Nagpanggap ang Kakambal ng Babaeng Ito Para Makapasok sa Kanyang Pangarap na Unibersidad, Hindi Niya Inaasahan ang Mangyayari sa Kanya nang Siya’y Makahanap ng Trabaho

Si Alexis at Alexa ay isang pares ng magkamukang-magkamukang kambal.

Lahat sa kanila ay halos magkatulad mula sa gupit ng buhok hanggang sa kanilang tangkad. Kahit mismo ang kanilang mga kaibigan ay nahihirapang malaman kung sino si Alexis at sino si Alexa.

Ngunit ang kanilang pag-uugali ay magkaibang-magkaiba naman.

Si Alexis na mas nakatatanda ay tahimik lamang at mahiyain. Habang si Alexa naman ay madaldal at palakaibigan.

Hirap na hirap si Alexis magsimula ng usapan pagdating sa mga estranghero. Habang sisiw na sisiw lamang iyon kay Alexa. Ilang minuto pa lamang niyang kausap ang isang tao ay parang magkakilala na sila ng matagal na. Hindi problema kay Alexa ang sabihin kung anong nasa kanyang isip.

Isang araw ay sabay silang kumuha ng admission test sa isang kilalang unibersidad.

Nang lumabas ang resulta, si Alexis lamang ang pumasa.

Kinulang ng dalawang puntos si Alexa para pumasa ang kanyang grado.

Advertisement

Sobra-sobra ang kanyang kalungkutan ng malamang hindi siya makakapasok sa pinapangarap na unibersidad. Nagkulong ang dalaga sa kanyang kwarto ng marami-raming araw.

Para sa kanya, hindi ito patas gayong alam naman niyang mas marami siyang talento at mas magaling siyang estudyante kaysa sa mahiyain niyang kapatid.

Nang kanilang ibalita ang pagkapasa ni Alexis sa magulang, “Pa! Pumasa ho ako sa admission test,” nakangiting pagbalita ng dalaga.

“Ganoon ba? Pero tingin ko mas mabuti kung si Alexa na lamang ang papasukin natin doon imbis na ikaw. Mas may potensyal siya pag dating sa academics,” sagot ng kanilang ama.

Bilang isang masunurin na anak, pumayag si Alexis sa kagustuhan ng ama.

“Oh, eto ang offer letter ko, tanggapin mo,” ani niya kay Alexa.

Hindi na tumanggi pa ang dalaga. Siguradong-sigurado na siya na magiging maganda ang kanyang kinabusakan. Naniniwala siyang magandang edukasyon lamang ang sagot sa isang maayos na buhay.

‘Di nagtagal ay nagsimula nang pumasok si Alexa sa unibersidad samantalang si Alexis naman ay nasa bahay lamang. Nagtrabaho siya bilang sekretarya sa isang maliit na kumpanya.

Advertisement

Siya ang namahala sa lahat ng kakailanganin ng kanyang boss. At hindi rin naman nakakapagtaka na napakagaling niya sa kanyang trabaho.

Madalas ay hindi pa inaatas sa kanyang trabaho ay madalas nasimulan na niya itong gawin.

Nagkukusa siyang gawin ang parehas na mahirap at madaling mga trabaho.

“Alam mo Alexis, I really like how you do your job. Continue this and I might promote you on a better position,” ani ng kanyang boss.

Naisip ng dalaga na ang kanyang mga katrabaho ay tinatamad-tamad paminsan dahil walang gaanong activities. Kaya naman, noong mag suggest siya sa boss niya at ito ay naging matagumpay, nagkaroon siya ng bagong promotion.

Si Alexis ay hilig magbasa ng mga libro tungkol sa management. At ang mga nababasa niya ay nai-aapply niya pa sa kanyang pagtatrabaho. Kaya naman, mas nag-improve ang kanyang paraang ng pagtatrabaho.

Salamat sa kanyang mga bagong natututunan ay mas naging maganda ang takbo ng kanilang kumpanya lalo na ang reputasyon ng mga nagtatrabaho sa ilalim niya.

Maging ang kanyang boss ay hindi maipagkakaila na napakagaling niyang empleyado.

Advertisement

Samantala, si Alexa naman ay nainlove sa isang lalaking may mayaman na pamilya. Imbis na mag-aral ay mas ginusto pa niyang makasama ang kanyang nobyo. Sa kanya na rin ito umasa para sa kanyang mga gastusin sa buhay at sa kanyang pinangaaral.

Ngunit, hindi rin tumagal nang siya’y iwanan ng lalaki para sa iba pang babae.

Dahil sa pagkadurog ng kanyang puso noong sila’y naghiwalay, tinatamad na siyang pumasok sa kaniyang mga klase. At ang mga araw na lumipas para sa kanya’y punong-puno lamang ng depresyon.

Nakakagulat na siya’y pumasa pa sa kanilang final examination. Ngunit, pasang awa ang kanyang marka.

Kahit siya’y nakatapos sa university, ay nawalan na rin siya ng pag-asa sa kanyang buhay.

Umuwi siya sa kanilang probinsya at doon naghanap ng trabaho.

Ngunit, wala siyang balak umuwi sa kanyang mga magulang dahil panigurado ay hindi sila matutuwa sa kanyang mga resulta.

Kaya naman pinipilit niyang makahanap muna ng trabaho bago niya kitain ang kanyang mga magulang.

Advertisement

Salamat sa rekomendasyon galing sa dati niyang trabaho, naisiguro niya ang isang interview para sa sikat na kumpanya.

Siya’y naghandang maigi para sa interview, nang biglang may tumawag sa kanya at sinabing natanggap na siya sa kumpanya.

Dahil sa sobrang saya, maaga siyang nagpunta sa kumpanya kinabukasan.

“Good morning Ms. Catipon, I’m here to do your briefing,” ani ng isang sekretarya.

“Good morning po, san pala yung magiging office ko?” nakangiting sagot naman ni Alexa.

Napakunot ang noo ng sekretarya at sinabing mali yata ang pagkakaalam ng dalaga. Sinabihan ng sekretarya si Alexa na magsisimula siya sa pagiging staff.

Nabigla ang dalaga ng malamang nilagay siya sa pinaka mababang posisyon. Para sa kanya ay hindi ito tama lalo pa’t graduate siya ng unibersidad.

“Gusto kong kausapin ang direktor ng kumpanya niyo,” pagmamataas na sabi niya.

Advertisement

“Sorry miss, by appointment kasi for the director. Since napakabusy niya,” ani ng sekretarya.

“Siya ang tumanggap sa’kin ‘di ba kaya sure akong kakausapin niya ko,” pangungulit ni Alexa.

Sinubukang kontakin ng sekretarya ang direktor sa telepono.

Nagulat ang dalaga nang abutan siya ng isang pirasong papel. “Galing ito sa director of the company,” ani ng sekretarya.

Binasa ito ng dalaga, “Kung gusto mong makarating ng langit, kailangan mo munang makadaan ng impyerno. Walang magandang hindi pinaghihirapan,” ang nakasulat dito.

Galit ang naramdaman ng dalaga nang mabasa niya ang napakaikling mensahe ng direktor.

Gustong gusto niyang puntahan at kausapin ang direktor dahil hindi siya binigyan ng trabahong sakto sa kanyang mga katangi-tanging galing at talino.

Ngunit nang pumasok siya sa opisina ng direktor, wala siyang nasabi at nanlaki ang kanyang mga mata.

Advertisement

Nakaupo at nakangiti sa kanya si Alexis, ang kambal niya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!