Sinadya ng Ginang na Magpahuli sa Alumni Homecoming Upang Mapansin Siya at Magulat ang Lahat; Sa Huli, Siya Pala ang Magugulat

Naimbitahan si Erica, 56 na taong gulang, sa alumni homecoming ng kanilang paaralan sa hayskul. Nang mabalitaan ito, tiniyak ni Erica na siya ang magiging pinakamaganda, lalo na’t may pagpili raw ng best dress. Agad niyang tinawagan ang personal na modistang si Sari. 

“Sa lalong madaling panahon, Madam. Nanginginig pa,” tugon ni Sari.

Nang ma-book na ang appointment kay Sari na Lunes ng 4:00 nang hapon, nagtungo siya roon nang mga bandang 5:00. May ugali si Erica na gusto niyang laging magpahuli sa mga pagtitipon. Pakiramdam niya, star na star at mataas ang antas kapag huling dumarating, katulad ng mga nababasa niya sa mga kuwento at napapanood sa teleserye. Isa pa, dahil may dugong Espanyol, may paniniwala sila ng kaniyang Mama, na kapag huling dumating sa isang piging o kasiyahan, ay ang pinakamahalagang tao sa mga dumalo.

Nakasimangot na ang mga empleyado ni Sari dahil hindi pa sila makaalis dahil hinihintay pa ang napaka-late na si Erica.

“Finally Madam, you arrived! Kayo na lang po ang hinihintay ko,” pagsalubong ni Sari.

“Yeah, alam mo naman, medyo busy ako sa mga business ko eh, so… ngayon ko lang nahanapan ng oras,” sagot ni Erica. Ang totoo niyan, sinadya niya talagang magpaimportante. 

Matapos masukatan para sa napakagandang long gown na napakahaba ng trail, umuwi na si Erica upang magpahinga. Dadalhin na lamang ni Sari ang yaring long gown sa kaniyang malaking bahay kapag yari na. Sunod naman niyang inasikaso ang pagpapa-book sa paborito niyang salon para sa kaniyang hair and make up.

“Mukhang busy ka Mom… may event kang pupuntahan?” tanong sa kaniya ng anak na babaeng si Melissa. Ito ang manager ng kanilang munting negosyo.

Advertisement

“Yes… may alumni homecoming kami sa Sabado, at ayoko namang magmukhang ordinary lang. I’ll make sure na ako ang pinakamaganda sa lahat ng mga naging kaklase ko noong high school na nambully sa akin, at sinabihan akong ang pangit-pangit ko! Humanda sila sa akin,” turan ni Erica sa kaniyang anak.

“That’s my Mom! Slaying again!” tuwang-tuwang sabi ni Melissa.

“Of course! Wala sa lahi natin ang mga nagpapatalo, dear…” sagot ni Erica.

Huwebes bago ang big event sa Sabado, kagaya ng ginawa niya kay Sari ay huli ring dumating si Erica sa salon. 8:00 nang gabi ito nagsasara subalit 8:30 na siya dumating. Hindi naman makapalag ang manager dahil alam nilang bigating customer si Erica. Dahil nagpakulay at nagpa-rebond ng buhok si Erica, matagal itong natapos na umabot pa hanggang 3:00 ng madaling-araw. Lihim na nagngingitngit ang kalooban ng hairstylist na nag-ayos sa kaniya, kahit na binigyan siya nang malaking tip.

“Akala naman niya ikakayaman ko ang tip niyang 100 pesos! Mas gusto ko pang matulog ‘no,” komento ng hairstylist ni Erica pagkaalis niya. 

“Hayaan mo na. Umuwi ka na muna at magpahinga. Off mo na lang,” sagot ng butihing manager ng salon.

Biyernes ng gabi, handang-handa na si Erica. Maayos naman ang tabas at moda ng pulang long gown na may mahabang trail na ipinagawa niya kay Sari. Maayos na rin ang kaniyang buhok. Sabado ng hapon siya aayusan ng make up artist.

Elegant Red Lace Tulle Ball Gown Wedding Dresses with Full Sleeve 2018 –  angelaweddings

At sumapit ang Sabado. Umaga pa lang, abala na sa pagpapaganda si Erica. Hindi niya sinisilip ang sunod-sunod na text messages sa kaniyang cellphone. Ayaw niya nang istorbo. Ayaw niyang may alalahanin. Pinaghandaan niya ang gabing ito. Gusto niya, fresh na fresh siyang haharap sa kaniyang mga dating kaklase.

Advertisement

7:00 nang gabi ang simula nang kasiyahan batay sa ipinadalang e-invite, subalit 7:30 ay inaayusan pa rin siya Erica. Mga bandang 8:30 lamang siya nakagayak.

“Sure kang ‘di ka late, Mom?” tanong ni Melissa. 

“Gusto ko nga iyon para grand entrance ako. Titingin silang lahat sa akin dahil ako ang reyna at nasa akin ang korona,” sagot ni Erica sa anak.

At sumakay na nga sa kaniyang kotse si Erica at inihatid sa venue ng pagdiriwang. Panay ang tingin ni Erica sa kaniyang salamin. Hindi pa rin niya tinitingnan ang mga mensahe sa kaniyang cellphone, mapa-text o chat.

Pagdating sa venue, halos walang katao-tao sa labas. Wala ring mga kotse. Walang bakas na may nagaganap sa loob.

“Sobrang late na ba ako at tapos na?” bulong ni Erica.

Pagkababa ni Erica, taas-noo at liyad ang dibdib na nilapitan niya ang security guard upang tanungin kung tapos na ang kanilang alumni homecoming. 

“Ay Ma’am, kanselado raw po sabi ng management. Marami raw po kasing hindi makakarating. Karamihan daw po kasi sa batch ay nasa ibang bansa na,” sagot ng security guard.

Advertisement

Pahiyang-pahiya si Erica. Pakiramdam niya ay lalamunin siya ng lupa anomang oras. Galit na galit na tinawagan ni Erica ang organizer ng kanilang event.

“Hey, nag-notify kami sa lahat. Nagpadala kami ng messages sa chat at text messages, Biyernes pa lang. Besides, hindi ka rin nag-confirm kung pupunta. Haven’t you read the advisory? Naka-post din sa Facebook page ng school,” sagot ng organizer ng event na dating Student Council president ng kanilang paaralan.

At binasa na nga ni Erica ang mga mensahe sa kaniya sa text, sa chat, gayundin sa Facebook page. Nanlumo si Erica. Kompirmadong kanselado nga at ‘di pa tiyak ang petsa. 

Hindi na magawa pang magalit ni Erica dahil kasalanan naman niya ang lahat; hindi kasi siya nagbasa ng mga mensahe. May mahalagang natutuhan dito si Erica: na nagdudulot din pala ng masamang bagay ang pagiging pa-importante. Ipinangako niya sa sariling hindi na uulitin ito upang hindi na mapahiya at magsayang ng pera, oras, at panahon sa susunod.