Walang Alam sa Palabas sa TV ang Magkapatid na Ito Kaya Madalas Silang Pagtawanan ng mga Kaklase, Ngunit sa Huli ay Nasa Kanila Pala ang Huling Halakhak

“Hindi pwede ang TV hangga’t hindi kayo nakakakuha ng perfect score sa exam nyo, maliwanag?” sermon ni Howard sa kaniyang dalawang anak na si Hailey at Gisele.

Ang dalawang bata ay parehong nasa elementarya. Si Gisele ang panganay na siyam na taong gulang na samantalang si Hailey naman ang bunso na anim na taong gulang.

Ganoon palagi ang rules sa kanilang tahanan. Bawat score na 100% sa exam ay isang gabing panunuod ng TV. Pero kung walang ganoong score ay pagbabasa ang kanilang aabutin.

Dahil doo’y naa-out of place madalas ang magkapatid sa kwentuhan ng kanilang mga kaklase. Lalo na sa mga makabagong palabas sa youtube na hindi rin nila nararanasan dahil wala naman silang wifi o makabagong teknolohiya para makanuod doon.

Tanging telebisyon o paglalaro lamang ang kanilang libangan.

“Ate, ang hirap. Hindi ko na kaya,” isang gabing sumbong ni Hailey sa kanyang ate Gisele.

Tinapik nito ang kanyang balikat, “Kaya mo ‘yan…para kay Papa.”

Mag-isa nalang kasi silang binubuhay ng kanilang ama. Ang nanay nila’y yumao dahil sa sakit na breast cancer limang taon nang nakalilipas. Kaya naman kahit anong higpit sa kanila ng kanilang ama ay iniintindi nila iyon dahil alam nilang kapakanan rin nila ang iniisip nito parati. Advertisement

Isang araw ay nagkukwentuhan ang mga kaklase ni Hailey tungkol sa isang palabas, “Sino ‘yun?”

Nagtinginan ang mga kaklase niya sa kanya.

“Si Peppa pig, hindi mo kilala? Saang planeta ka galing, Hailey?”

Nagtawanan ang mga kaklase niya pagkatapos. Naiiyak na ang bata. Saktong dating naman ng ate niya na narinig ang mga pangyayari. Inalo nito ang kapatid at pinantayan ang mga mata, “Hailey huwag ka makinig sa kanila, okay? Lagi mo lang tatandaan. Kailangan galingan natin para kay Papa okay?’

Tumango ito habang may namumuong luha sa mga mata, “Opo, ate.”

Araw ng kanilang examination. Determinado ang dalawa na makakuha ng perfect score kahit sa dalawang subjects lang. Dalawang gabi na ring panunuod ng TV iyon.

Hanggang sa matapos ay kinakabahan sila. Kinabukasan ay pumasok ang dalawa nang may kaba sa kanilang dibdib. Hinatid na muna ni Gisele ang bunsong kapatid nang biglang may palakpakang sumalubong dito.

“Congrats, Hailey you’ve got perfect score in all of your examinations!” Advertisement

Nanlaki ang mga mata niya.

“Yes!” sigaw ng kapatid niya.

Nayakap niya ito. “Congrats Hailey, proud si ate sayo.”

Nakita niya ang mga kaklase nito na nakairap sa kapatid niya, bahagya niyang sinilip ang test papers ng mga ito. Bagsak ang nakuha ng karamihan.

Nginitian niya ang kapatid, “Tignan mo, effective ang Hindi bale nang hindi ka makasabay sa mga kaklase mo. Basta maabot mo ang goal mo, okay na okay na yun.”

Masayang tumango ang kapatid niya, “Opo, ate!”

Masayang-masaya si Gisele lalo na nang malaman niyang isang subject lang din ang hindi niya naperfect. “Ayos na ‘to. Matutuwa si papa panigurado.” Advertisement

Hindi nga sila nagkamali, naiiyak pa ang papa nila nang ipakita nila ang resulta ng exams nila.

“Salamat mga anak, hindi nyo ako binigo. Naintindihan niyo ang papa na para din sa inyo ang ginagawa ko. Sorry kung medyo istrikto ako sa inyo. Gusto ko lang na hindi madisappoint ang mama nyo sa pagpapalaki ko sa inyo. Dahil tanging edukasyon lamang ang mapapamanang yaman ko sa inyo.”

Ngumiti ang magkapatid, “Naiintindihan po namin, papa.”

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.