greg na pakasalan siya.

“Don’t worry, we’ll find new maids honey. May mga kilala ako,” sabi niya.

Advertisement

“One more thing, d-dito na si Samantha, kukunin ko na sa mga lola niya,” sabi nito. Bakas ang lungkot sa mukha nang mabanggit ang pangalan ng anak. Paano naman kasi, kamukhang kamukha ng ina ang bata at palaging maaalala ng lalaki ang yumaong asawa.

Gusto sanang tumutol ni Marga pero kailangan niyang magpanggap. “Oh I’m so excited, tiyak na magkakasundo kami,”

Ngiti lang naman ang isinagot ng lalaki.

Tanghali na nagising si Marga isang araw, nabasa niya na lamang ang text ng nobyo.

Samantha is home, pls take care of her

Ni-replyan niya naman ito ng ‘of course, mahal ko na rin siya kasi anak mo siya‘ pero ang totoo ay nakairap siya. Humanda sa kanya ang letseng bata.

Paglabas niya ng kwarto ay naabutan niya ito sa salas. Naka-pink na bestida, maayos ang pagkatali ng buhok at naglalaro ng manika. Nang makita siya nito ay nakatitig lang ang bata, siguro ay tinatantya kung ngingiti o ano.

“Don’t ever try, I don’t like you rin naman. Subukan mo lang magsumbong sa daddy mo, gigilitan ko yang leeg mo,” nandidilat ang mata na sabi niya.

Advertisement

Buti nalang, ang maid na nakuha niya ay tuwing Linggo lang pumupunta para maglaba at maglinis. Nang sa gayon ay di siya mag aalala na may magsusumbong sa pagmamaltrato niya kay Samantha.

Hindi niya pinapakain ang bata, basta pinipingot niya lamang ito pag may pagkakataon. Malakas ang loob niya dahil dalawa lang sila sa bahay. Gabi na umuuwi si Greg at nasa kwarto na rin siya, tiyak niya namang tulog na si Samantha kaya di na nakakakwentuhan ang ama.

Apat na araw pa ang lumipas at patindi nang patindi ang pananakit niya. Nabu-bwisit siya kasi parang hindi nasisindak ang bata, nakatitig lang lagi sa kanya. Hanggang isang hapon, napabalikwas si Marga dahil nakatayo si Samantha sa tabi niya, masama ang tingin.

“You don’t deserve my dad, bad ka!” sigaw nito.

Nabigla siya dahil iyon ang unang beses na narinig niya itong nagsalita.

“Impaktita ka! Bakit akala mo maniniwala sayo ang daddy mo? Ulol! At sino ang magtatanggol sayo ngayon? Mommy mo? Tegibum na!” sabi niya at sinundan pa ng pagtawa.

“Bad, bad ka. You are not my mommy, you will never, ever be like her kasi my mom is a good person! Daddy will find out soon!” sabi nito at tumakbo na sa kwarto nito, isinara ang pinto.

“Hah! Daddy will find out soon? Really?! Walang maniniwala sayo, stupid kid!” pahabol na sigaw niya bilang pang aasar rito.

Advertisement

“Marga? What are you doing?” Nanlaki ang mata ni Marga nang makita si Greg na kanina pa pala nakatayo sa likuran niya. Kunot ang noo ng lalaki. Agad siyang nagpaawa, naging maamong tupa ang mukha.

“B-babe I’m sorry, napuno na lang talaga ako kay Samantha.Sometimes, she is too much. Kita mo, kung narinig mo lang kanina sinabihan niya ako ng bad at I will never be her mommy. Syempre masakit yun sakin, please talk to her. Tell her I just want to be her friend,” naiiyak-iyak pa siya. Sana umepekto.

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Greg, “What are you talking about?”

“Si Samantha kasi, sobra ang kulit-“

“Patay na ang anak ko! Ano’ng Samantha ang pinagsasabi mo?! She died with her mom sa aksidente, magkakasama kaming tatlo nang mawalan ako ng preno, kaya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Please, please lang Marga wag mong gawing mahirap ito para sakin, kinakalimutan ko na sila,” sabi ng lumuluhang lalaki.

Di naman makapaniwala si Marga, “W-wag mong .. anong patay? Di ba sabi mo uuwi siya rito, and I should take care of her?” halos hingal ang lumabas sa kanyang bibig.

“Uuwi siya rito, dahil ang abo niya ay nasa bahay ng mama ko. Dahil hindi ko pa matanggap na ang dating mag-ina ko, nasa vase nalang ngayon.Abo. Sobrang lungkot..” napaluhod na ang lalaki, humahagulgol.

Napatakbo si Marga, nais niyang patunayan na hindi siya nagsisinungaling. Pinagloloko siya ng mag-amang ito. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Samantha, pero wala ang bata sa apat na sulok ng silid.

Advertisement

Nanginginig na nilapitan niya ang isang vase sa tabi ng altar sa kwarto, may bulaklak sa gilid noon. Napahawak siya sa dibdib nang mabasa ang pangalan.

Samantha Mae CarinoAugust 2008- September 2016

May dumaang malamig na hangin sa batok ni Marga. Tumayo ang balahibo niya nang marinig ang boses ng bata sa kanyang likuran.

“I told you, malalaman rin ni daddy na bad ka.”

Nagtatakbo ang babae palabas, hindi na siya nagpakita pa kay Greg kailanman. Hanggang ngayon ay bitbit niya ang matinding takot sa dibdib dahil sa kanyang karanasan, sinumpa niya sa sariling magiging mabuting tao na siya na hindi nasisilaw sa pera at nananakit ng kapwa.