Nagulat ang Mister na Ito Dahil May Apat na ‘Extra Service Packages’ ang Spa na Kaniyang Pinuntahan Upang Magrelax; Anong Package Kaya ang Pipiliin Niya?

May kung ilang minutong nakatitig si Arnold sa spa house na napansin niya habang siya ay naglalakad pauwi. Kakaiba at nakapupukaw kasi ng interes ang pangalan nitong “Halimuyak.”

Ilang buwan na kasi siyang ‘tigang’ dahil apat na buwang buntis ang kaniyang misis. Gusto talaga niyang maghanap ng mapagbabalingan ng kaniyang mga pangangailangan. Ayaw naman niyang humanap ng bayarang babae dahil natatakot din naman siyang makasagap ng sakit mula sa kanila.

portrait of man smiling over white background - smiling asian man stock pictures, royalty-free photos & images

Kaya naman, lakas-loob siyang pumasok sa loob upang tingnan ang mga serbisyo nila.

Maganda at talagang nakakarelax ang ambiance sa loob nito. Amoy na amoy rin ang mabangong aroma. Sinalubong siya ng maganda at seksing receptionist.

“Hello sir! Welcome po sa Halimuyak. Ano pong serbisyo ang nais nila? Para po makapamili kayo, heto po ang catalogue,” nakangiting sabi ng receptionist.

Nakapukaw sa kaniya ang mga espesyal na package na ibinibigay nila.

Ito ay isang oras na pinagsama-samang uri ng masahe at may ‘ES’ o extra service. Sa ilalim ng unang package, ang ES ay may deskripsyon na ‘Extra H,’ ang ikalawa naman ay ‘Extra B,’ ang ikatlo naman at ‘Extra F’ at ang panghuli naman at medyo may kamahalan ay ‘Extra All-The-Way.’

Naglalaro na sa isipan ni Arnold kung ano-ano ang ibig sabihin nito, na may kinalaman sa mga gawaing seksw@l.

Advertisement

“Anong ibig sabihin ng Extra All-The-Way?” tanong ni Arnold sa receptionist. Makahulugan naman itong ngumiti.

“Lahat iyan, sir. Pinagsama-sama na. Matapos ang masahe, may extra H, B, at F na ibibigay ang masahista sa inyo,” saad ng receptionist.

woman working at the spa - smiling asian woman in spa stock pictures, royalty-free photos & images

Tila may bahagi sa katawan ni Arnold na kumislot. Sa halagang 1,000 piso, may all-the-way na siya. Iyon ang kinuhang package ni Arnold.

Lalo siyang ginanahan nang makita ang masahistang nakatalaga sa kaniya. Isang magandang, balingkinitan, at maputing babae na tantiya niya ay nasa 23 hanggang 25 taong gulang. Puwede na, saad niya sa isip.

“Sir… pasok na po kayo sa massage room. Magtanggal na po kayo ng damit… tapos dapa na lang po kayo sa massage bed. Balikan ko po kayo sa loob ng limang minuto,” malambing na bilin ng magandang masahista.

“Lahat ba tatanggalin ko?”

“Opo. Lahat po.”

Sabik na tinanggal ni Arnold ang kaniyang mga saplot. Ngayon na lamang ulit may ibang babae na makakahawak sa kaniyang hub*’t hub@d na katawan kaya lalo siyang nasasabik.

Advertisement

Maya-maya, pumasok na ang kaniyang masahista. Tila sinisilaban ang pakiramdam ni Arnold nang maramdaman na niya ang paghagod ng mga kamay nito sa kaniyang katawan.

“Masakit ba, sir? Sabihin lang po ninyo kung masakit…” maya-maya ay mahinang bulong ng masahista. Para namang nakiliti si Arnold.

“Hindi… masarap nga eh. Sige lang, diinan mo pa,” tugon naman ni Arnold.

“Ano pong gusto ninyo mamaya sa ES, mabilis o mabagal? Nagmamadali po ba kayo?”

“Hindi ako nagmamadali. Dahan-dahanin mo lang…” pilyong tugon ni Arnold.

Habang minamasahe siya ay kung saan-saan na naglakbay ang malawak na imahinasyon ni Arnold. Iniisip niya kung ano-ano kaya ang gagawin sa kaniya ng masahista, na batay sa kaniyang pagtatanong ay si Jen.

Makalipas ang isang oras nang masahe, dumating na ang pinakahihintay na bahagi ni Arnold: ang extra service!

“All-the-way po ang pinili ninyong package sir, tama po?” malambing na tanong ng masahista.

Advertisement

“Oo, all-the-way. Galingan mo ah. Matagal na akong walang kuwan kasi buntis ang misis ko,” sabi ni Arnold sabay tihaya. Nakahanda na siya. Mabuti na lamang at may tapis ang kaniyang pang-ibaba.

“A-Ano naman ho ang kinalaman na buntis ang misis ninyo, sir?” nakakunot-noong tanong ng masahistang si Jen.

“Eh ibig sabihin, alam mo na… wala nang nagbibigay ng mga pangangailangan ko bilang lalaki. Kaya natuwa nga ako rito sa inyo kasi 1,000 piso lang eh may masahe na at extra service nang masarap,” nakaloloko ang ngiti ni Arnold.

“Ah ganoon ho ba, sir? Sige ho. May kukunin lang ho ako,” nakangiting saad ni Jen. Lumabas ito saglit, at pagbalik niya ay may dala na itong maliit na tray na kinalalagyan ng iba’t ibang mga gamit sa pagmamasahe.

“Ano-ano ang mga iyan?” sita ni Arnold dahil may dala-dala ring tray ng pagkain ang masahista.

“Ito ho ang extra service na tinutukoy namin sir. Ang H po ay tumutukoy sa extra hot stone massage, tapos ang B po ay body scrub, at ang F naman po ay facial at foot spa. Para po kompleto ang pagrerelax ninyo, sir. Hindi naman po kayo nagmamadali, sir, hindi ba? Sabi ninyo, okay lang kahit dahan-dahan,” paliwanag ng masahista.

massage therapist holding massage supplies - smiling asian woman in spa stock pictures, royalty-free photos & images

Tila nalaglag ang panga ni Arnold. Malayo pala sa inaakala niya ang lahat.

“Medyo magdaragdag lang po tayo ng oras sir kasi tig-30 minuto po ang lahat para matapos natin. Sigurado pong matutuwa po ang misis ninyo kapag nakita niya kayo,” natatawang dagdag pa ng masahista.

Advertisement

Natatawa na lamang si Arnold habang naglalakad pauwi sa kanila. Ayos na rin. Magaan ang kaniyang katawan at maski paano, nakapagrelaks siya. Higit sa lahat, hindi pa siya nagkasala sa kaniyang asawang buntis.