Takot ang Bata sa Kanyang Madrasta Dahil sa Kalupitan Nito, Hindi Niya Akalain na May Itinatago Pala Itong Pagmamahal sa Kanya

“Matuto kang maglaba ng mga uniporme mo, walang maglalaba n’yan para sayo!”

“Kailangang marunong ka ring mamalantsa, huwag kang puro laro!”

“Pati paghuhugas ng plato, kailangang matutunan mo!”

Agad na natataranta si Alexa sa tuwing naririnig ang mga utos ng kanyang madrasta. Medyo masungit kasi ito at palagi siyang pinapagalitan sa tuwing nagkakamali siya. Madalas rin siyang bungangaan nito ngunit laking-pasalamat niya nalang dahil kailanman ay hindi siya nito pinalo o pinagbuhatan ng kamay.

“Ano ba naman ‘yan?! Simpleng bagay hindi mo pa magawa-gawa! Ayusin mo naman ‘yan Alexa!” sigaw na naman ng madrasta niyang si Mama Jellyn.

Madalas itong mabilis mainis sa kanya lalo na kapag mali-mali ang ginagawa niya. Bukod pa doon ay masyado itong balidosa sa bawat ginagawa. Gusto palagi ay halos perpekto ang pagkakagawa sa mga bagay.

Matagal nang yumao ang kanyang ina. Halos hindi niya na nga matandaan ang itsura ng mukha nito dahil wala pa siyang muwang nang pumanaw ang ina. Ilang taon na ring magkarelasyon ang kanyang ama at ang step-mother niya.

“Kumain ka ng gulay. Para hindi ka lantang gulay sa school niyo,” masungit na turan nito habang kumakain sila kasama ang kanyang ama.

Advertisement

Kahit malaki ang takot niya sa madrasta ay naappreciate niya pa rin ang mga sinasabi nito dahil madalas naman sa mga iniuutos nito ay para rin sa kanya. At hindi ito nahihiyang pagsabihan siya sa harapan ng kanyang ama. Ibig sabihin lamang niyon ay totoo ang ugaling pinapakita ng madrasta sa harap ng kahit sino.

“Pa, bakit po masungit si Mama Jellyn?” madalas niyang itanong sa ama bago sila matulog.

“Ganoon lang talaga ang Mama Jellyn mo, Alexa. Masungit pero love na love ka nun,” ika ng kanyang ama habang pinapainom siya ng gatas bago matulog.

Tumango siya dito at saka ngumiti, “Love ko rin naman po siya Pa, tulad ng pagka-love ko sayo.”

Bahagya nitong ginulo ang malambot niyang buhok, “Love rin kita, baby. Tulog ka na. Goodnight.”

Ilang araw ang lumipas at kinailangan nilang magdala ng mga magulang sa eskwelahan. Ngunit hindi pwede ang papa niya na madalas umattend noon sa iba’t ibang event. Kung kaya naman kabadong-kabado siya habang papalapit sa kanyang madrasta.

“Mama Jellyn, kailangan po kasi naming magsama ng parent sa school event namin ngayon,” kinakabahan niyang sabi. Pati mga tuhod niya ay halos manginig sa sobrang kaba, “Hindi po kasi pwede si Papa, kaya kayo po sana ang yayayain ko.”

Napatingin sa kanya ang babae. May ginagawa pala ito, “Okay. Sa isang kondisyon.”

Advertisement

Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito, “A-ano po iyon?”

Inangat nito ang braso at inabot sa kanya ang tiyani, “Bunutan mo muna ako ng buhok sa kilikili.”

Nagulat siya nang bigla itong ngumiti sa kanya. Ngunit dahil tulala pa rin siya ay nilagay na nito sa kamay niya ang tiyani, “Ubusin mo ha? Kapag ‘di mo naubos ang buhok ko sa kilikili…”

Pina-suspense pa nito ang sasabihin, “Hindi na kita bibilinan ng mga bagay na para din sayo.”

Nagulat siya sa sinabi ng madrasta kung kaya naman napaangat siya ng tingin dito. Kitang-kita niya rin sa unang pagkakataon ang sinserong tawa nito, “Alam mo anak, napakamatatakutin mo. Kaya kita tine-train eh!”

“Tine-train po?”

Tumango ito, “Oo. Gusto ko kasing lumaki kang independent. Na kapag nawala kami ng papa mo ay magiging matapang ka’t hindi papaapi sa iba. Alam mo dapat ang mga gawaing-bahay at higit sa lahat, sa murang edad ay kaya mong alagaan ang sarili mo.”

Ngumiti siya sa kanyang Mama Jellyn. Ngayon lamang siya nagkausap nang ganito dahil madalas siyang ilag sa madrasta. Ngunit sa sinabi nito sa kanya ngayon ay tila naglaho lahat ng takot niya sa ginang. Sa halip ay napuno siya ng pasasalamat at pagmamahal para dito.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.