Nadismaya ang Babae Dahil Walang Kwenta ang Regalo ng Boyfriend Niya sa Kaniya, Makalipas ang Pitong Taon ay Ikinagulat Niya ang Katumbas Nito

Matangkad, gwapo at matalino si Andrew. Isa sa mga dahilan kung bakit proud na proud si Carly rito. Wala pang isang taon ang kanilang relasyon at nagkakilala sila sa pinapasukan nilang opisina sa Makati. Bagamat isang simpleng office staff ang lalaki ay kitang kita ni Carly kung paano ito magtyaga. Palagi rin nitong nababanggit sa kanya ang mga goals nito sa buhay. Sa unang anibersaryo nila ay dinala siya nito sa isang hindi kamahalan ngunit disente naman na restaurant.

“Happy anniversary honey..” sabi ni andrew sabay abot kay Carly ng isang kahon na kasya sa isang buong palad ng babae. Pagbuhat dito ng babae ay napakabigat nito at muntik niya pa ngang mabitawan, napatawa ng bahagya ang kanyang nobyo.

“Happy anniversary.. pero ano naman kaya ‘to?” nakangiti na rin si Carly.

“Buksan mo.” utos ni Andrew sa kanya na nakatitig lang ng mataman.

Binuksan ni Carly ang regalo, ano nga kaya? Box na puno ng chocolate? mabibigat na teddy bear? kwintas? Bakit sobrang bigat naman yata para sa mga naisip niya. Unti unti niyang iniangat at tumambad sa kanya ang isang…

BATO.

“B-bato?” wala sa sariling tanong niya habang hawak ang bilug na bilog na batong napakabigat.

Advertisement

“Oo, kasi si Darna ka!” sagot ng nobyo sabay tawa ng malakas. Unti unting humina ang tawa nito nang mapansin na nakasimangot ang nobya.

Sino nga ba naman ang matutuwang makatanggap ng bato, unang anibersaryo pa lang nila at ginaganito na siya ng nobyo!

Natapos ang gabi na naguguluhan si Carly,hindi niya na pinatagal ang pagtatampo dahil ayaw niyang masira ang araw nila. Minsan talaga ay wirdo ang lalaking mahal niya, at kung ito ang regalo nito, siguro ay dapat na lang niyang ingatan. Ang mahalaga naman sa lahat, ay galing ito kay Andrew.

Lumipas ang anim na taon at naging maganda ang takbo ng karera nilang dalawa, lalo na ni Andrew. Masipag ito at maabilidad kaya naman nararapat lang na matumbasan ang mga pagod nito.

Sa ikapitong anibersaryo nila, nagyaya ang lalaki na kumain ulit sa hindi kamahalang restaurant na kinainan nila noon, kahit kayang kaya na nitong magbayad sa mamahalin ngayon. Itinanong rin nito kay Carly kung itinago pa rin ba ng babae ang bilog na bato.

Dinala naman iyon ng babae sa restaurant, na kahit nalilito ay sumunod na lang sa hiling, pinaka regalo niya na raw iyon sa nobyo dahil anibersaryo nila, ayon dito.

Naunang dumating si Carly sa lugar, pag upo niya sa mesa ay agad na may lumapit na waiter sa kanya at iniabot ang isang papel,na galing pala kay Andrew.

Carls, Noon pa man ay alam kong ikaw na talaga ang gusto kong makasama habambuhay. Hindi mo ako iniwan kahit na noon ay softdrinks at sandwich lang ang kaya kong ilibre sayo, nagsilbi kang kakampi, kaaway, tagasuporta, minsan ay nanay sa akin. Mahal kita, happy 7th anniversary!

Advertisement

Drew

Itinupi na ni Carly ang papel na pinahid ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mga mata. Siya namang lapit ni Andrew na kanina pa pala nakatingin sa kanya. Nasa likod nito ang kanang kamay na tila ba may itinatago roon.

Tama, bulaklak siguro ito, sa isip isip ni Carly.

“Para sayo..” mahinang wika ng lalaki.

“sala-” naputol ang sana’y pasasalamat ni carly nang makita ang hawak ng nakangiting nobyo.

MARTILYO.

“Pinagtitripan mo ba ko?” tanong ni Carly rito.

Walang imik ang lalaki at basta na lang dinampot ang batong bilog at inalalayan. Inabot naman nito kay Carly ang martilyo.

Advertisement

“Pukpukin mo.” utos ng nobyo.

Sino, ikaw? kulang na lang ay sabihin ni Carly ang nasa isip.

“Dali na.” sabi ulit ng lalaki. Pinukpok ni Carly ang bato, siguro ay dito niya naibuhos ang inis niya sa lalaki kaya hindi niya tinigilan hanggang hindi nababasag ito. Tumambad sa kanya ang isang plastik na nakabalumbon, at may pulang kahon sa loob.

Binuksan niya ang kahon at naroon ang isang napakagandang singsing, na may nakaukit na MARRY ME.

“Noon pa man,pitong taon naang nakalipas, alam kong ikaw na.”

Ano ang masasabi ninyo sa sorpresang ito ni Andrew?Ibahagi sa amin ang inyong opinion sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.