Naakit ang Mister sa Bespren ng Asawang Japayuki Dahil Hindi na Nag-aayos ang Misis; Akala ng Mister ay Papatulan na Siya ng Babae Ngunit may Malupit Pala itong Plano

“Ano ba naman iyan, Barbie? Para namang hindi mo na mabibigyang katarungan iyang pangalan mo dahil sa itsura mo! Mag-ayos ka naman, mukha ka nang matanda!” Pangangantiyaw ni Lisa sa bespren niyang si Barbie nang sunduin siya nito sa airport.

“Paano ba naman ako makakapag-ayos, bes? Itong asawa ko, pagkagaling sa trabaho’y pupunta sa bertdey ng kung sino-sinong barkada o di kaya’y mangangapitbahay para makipag-inuman. Isa pa, suma-sideline din ako sa paggawa ng lumpia at nagtitinda ng kung ano-ano para may pambili ako ng mga gusto ko. Gaya ng milktea, tsokolate at mga sitsirya. Hindi naman kasi sapat ang iniintrega sa akin ni Joshua. Ako pa nga ang bumiili ng mga laruan at damit ng mga bata.”

“Kaya naman pala naging dabyana ka na! Idinadaan mo sa kain ang pagod mo’t pagkasuya mo sa buhay mo! Mali iyan! Sabi ko naman kasi sa iyo, dapat si Alfred na lamang ang pinakasalan mo. Tignan mo ang misis niya, napakasarap ng buhay. Isa lang ang anak nila pero look, apat ang yaya!” Saad ni Lisa habang halos idunggol sa mukha ng bespren ang larawan ng asawa ng ex nitong si Alfred.

“Naku, masama mainggit pero bakit iyon nga yata ang nararamdaman ko?” Tugon ni Barbie habang nakabusangot ang mukha.

Nang makarating sa bahay ay naabutan nilang nakahilata sa sofa si Joshua. Naghihilik pa ito at nakanganga.

“Hoy, manong! Wala kang ibang ginawa kung hindi maglasing! Pinabayaan mo na itong bestfriend ko!” Bulyaw ni Lisa kay Joshua.

“Ano ba! Kita mo nang natutulog….”

Natigilan si Joshua nang masilayan si Lisa. Napakaganda nito’t halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong pagkanipis-nipis na blouse. Tila wala pa itong bra.

Advertisement

“Ah… Eh… Sino ka?” Nakahawak pa ito sa tila galit na pagkalalake habang sinisipat si Lisa mula ulo hanggang paa.

“Excuse me!? Hindi mo ako kilala?”

“Babe! Umayos ka nga! Si Lisa iyan, ang bestfriend ko!” Giit ni Barbie.

“Ha? Seryoso!? Lumaklak ka ba ng gluta? Bakit ang tangos ng ilong mo? Nagkabaligtad na kayo ng asawa ko! Dati siya ang mukhang diyosa, ngayon eh mukha na siyang biik.” Pangangantyaw ni Joshua.

“Gano’n talaga ang mundo! Walang imposible kung marami kang pera! Tarantado ka ha! Wala kang karapatang laitin ang bespren ko! Ako lang ang may karapatang magsabi sa kaniya ng mga ganyang bagay dahil pareho kaming babae at para na kaming magkapatid!” Iritang iritang wika ni Lisa sabay batok ng malakas kay Joshua.

“Oh, siya. Tama na ‘yan. Dito muna titira si Lisa habang inaayos ang mga papeles sa binili niyang condo.” Wika ni Barbie.

Tila lumikot naman ang imahinasyon ni Joshua at pinagmasdan pang lalo ang napakagandang si Lisa.

( )

“Ang laki ng dibdib at ang laki ng puwet, ang sarap kainin! Napakakinis pa ng legs!” Saad niya sa sarili.

Advertisement

Nang sumapit ang gabi ay pinatulog na ni Barbie ang tatlong anak sa silid nila sa itaas ng bahay at iniwan ang asawa at si Lisa sa kanilang salas.

“Hindi ba’y sanay ka naman magalaw ng kung sino-sinong hapon? Baka puwede namang pa-iskor. Dito ka naman titira. Bayad mo na sa akin ‘yon. Huwag na huwag mo akong isusumbong kay Barbie. Isa pa ay tanga naman iyan. Ni hindi nga niyan alam na halos gabi-gabi ay nagbibeer house ako. May syota din ako sa opisina.” Mayabang na saad ni Joshua kay Lisa.

“Aba, oo naman. Pero gaya nga ng sabi mo… May bayad… Akin na muna ang 30,000. Papayag ako sa gusto mo.” Tila nang-aakit pang wika ni Lisa.

Gulat na gulat naman si Joshua sa inasta ni Lisa ngunit hindi ito pumayag sa laki ng hinihingi nito.

Sumapit ang ilang mga araw at tila nananadya si Lisa na akitin pang lalo si Joshua. Halos kita na ang kaluluwa sa mga isinusuot nitong mga damit.

“Sige na, panalo ka na! Ito na ang 30,000 doon tayo sa banyo.” Saad ni Joshua.

Agad namang sinunggaban ni Lisa ang pera at dali-daling umakyat ng hagdan.

“Sandali lang ha, maliligo lang ako para naman mas masarap ang matikman mo.” Wika ni Lisa.

Advertisement

Pag-akyat sa taas ay agad na nagtungo si Lisa sa silid nila Barbie at ikinuwento ang lahat dito.

“Bukas na bukas ay magshoshopping tayo. Lahat ng gusto mong bilhin at ng mga bata ay bibilhin natin. At itong mga perang nakuha ko sa asawa mong walanghiya, ilagak natin ito sa bangko upang kahit maghiwalay kayo’y may ipon ka. Babalik pa ako sa ibaba at hindi pa tapos ang maganda kong plano.” Wika ni Lisa.

Hindi naman na nakapagsalita si Barbie at iyak na lamang ito ng iyak habang pinagmamasdan ang mga natutulog na anak.

“Oh akala ko ba’y maliligo ka? Ang tagal naman! Bilisan mo init na init na ako. Sukang-suka na ako sa katawan ng asawa ko. Minsan nga eh tinatakpan ko na lamang ng unan ang mukha niyan pag nagtatabi kami sa gabi.” Wika ni Joshua.

“Uhm… Tumawag kasi si mama ko. Nakain daw ng ATM yung pera at hindi sila makapag-withdraw. Nagkaproblema din daw sa bangko kaya next week pa makukuha ang lahat ng pera ko. Baka puwede mo muna akong pahiramin ng lahat ng perang naitatabi mo? Ibabalik ko din agad sa iyo.” Tugon ni Lisa habang tumutuwad-tuwad pa ito at halos kita na ang ibabaw na bahagi ng puwet nito.

( )

“Ah… Eh… Ano ba yan… Ang dami mong problema… Sige, bibilangin ko lang ang iniipon kong pera sa kaha de yero ko. Huwag ka na lang maingay kay Barbie ha!? Ang alam niyan e pirmeng kapos na kapos ako’t 12,000 lang ang sinasahod ko. Ang totoo’y kakapromote ko lang at nasa 130,000 na ang suweldo ko. Tutal ay masipag naman siyang rumaket raket at pagtitinda ng kung ano-ano’y pinababayaan ko siyang dumiskarte sa kulang na intregang binibigay ko!” Nakangisi pang saad ni Joshua.

“Huwag kang mag-alala, labs. Ako ang bahala kay Barbie. Hinimas himas pa nito ang galit na galit nang pagkalalake ni Joshua.”

Lalo namang naulul ang lalake’t tumalilis at agad kinuha ang kaha de yero nitong nakatago sa kasulok-sulokan ng kanilang bodega.

Advertisement

“Oh, eto 700,000. Ibalik mo iyan agad next week, ha?” Saad ni Joshua habang malikot nang dumadapo ang kamay sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Lisa.

“Ay.. Ano ba iyan, nakikiliti ako… Sandali lang… Sabi ko naman sa iyo ay maliligo lang ako.” Palusot ni Lisa.

Pag-akyat ng silid ay napanganga si Barbie sa laki ng perang hawak ni Lisa at hindi ito makapaniwalang sa asawa niya iyon.

“HA!??? Sa hirap na dinaranas naming mag-iina sa araw-araw na halos de lata na lamang ang ulam namin para mapagkasya lamang ang perang ibinibigay sa akin niyang hayop na Joshua na iyan! May napakalaking pera pala siyang itinatago!? Walangya!!!” Hindi na nakapagpigil si Barbie at nagsisigaw na ito.

Sa lakas ng boses nito’y narinig iyon ni Joshua.

Aakyat na sana siya ng silid upang alamin kung ano ang nangyayari nang makasalubong sa hagdan ang nagngingitngit na si Barbie.

“HAYOP KA!!! Paano mo ito nagawa sa amin ng mga anak mo?!” Sabay sampal nito sa magkabila niyang pisngi.

“Lumayas ka! Pamamahay ito ng mga magulang ko! Hayop ka! Layas!” Sigaw ni Barbie.

Advertisement

“Hi, Joshua. Pasensiya ka na at mukhang hindi ko na maibabalik pa ang pera mo!” Nakangiting saad ni Lisa habang inilalawit pa ang dila at kinikindatan ang mister ng kaniyang bespren.

“Hayop ka, Lisa! May araw ka din!”

“Barbie, patawarin mo ako! Akin na ‘yang pera ko at aalis na ako… Pinaghirapan kong ipunin iyan!” Pagmamakaawa nito.

“Wala kang pera! Kulang pa ito sa ginawa mo sa akin! Kulang pa ito sa pagiging wala mong kuwentang ama!” Sabay inihagis ni Barbie ang isang daang piso sa mukha ng asawa.

( )

“Oh, iyan! Pamasahe mo! Umuwi ka sa syota mo! Layas!” Ibinalibag nito ang isang maletang punong-puno ng gamit ng mister.

Wala namang nagawa si Joshua at kinuha ang mga gamit saka umalis ng bahay.

Mula noon ay natuto nang mag-ayos ulit ng sarili si Barbie. Nagtayo ito ng maliit na kainan sa tapat ng kanilang bahay at naging patok na patok naman iyon hanggang sa kumalat na ang pangalan niya sa mga karatig na lugar.

Sa sobrang daming kostumer ay napilitan siyang bumili ng lupa sa di kalayuan at ginawa itong restawran.

Advertisement

“Sabi ko naman sa ‘yo, bes. Ako’ng bahala sa ‘yo. Kakatrabaho mo dito sa restawran ay sumeksi ka na ulit.” Saad ni Lisa.

“Uhm. Barbie? Ikaw ba ‘yan? Napakaganda mo pa rin. Bakit parang hindi ka tumatanda?” Saad ng isang lalakeng chinito at napakaguwapo.

“Alfred?” Napanganga si Barbie at Lisa sa nakita. Lalo pa itong gumwapo ng nagka-edad.

“Naghiwalay na kami ng asawa ko dahil gold digger siya. Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo, Barbie. Mukhang sa huli ay tayo pa rin ang pinagbubuklod ng tadhana.” Wika ni Alfred.

Tila kilig na kilig naman sa isang sulok si Lisa.

“Oh, siya. Sarado na ang restawran at pinauwi ko na ang mga empleyado. Patutulugin ko na itong mga bata. Mag-usap muna kayo diyan!” Pangangantyaw ni Lisa sa kaibigan.

“Kung okay lang sa iyo, doon tayo sa may coffee shop malapit dito?” Paanyaya ni Alfred.

Kilig na kilig naman si Barbie at hindi na pinalagpas ang pagkakataon.

Advertisement

Nang akmang sasakay na siya ng sasakyan ni Alfred ay may natanaw siyang lalake sa di kalayuan. Tila pamilyar ang itsura nito.

“Barbie, nagmamakaawa ako sa iyo. Tanggapin mo na akong muli.” At hindi nga siya nagkakamali. Ito’y walang iba kung hindi si Joshua. Ang laki ng pinayat nito at halatang napabayaan.

“Nang magkahiwalay tayo ay nagpunta ako sa bahay ng kalaguyo ko sa opisina ngunit hindi niya ako tinanggap. May asawa na rin pala siya at nagpapanggap lamang na dalaga. Lumapit ako sa mga tiyuhin at tiyahin ko pero ayaw daw nilang tulungan ang isang kagaya ko. Sana’y kunin na lamang ako ng Diyos para magkasama-sama na lamang kami nila mama at papa! Patawad, Barbie!”

Agad namang binuksan ni Barbie ang bag at kinuha ang cheke. “730,000.”

“Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, Joshua. Kaya kong ibalik ang perang dapat sana’y nilaan mo sa amin ng mga anak mo pero hindi ko na kayang ibalik ang respeto at pagmamahal ko sa ‘yo! Kunin mo na itong cheke at umalis ka na sa harap ko! Pakiusap lang! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin ng mga anak mo!”

“Wala nang halaga sa akin ang pera, Barbie. Bumalik ka lang sa akin!” Pagmamakaawa ni Joshua.

Agad namang lumapit si Barbie sa mister at inilagay sa palad nito ang cheke saka mabilis na sumakay sa kotse.

Hinintay lamang ni Barbie na mapawalang bisa ang kasal nila ni Joshua at agad nitong sinagot si Alfred. Ilang buwan lamang ang lumipas at agad silang nagpakasal sa simbahan.

Advertisement

Ang mga anak nila’y nagturingan na tila mga tunay na magkakapatid. Mula noon ay nabuhay nang maligaya si Barbie at Alfred.

Nabalitaan na lamang nilang pumanaw na si Joshua dahil sa isang matinding sakit na bunga ng pakikipagtalik sa iba’t-ibang bayarang babae.

Si Lisa ay nakapag-asawa na rin ng hapon at masaya nang naninirahan sa Japan.